✦ Iba't ibang uri ng Single

15.3K 104 6
                                    

By: Isarael Mananglas

Workaholic. Priority ang trabaho at pag-aaral. Mga taong mahalaga ang career at dapat ay focus lang sa ginagawa dahil naniniwala sila na ang pag ibig ay sagabal sa kanilang pangarap. Sila yung mga tipo na walang social life. Trabaho/school at bahay lang.

The Shy type. Sila ay yung mga suplado/suplado effect pero ang totoo, sila yung mga torpe at mahiyain. Hindi makalapit at hindi makagawa ng first move kaya palaging nauunahan ng iba. May syota na ang buong barkada, nananatili ka pa ding single. Sila yung mga duwag mag express ng nararamdaman at mas pipiliin na lang itago sa sarili dahil takot sila sa wall of rejection.

Family Oriented. Sila yung mga tipo ng tao na hanggang ngayon ay single pa din nang dahil sa pamilya. May responsibilidad na dapat gampanan at sila talaga ang priority. Kung anong sabihin nila, susunod ka kahit pati yung buhay pag-ibig mo kakalimutan mo para sa kanila. Ganon mo sila kamahal. Gusto mong suklian ang lahat ng bagay na ginawa nila sayo. Sinusunod mo lahat ng sabihin ng magulang mo, kung sino ang dapat mong maging bf/gf pati na din yung dapat mong pakasalan kaya you end up being single.

Party Animal. Mga mahilig mag-enjoy sa buhay. Mahilig sa night life, sa barkada at sa kung ano anong luho sa katawan to the point na sa sobrang daming pwedeng gawin eh naka set aside na ang lovelife. Dun ka kaze masaya. Sila yung mga tipo na feel na feel ang pagiging single dahil nagagawa nila lahat ng gusto nila ng walang nagbabawal na bf/gf.

The Choosy One. Mga pihikan. Sila yung mga tipo na ang paboritong kasabihan ay "Hindi ko naman kailangang magmadali kaze madami pa namang lalaki sa mundo". Sila yung may 50 page na listahan ng standards sa pagpili ng taong mamahalin, dapat gwapo/maganda, dapat mayaman, mataas ang pinag-aralan, anak ni mayor, may kotse. etc etc. At higit sa lahat, dapat perpekto. Since, wala namang pepektong tao sa mundo, ayun, single forever.

The Angry Bird. Sila ay yung mga kulang na lang ay isumpa ang buong mundo dahil sa isang napakamasalimuot na nakaraan sa kanilang buhay. May traumatic experience. Maaaring iniwan ng dating nobyo kaya ayaw ng magmahal ulit. Sila yung mga galit na galit kapag may nakikitang magnobyong naglalampungan sa jeep at sa plasa.

Destiny's Child. Sila yung mga tipo na iniaasa lahat sa tadhana ang kanilang lovelife ng walang ginagawang kahit anong hakbang at effort. Basta na nga lang nakaupo sa kanto, naghihintay na may pumatak galing sa langit. Parang commercial ng axe. Motto: "Dadating yan sayo kung talagang para sayo."

Single by Choice. Pinili nilang naging single sa ibat ibang dahilan. Maaring naniniwala sila na hindi kailangan ng partner para maging masaya ka o di kaya ay may isang tao silang matagal na nilang hinihintay na hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik.

Plants vs. Zombies. Sila yung mga taong kahit anong gawing hanap sa tunay na pag ibig ay nananatili pa ding single dahil mukhang lantang halaman at zombies. lol. Hindi talaga sila blessed sa ganung aspect. Deal with it. Ayun, ang mean ko. Kabaliktaran sila ng destiny's child kaze sila yung facebook dito, chat doon, at mga nag uubos ng load para lang mahanap yung right one nila. Ginagawa nilang excuse ang mga nakalista sa taas gaya ng pagiging workaholic daw, family oriented daw, pagiging choosy kunware, destiny destinihan, at ang kunware ay choice nila yun which in fact ay para pagtakpan lang ang kakulangang meron sila. Motto nila, yung palong palong, Lord, parang awa niyo nah. kelangan ko ng "TRUE LOVE".

---

Quotes etc. 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon