⌛30| Oh Shane...

44 5 5
                                    

Time: 16:07
Location: Ivan's Office, Amane Building, Horizon Academy
Shane Catherine Freya

Ilang araw na akong nag-t-training sa ilalim ng adviser ng CODE:GAIA. At masasabi kong totoo nga ang sinasabi nila tungkol sa kaniya.

"Ms. Freya, stand up straight." Agad naman akong napatayo ng tuwid dahil sa sinabi nitong kumag na'to. Napaka-strikto parang si Ms. Minchin.

"Slouching is a bad habit," dagdag niya pa habang nakangiti. Pasalamat ka talaga gwapo ka.

Nanadito kami ngayon sa office niya. Oo, may sarili siyang office. Taray, diba? Bale ang naging trabaho ko lang this past few days ay maging alila----este assistant niya.

Marami akong natuklasan sa kumag na'to niyong nakaraang mga araw. Bukod sa sobrang strict niya pagdating sa manners, sobrang linis niya rin sa gamit. Minsan tinry ko ngang magsalamin sa sahig ng office niya. Sobrang kintab naman kasi. Sobrang organized din lahat ng gamit niya. Walang pakalat-kalat kahit habang nagtatrabaho siya. Walang nayuyukot o natutupi. Sana all, hindi kasi ako ganyan magtrabaho eh.

Aside from that, maayos naman niyang napapalakad ang CODE:GAIA. Tuwing may problema ang CODE:GAIA, ang bilis niyang makaisip ng paraan. Matalino na, pogi pa. Saan ka pa?

Magaspang nga lang ang ugali.

"I hope you understand, Mr. Fuentes. I just don't want our school to have an image of a filthy pigsty," sabi ni Ivan habang nakangiti dun sa demi-human (half-pig) na chairman ng accounting office. Naabutan ba naman niya sila na makalat ang paligid. Ayan, napatawag tuloy siya sa office.

"Oh, I apologize. Did I offend you?"

"N-No, S-Sir I-I-Ivan..." Kawawang Adrian, sinisinok na sa takot.

"I understand that everyone is stressed. But learn to keep that stress within yourselves and not project it to your environment, hmm?"

"Y-Yes..."

"You're dismissed. Keep up the good work."

"Y-Yes, S-Sir Ivan..." Mabilis pa sa alas kwatro na nakalabas ng office si Adrian.

"I'll come to their office unannounced so I can see if they've learned their lesson." Oh diba? Demonyito.

"Ms. Freya," awtomatiko akong napatayo ng tuwid.

"B-Bakit?" Tanong ko.

"Do you have some time after training?"

"Ha? Ah wala po sir."

"Then make some time." Aba't napakademanding naman ng-----Kumalma ka, Shane.

"Bakit po ba sir?" Tanong ko ng mas mahinahon.

"We have somewhere to go," sagot niya sa akin habang hindi pa rin inaalis ang mata sa mga papeles na inaasikaso niya. Sabagay, pogi niya sa anggulong 'to.

"Ah may gagawin kasi ako sir eh," tuwing after training kasi kami nagmi-meeting pito.

"Is it something important? Personal perhaps?"

"Oo sir," sagot ko.

"Then I understand," he said with a sigh of defeat. Isa sa mga natuklasan ko rin tungkol sa lalaking 'to ay hindi siya basta-basta sumusuko. He gets what he wants, if not he'll find a way. Sigurado akong may pinaplano yan. Hindi ako magpapauto-----

"You can leave early today."

"Yay! Talaga po sir?"

"Yes, I'm already done with these papers. So it's alright if you clock out now."

Will Of A DeityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon