34| The Color of the Moon

24 6 0
                                    

Time: 13:04
Location: Horizon Academy
Shane Catherine Freya

"According to the book of Wisteria, our world is divided into three realms-the Afterlife, the Living, and Hell. The Living world is the place living people live, some call it Earth. The Afterlife is the realm above the Living realm. It is divided into two parts-the Upper Realm and Eternity. Eternity is where the souls go after death while the Upper Realm is where the Supreme Deity of Fate is believed to reside."

Ilang araw na rin after ng face-to-face namin with the members of CODE:NYX. Ethan is still doing what he's been doing kahit binawalan na siya nung leader ng CODE:NYX na mag-cutting. Eh wala eh, tigas pa rin ng ulo.

Ako? Hindi pa rin mawala sa isip ko ang naging encounter ko dun sa wierd na library sa third floor ng Amane Building. That shade of grey keep popping in my head.

"Hell, on the other hand, is where souls of sinners are believed to be sent after they die. It is a place of suffering and..." Pasok sa tenga, labas sa kabila. Wala na akong naintindihan sa pinagsasabi ni Ms. Rivera. About religion lang naman tinuturo niya sa amin, yung mga lumang paniniwala ng mga tao na nadala nila hanggang ngayon.

I still can't stop thinking about that library. Ano bang meron sa library na yun? Bakit off-limits? Bakit nagalit si Ivan nung pumunta ako doon? And more importantly...

"The color of the moon..." Wala sa sariling bigkas ko.

Tok! Tok! Tok!

Lahat kami napalingon sa may pinto ng may kumatok. Isang lalaki na may magulo at itim na buhok ang nakasandal sa doorframe. Nakasuot siya ng salamin na may pulang frame at lanyard. Nakita ko rin ang mga ngipin niya na matutulis parang shark. May kapayatan din ito kaya mas lalo siyang nagmumukhang matangkad. "Rivera," tawag niya sa adviser namin na nasa kalagitnaan ng pagtuturo. Napakabastos naman.

Hindi siya mukhang estudyante kasi mukhang nasa 20s na siya. Nakasuot siya ng staff uniform ng school na pinatungan niya ng isang white reefer coat. May nakasulat na 'Librarian' sa nameplate niya. "S-Sir Zack?" Sabi ni Ms. Rivera na obvious namang hindi ine-expect ang pagdating niya.

"You're busy?" Obvious ba? Hello! Nasa kalagitnaan po siya ng klase.

"Ahm I'm in the middle of class," Ms. Rivera pointed out. Tumingin naman siya sa amin ng mga kaklase ko na nakatingin sa kanya. Dun ko na nasilayan ng mabuti ang mata niya. May piercing siya sa kilay at ang sungit niyang tingnan dahil sa lamig ng pagtitig niya. May itsura naman siya. Mala-badboy ganern.

Tumingin siya sa relo niya. "15 minutes," sabi nito. "You're class will finish in 15 minutes. I'll wait for you outside."

"H-Ha? Bakit po Sir Zack? May ipapagawa po ba kayo sa akin?" Tanong ni Ms. Rivera.

"That's Sir Zack," rinig kong bulong sa akin ni Sierra. Mukhang nahalata niyang naguguluhan na ako sa nangyayari. "Remember, one of the council. Ms. Rivera is his apprentice." Oh naalala ko na. Siya pala yun.

Binalik nung Sir Zack yung tingin niya kay Ms. Rivera. "We're going on a date," yun lang ang sinabi niya bago tumalikod at umalis na.

Nang makaalis na yung Sir Zack, saka naghiyawan ang mga kaklase ko.

"Yieeee~ ikaw ma'am ha, si Sir Zack pala ha~"

"I ship it, Sir Zack plus Ms. Rivera equals ZaVera!"

"Uy kinikilig si Ma'am oh!"

"C-Class, settle down!" Pagbabawal naman ni Ms. Rivera na halatang-halata ang pamumula ng mukha. Naku! Kawawa naman si Diosua, EIC lang. Council member ang karibal. Napatahimik na rin Ms. Rivera ang mga kaklase ko kahit halos magmukha na siyang kamatis sa pula. Kilig na kilig si Ma'am eh.

Will Of A DeityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon