Quotes 37

11.5K 81 0
                                    

A/N: Pasensya na kung paulit ulit na yung ibang quotes ha? :)

---

✦ Kung May gandang di mo inakala, mayroon ding gandang ikaw lang ang naniniwala.

✦ Pag in relationship ka malamang French kiss, Pag single ka malamang French fries.

✦ Pag Niyaya kitang magsimba, wag kang matawa. Pasalamat ka, Seryoso ako sa'yo at kay Lord kita ipapakilala.

✦ Kung Tatanungin mo kung SINO ANG MAHAL KO, Para mo na din tinanong kung ANONG PANGALAN MO!

✦ Alam mo ba yung pakiramdam na namimiss kita? Yung tipong matutulog na nga lang ako pero naglalaan pa ako ng oras para isipin ka.

✦ Pwede mo naman siyang mahalin kahit kulang ka sa ORAS. Wag na wag lang mamahalin PAMPALIPAS ORAS.

✦ Ang Pinakamahirap na parte ng paglayo sa taong hindi ka kayang mahalin ay ang katotohanang hindi ka niya kayang habulin.

✦ Sabi ni Peter Pan, Magisip ka lang ng mga magagandang bagay tapos makakalipad ka na. Eh bakit ako? Iniisip kita pero nahuhulog ako?

✦ Hindi naman lahat ng sumusuko, MAHINA at TALUNAN May mga bagay at tao lang talaga na dapat SUKUAN para hindi ka na MASAKTAN.

✦ Mas madaling tanggapin na kaya hindi ka niya naite-text dahil wala siyang load. Kesa sa alam mong may load nga siya pero di ka niya naaalalang itext.

✦ Wag kang malungkot kung palpak ang lovelife mo, sadyang malakas lang talagang manalangin ang taong pumapangarap sayo.

✦ Mahirap daw magmahal ng taong iba ang gusto. Pero alam ba nila MAS MAHIRAP magmahal ng taong akala mo ikaw ang gusto?

✦ Wag kang gumawa ng paraan para sumuko ako dahil sa oras na ipinaramdam mo sa aking BALEWALA ako. Kahit sobrang mahal kita, BIBITAW ako.

✦ Paano ko matutupad ang mga salitang 'Di kita iiwan', kung pinapadama mo sa akin ang mga salitang 'Di na kita kailangan'?

✦ Wag umasa sa itsura. Ugali dapat ang inuuna.

✦ Ang pagsyosyota na yan, parang pagkain lang. 'Pag na sobrahan, lumalaki ang tiyan.

✦ Ang tunay na lalaki, mamahalin ka kahit anong MANGYARI, hindi yung iiwan ka kapag walang NANGYARI.

✦ Minsan mapaglaro ang tadhana. May pagkakataon na yung taong dating ordinaryo lang para sayo, biglang nagkakaroon ng espesyal na puwang sa puso mo.

✦ Wala akong oras sa mga taong ayaw sa akin. Kasi busy ako sa pagmamahal sa mga taong nagmamahal sakin.

✦ Hindi ka dapat manghinayang sa taong ikaw mismo ang sinayang.

✦ Aminin mo, minsan mas madali mong sabihin ang tunay mong nararamdaman sa pabirong paraan.

✦ Wag mong balewalain ang tulad kong nagpapahalaga sayo. Hindi mo ba alam na andami ko na ring binabalewala para lang sayo.

---
A/N: MABILISANG UPDATE! Hehe, matagal akong mawawala! Haha! Sa pasko na balik! Hahahaha! Tsarot! Hooy! Sino ba yung nagttext sakin? Magpakilala kayo okay?

Quotes etc. 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon