17| Hindi nakakatuwa

34 4 3
                                    

Time: 15:13
Location: Rinon Field, Horizon Academy
Yael Cortez

"Ayanis...haaa....Republic of....haaa...Fineral..."

Ilang araw na mula ng nagtry-out ako sa CODE:TARTARUS. Mabilis naman akong nakarecover mula sa lahat ng injury na natanggap ko. Siyempre, ako pa. Talunan man ako sa naganap na tryout, nakapasa pa rin ako kaya naman isa na ako sa mga trainee na kabilang sa CODE:TARTARUS. Akala ko oks na lahat. Kaso lang...

Hinihingal akong napahawak sa tuhod ko. Kakatapos ko lang naman magpush-up ng 150 times habang ni-re-recite ang capital ng lahat ng nation at kingdom sa mundo.

Tangina! Hindi ko rin alam kung anong trip ng sadistang yun.

"Well done," nakangiting sabi ng nag-iisang superintendent at adviser ng CODE:TARTARUS na si Amethyst Quinn. Tangina! Kung alam ko lang na siya pala ang nagt-train ng mga bagong salta na troops di na lang sana ako tumuloy. "You finally got it on your 15th try." Hindi ko alam kung sarkastiko ba siya o natutuwa talaga siya. Ewan, parehas lang naman ekspresyon niya. Pilit akong ngumiti sa kaniya habang humihingal pa rin.

Sa totoo lang, okay lang naman talaga na siya ang mag-train sa amin. Trabaho niya naman talaga yan. Basta ba huwag niya lang ako pag-initan. Eh hindi eh! Kumuha ba naman ng upuan tapos naupo sa harap ko sabay sabing, "Hell, watch over the other trainees for me. I want to focus on my little pet." Tangina.

Kanina pa tapos yung ibang trainee, ako na lang ata natira. Paano ba naman kasi, 150 push ups na nga with matching recitation pa ng mga nation at kingdom, pagnagkamali pa ako, uulit na naman ako sa simula. Minsan hindi naman ako mali pero pinapaulit niya pa rin ako. Alam niyo kung bakit?

"I just feel like it."

Tangina, diba?

Ibubuka ko sana ang bibig ko para magreklamo kaso naisip ko, wag na lang. Alam kong wala akong laban sa kaniya.

Sumalampak na lang ako sa damuhan at pinahinga ang sarili ko. Naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya inangat ko ang ulo ko at napansing nakatitig sa akin si Amethyst. Hindi ko alam kung bakit nakatingin siya sa akin pero kinikilabutan ako. Tapos ngumiti siya. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko...sa takot. Sabi ko na at may masama talagang binabalak 'to eh.

"I guess, that's it for today." sabi niya at tumalikod sa akin. Dinismiss niya na ang mga iba pang mga trainee. Tumayo na ako mula sa pagkakasalampak sa sahig at pinagpagan ang sarili ko. Pag-uwi ko talaga sa dorm, maliligo ako agad.

Malapit na nga pala ang Acquaintance Party sa school na'to. May susuotin na ako since casual naman daw. Ang kulang na lang ay...date. Sus! Kailangan pa ba nun? Bahala na. Pupunta na lang ako ng walang date. Atsaka wala akong masyadong ka-close na babae. Wala akong balak yayain kahit kanino kila Shane, pakiramdam ko kasi meron na yung mga yun. Atsaka pa rang may tsansa naman ako sa mga yun.

"Yael!"

Pinigilan kong magmura ng may biglang sumulpot sa gilid ko.

"Frank!" Agad naman niya akong inakbayan. Kilala niyo naman na si Frank. Simula ng mapasok ako sa CODE:TARTARUS ay parang naging bestfriend ko na itong si Frank. Lagi niya akong pinapayuhan sa mga bagay-bagay na di ko alam about sa school na ito. At siyempre, sineseryoso ko na ang mga payo niya. Kasi last time na di ko sineryoso, napuruhan ako.

"Okay ka lang?" agad na kamusta niya sa akin.

"Siyempre naman, sanay ata ito sa training!" Pagmamalaki ko kahit naliligo na ako ng pawis.

Will Of A DeityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon