09| Try out nga eh, ibig sabihin try lang!

47 7 3
                                    

Location: Rinon Training Field, Horizon Academy
Time: 15:45
Yael Cortez

Naghihiyawan ang mga troops ng CODE:TARTARUS sa kanilang mga upuan. Tumatagaktak ang pawis ko at hinihingal na rin ako. Idagdag pa ang init ng araw na direktang tumatama sa akin.

"What are you doing? Keep going." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Tangina...

Putangina...

Gago...

Lahat na ata ng mura nasabi ko na. Masyado siyang malakas...

Nahihirapan na akong huminga dahil sa pagod. Lahat na ng atake ko nasangga niya. Pero kahit isang butil ng pawis wala akong makita mula sa kaniyang magandang mukha. Ni hindi nga nalukot ang damit niya.

Inilagay ko ang mga kamao ko sa harapan ko at ibinalik ang battle stance ko.

Ano to?

Paano ako napunta dito?

Bakit ko kalaban ang tinaguriang pinakamalakas sa buong school na'to?

Saglit, balik tayo sa simula...

Location: Horizon Academy
Time: 13:25

Yael Cortez


"Sabi niyo, walang maghihiwalay-hiwalay." Sumandal ako sa upuan ko at itinaas ang mga paa ko sa lamesa. "Oh, asan na yung iba?"

Walang nakasagot sa dalawa.

Nakakagago lang naman kasi. Ang usapan wag daw kami maghihiwalay-hiwalay. Pagka-announce na pagka-annouce ba naman na walang klase ng hapon, biglang naglaho yung mga kasama namin. Si Ethan? Ewan ko kung saan napunta yung taong yun. Si Shane? Malamang sinundan si Ethan. Ang magaling na si Zen Lucille? Aba malay ko ba dun sa wirdong yun. At syempre yang Claude na yan, ayun! Nagkukunwaring may sakit sa clinic. Paraparaan pa eh.

Ang naiwan lang dito sa classroom ay ako, si Prinsesa Merlia, at si Athena. Nagtutungangaan lang kami dito. Kaburyong, tangina...

Tumayo na ako sa upuan ko.

"Saan ka pupunta?" Agad na tanong sa akin ni Prinsesa Merlia.

"Hahanap ng gagawin. Hindi naman pwedeng magtitigan lang tayo dito," Sagot ko.

"Athena," tinawag niya si Athena. "We should go with him."

"Ah y-yes," sagot naman nung isa.

"Oh? You guys are still here?" Napalingon kami kay Sierra na kakarating lang.

"Wala naman kaming alam na puntahan. Atsaka yung mga kasama namin pinag-iiwanan kami," sagot ko.

"Ahh I see..." pumunta siya sa upuan niya at may kinuha na mga papeles sa ilalim."Hmmm...how about you try out for CODE:TARTARUS, Yael? They're holding out a try-out at the field right now."

"Yael, I think you should go." Sumang-ayon si Prinsesa Merlia.

"And besides, you look like you get into fights a lot." Dagdag ni Sierra habang pinapasadahan ng tingin ang mga piercing ko sa tenga at ang tattoo ko sa braso.

"Mali ang iniisip mo," agad ko siyang hinarang. "Hindi ako basagulero."

"Ahh ganun ba? Pasensya na."

Will Of A DeityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon