AGKA (Part 29)

2.3K 121 14
                                    

           Ayan naka update narin sa
wakas sorry.
Nagiging busy na ako
This past few days.
Pero sinusubukan ko
Namang mag sulat.
Thank you sa lahat ng
Nag aabang palagi sa AGKA.

  HAPPY READING Y'ALL ♥️🙏

____

--

"Good morning tita gandaaaa.. wake up wake up." Boses ni nica na nagpagising saakin. Sabay alog sa balikat ko at hindi pa nakuntento sumakay bigla sa tiyan ko. "Urhg.. ang bigat monang bata ka."

"You think so tita?"

"Oo. Kaylangan mo ng mag less food stop eating chocolate na." Pero bigla siyang sumimangot. "I dont want to." Sabay lundag lundag niya sa kama ko. "I want to be fat, because my classmates they are fat too."

"Hayst kaloka kang bata ka." Sabay bangon ko. "Baba kana tita ganda, tito guapo is waiting for you na." Kaya bigla akong napatigil sa pagkuha ng towel. "Sinong tito guapo?"

"Tito ej. He told me to call him tito guapo since i call you tita ganda daw." Ngising niyang sabi. Hays pati talaga bata. "Ang cute mo talagang bata ka." Sabay kurot ko sa chubby chicks niya. "Baba kana dun, maliligo lang si tita ganda mo." Hindi naman na siya nagsalita at bumaba na.

Naligo lang ako sandali at mabilis na nagbihis. I wonder kung anong ginagawa ng lalaking yun dito wala naman akong sinabing uuwi ako sa bahay namin.

Pagbaba ko sa hagdan si Ej na kalong si nica at nagkukulitan ang nadatnan ko sa sala. Nakatingin lang ako sa kanila ng bigla silang sabay na napalingon sa kinaroroonan ko. "Titaaa.." sigaw ni Nica.
"Morning" si ej. Ngumisi lang ako sabay lakad ko papunta sa kanila. "Oh ija anjan kana pala, pacensya kana at dina ako nakapag paalam na papuntahin si ej dito. Tinawagan ko kasi kanina na dito mag breakfast." Si mom na nakakalabas lang galing sa kusina. "Ok lang mhie." Sagot ko. "Hello ate" si kyle na nag beso saakin na galing pa ata sa labas.Basa pa ng pawis "eiww maligo ka nga dun. Amoy pawis ka"
"Arte porket nasa harap ang manliligaw niya." Dinig kung bulong niya. "Kyle" tawag ko. "Maliligo na.." sabay akyat niya. Maya maya bumalik na si mommy sa kusina si nica naman lumabas dahil pupuntahan daw niya si lolo dad niya. Kaya kami nalang ni ej ang natira sa sofa. "For you" sabay abot niya ng bulaklak na sunflower. "Nag abala kapa makakapasok ka naman ng walang dala dito, ang lakas mo kaya kay mommy." Napangiti siya. "Its part of ligaw thing." Sagot nalang niya. "So wala kayong practice ngayon?".. "mamayang hapon pa yun, ikaw wala kang pasok?"

"Meron pero absent muna." Ang totoo hinihintay ko ang text ni lily. May darating na smuggled ng mga baril na pag aari lopez mamayang gabi, wala pang lugar kung saan, go signal nalang hinihintay namin. Masyadong umingay ang balita kagabi matapos madiskubre ang plantation ng shabu na pag aari ni Lopez, kaya siguradong nag iingat nayun ngayon..
"Good morning pipol of the Philippines, Good morning sa pinaka guapong ako---" paused "---next sa kanya" sabay turo niya kay ej. Na nagpatawa sa huli.

"Oh yobert lakas ng pang amoy ah" si mommy na lumabas pa ng kusina, close din ang dalawang to e. " Good morning sa pinaka magandang binibi--ARAY"

"Ang ingay mo" si daddy na kakapasok lang may bitbit pang kung ano. "Saiyo talaga mana si capt. Margarret tito, ambrutal!"..

"Oh pasok mo sa kusina to." Natawa nalang ako. Sa itsura ni muhajil habang inaabot ni daddy ang bitbit niya. Ano ba kasing ginawa nito dito ang aga mambweset. "Hali na kayo at baka lumamig ang pagkain." Biglang singit ni mommy. "Pag dating namin sa dining andun na si muhajil nauna pa, katabi niya si nica at nag aasaran nanamn sila. "Titoyoh wala po kayong pagkain sa inyo kaya dito ka po nag breakfast?" Bigla naman nasamid si muhajil, Natawa ako sa kakulitan ni nica. "Meron naman, pero sempre bukod sa masarap ang luto ni tita, ei masarap talaga ang libre.." bigla naman sumingit si kyle na kaka baba lang galing sa taas. "Tama tama yan."

"Gusto niyo tamaan kayo saakin?" Si dad. "Lahat nalang tinuturo niyo sa apo ko."

"Asan nga pala si papa at mama mo?" Tanong ko ky nica. "Sa house po sabi nila gagawa sila ng baby brother ko kaya dito na muna ako." Inosente niya sagot! Biglang naubo si dad, pati si ej, si muhajil naman nabitin yung sinusubo niya. Si kuya talaga lahat nalang tinuturo sa bata. "Nakoo makukurot ko talaga yang kuya niyo puro kalokohan." Si mom. Natawa tuloy kami!

Pagkatapos naming kumain. Inaya ni kyle si Ej at yobert na maglaro sa kwarto niya, kami naman ni nica nag bonding kami sandali. Sa sala kasama si mom at dad.

Maya maya nakita kung bumaba si muhajil galing taas. "Capt. Usap tayo sandali." Bulong niya. Kaya tumango lang ako! Lumabas kami, sa my pool banda dun kami nag usap..

"Ano ba yun?" Tanong ko agad.

"Kagabi natagpuan si Alexander Oleander patay at mga kasama niya sa may ortigas isa sa  lumang building dun. Malaki ang supetsa kona si lily ang may gawa nun. Katulad na katulad sa pag patay kay marvin lim."

Nasapo ko nalang ang noo ko sa balita ni muhajil. "Alam naba nila hepe to?" Hindi na kasi ako bumalik kahapon sa prisinto, "Oo pero hindi nila alam na si Lily ang may gawa, suspetsa nila yung ibang ka deal nila nung gabi bago mangyari ang pagpatay, my  narecover kasi na sampong pakate ng syabo at 1.2 million na cash."

Hindi ko alam kung nakakatulong paba si maria sa kaso,lalo lang niyang pinabibigat ang kaso niya..

Nakita kung papunta sa kinaroroonan naminnsi ej. "Sige na magusap nalang tayo mamaya sa prisinto." Sabi ko kay muhajil.

"Nagdadate pa kami ni capt. Sir bat  sumunod ka agad." Tanong niya ky ej. Pero tumawa lang si ej.

"Hindi bagay ang pandak sa matangkad, isa pa masyadong maganda si margarret para saiyo."

Natawa ako hirit ni ej. "Burned" pero sumimangot lang si muhajil.

"Jan na nga kayo! bagay nga kayong dalawa mga bully" sabay alis niya. Nagtawanan lang kami.

"Tara." Biglang aya niya saakin. "Saan?"

"Dumating lolo mo hinahanap ka." Patay. Mukhang nakarating na sa kanya! "tara" magkasabay kaming pumasok sa loob ng bahay.

Pagpasok namin si lolo agad ang nakita ko habang nakaupo sa hita niya si nica.
Bumeso agad ako sa kanya at nag mano.

"Hindi po kayo nag sabi nadarating kayo lo.
Sana nagpasundo nalang kayo." Agad kung upo sa tabi niya.

"At ano ikaw susundo saakin kasama yang motor mong wala pang nakakasakay?"

"Ako ko lo. Nakasakay na ako dun." Singit ni ej na parang close na sila. Ambilis naman

Biglang nag interrupt si muhajil na gulat na gulat. Ang o.a!

"Seryoso sir ej? Nakasakay ka sa motor niya?" Sabay turo saakin. Nanlalaki pa ang mata niya.

"Oo hinatid niya ako sa bahay." Naguguluhang sagot ni ej.

"Alamo bang wala pang naiangkas si ate dun?" Singit naman ni kyle.

Biglang tumingin saakin si ej ng may pagtatanong.

"Matagal na kaming magkasama niyang dipa niya ako pinapasakay dun." Si muhajil na hawak pa ang puso. "Tapos ikaw? unfairr, diba tita?"

Tawag pa niya kay mom. Napalabi nalang si mom, ang kulit!

"Pinapasakay kita muhajil. Ikaw lang tong ayaw---"

"---malamang gusto ko pang mabuhay."

Putol niya sa sasabihin ko.
Nagatatawanan lang kami ng biglang magsalita si lolo na nagpatigil sa mundo ko.

"Pag katapos ng lunch mag usap tayo Margarret Dale." Si lolo na nagpatahimik saamin lalo na si muhajil.

Katapusan mona margarret....

ANG GIRLFRIEND KUNG ASTIG ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon