Time: 15:35
Location: Horizon Mall, Horizon Academy
Shane Catherine Freya"And that's how I got my date?" malungkot na sabi ko sabay sipsip sa milk tea ko.
"But isn't that great, Shane?" Tanong ni Princess Merlia.
"Of course not! Paano na kami ni Ethan?" I continue to whine. Di ko pa rin tanggap na namiss ko ang chance na maging date ni Ethan sa acquaintance party. Nagpalitan ng tingin yung dalawa.
"Seriously, Shane. I think it'll be fine for Ethan. I mean...we all know what Ethan is like," sabi ni Princess Merlia.
Napasimangot na lang ako. She's right. Baka nga matuwa pa yung kumag na yun eh.
Katatapos lang naming mamili ng susuotin namin sa acquaintance party. It's been a while since I shopped like this, nakakaexcite actually. Expected ko na na walang alam sa fashion si Athena pero di ko inespect na ganun din pala si Princess Merlia. She always wore fashionable clothes sa dating school namin. Yun pala may sarili siyang stylist dati. Pero ngayon wala. Ang ending, ako ng pumili ng mga damit namin. After nun naupo muna kami sa isang coffee shop dito sa loob ng mall. Tapos napag-usapan namin ito.
"But still..." Hindi ko pa rin talaga maiwasang mag-pout.
"B-Bakit mo ba tinanong na maging date si Sir Ivan?" Tanong ni Athena.
"Ewan, nadala ako ng emosyon, okay? Huhu paano na ang lahat ng damoves na pinaplano kong gawin kay Ethan sa acquaintance party?!" Sabi ko at yumakap sa braso ni Athena. Oo, feeling close ako. Bakit ba?
I notice how she flinched for a second pero nagrelax din ang katawan niya bago awkward na pinat ang ulo ko. Dahil sa shopping spree namin ngayon narealize ko na sobrang mahiyain ni Athena. Para bang hindi siya sanay na may kasama siya. Loner kasi siya lagi. Introvert, ba tawag dun? Basta! Pero mabait naman siya.
Si Princess Merlia naman sobrang formal niya. Pero medyo clumsy. Napansin ko lang kanina nung namimili kami. Pero mabait din naman siya.
Dati sa Vrent University, wala akong friend na girl. Talagang si Ethan lang lagi kong kasama. May mga nakakausap naman ako pero feel ko ang pagiging plastik nila sa akin kaya hindi kami nagiging close. Sana dati ko pa naisip na kaibiganin 'tong dalawang 'to. Oh well! Ibang-iba naman kasi ang mundo namin sa isa't-isa dati. Si Princess Merlia laging napapalibutan ng mga guards and maids niya, si Athena loner, tapos ako lagi lang nakasunod kay Ethan. Kaya ang lalayo talaga namin sa isa't-isa.
"Oh by the way, Princess----"
"Merlia. Just call me Merlia," pagputol niya sa sasabihin ko bago tumingin din kay Athena. "Ikaw din, Athena. Sabi ko sa'yo Merlia na lang itawag mo sa akin. We're friends now, we should address each other more comfortably."
"Y-Yes..." Nahihiyang sagot ni Athena. Napangiti na lang ako. "Merlia!" tawag ko.
"Yes, Shane?" Ang saya naman, may friend na ako na prinsesa!
"Ano ng balita dun sa roommate mo?" Tanong ko. Since tatlo kami, si Princess Merlia lang ang nahiwalay sa amin.
"Oh, nalate lang siya ng dating last time. Pero mabait naman siya. Her name is Monica. And she's a muse."
"Oh si Monica? Yung nasa accounting office. She's insanely pretty. Nameet ko siya once nung pumunta ako dun para----"
"Sila Ethan ba yun?" napatingin ako kay Athena nang magsalita siya tiningnan ko yung direksyon na tinitingnan niya. Una hindi ko makita yung tinutukoy niya then lumabas sa shop na tinitingnan ni Athena sila Ethan.
BINABASA MO ANG
Will Of A Deity
FantasyTitle: Will of a Deity Universe: A Cold World Series: Through The Border Season: I ☘︎☘︎☘︎ Horizon Academy is a school unknown to the outside world. It is founded by a mysterious being they call Headmaster Chaos. It is governed by four student organi...