Chapter 2: frACTIONs

297 22 3
                                    


Erin's POV

"50,000 pesos!? totoo bayan?", gulat na tanong ni Guy sabay tayo.

Oo, 'Guy' daw nickname niya pero 'di niya binigay sa akin real name niya kanina kasi 'di raw niya ako kilala at baka budol-budol daw ako. Grabe siya.

Napagdesisyunan kong ganun kalaki ang halaga ng i-ooffer ko kasi una, mukhang maraming pera 'to si Guy at baka 'di siya pumayag kung kaunti lang 'yung iooffer ko, pangalawa, para naman may maggamit siyang panglibre sa'ken kapag magdate kami kung sakaling pumayag siya, at pangatlo, wala narin naman akong magpaggagamitan ng pera kasi bye-bye Earth after 30 days na kaya igagasta ko nalang.

"Yes. A hundred percent.", sagot ko nang direkta.

"Wee? San ang proof mo?"

Inopen ko ang BDO app tsaka ipinakita sa kanya laman ng savings account ko.

"Here.", sabi ko sabay abot ng phone ko.

At nakita na niya yung balance kong 145,538.00 pesos.

"Ah okay.", hindi siya namangha kasi obvious naman sa porma niya na normal lang sa kanya yung ganoon kalaking halaga.

At nasanay na rin akong magkaroon ng ganyang pera simula nung nagkaroon nga ako ng stepdad na businessman. Kasi tuwing sweldo niya, nagtatransfer siya ng portion sa account ko at ako na raw bahala mag manage tutal malaki na rin naman daw ako.

"So go?", parang bossing kong tanong kahit na kinakabahan ang kaloob-looban ko.

"And how can you make sure that you're going to pay me after a month?"

"Wag kang mag-alala, per week kita babayaran ng at least 12,000 para 'di ka mainip sa pag-antay sa sweldo mo."

"Hmmmm. Sure talaga 'yan?", tanong niya habang kinukusot yung ilalim na bahagi ng baba niya, parang porma ng isang detective.

Cute! Haha

Yung itsura niyang nag-eevaluate, ang cute!

Imposible naman yatang walang GF 'to!

Haaay.

Mahirap papayagin 'to, kasi parang rich kid na, tapos guwapo pa. Maliban nalang kung mabait siyang tao na iintindihin ako.

"Uy?", pagpukaw niya sa pag-iisip ko.

"Ah, ha? may sinasabi ka?"

"I said, my valid ID ka bang dala para naman maverify ko yung identity mo."

"Ano? Mukha ba akong kriminal?

"So, find another guy then."

Nakakainit ng ulo rin 'tong lalakeng 'to ha.

Calm down Erin.

Calm down.

Breath.

This is for your future.

"Oh heto.", Iniabot ko sa kanya yung school ID ko na kinuha ko sa bag.

"Erin Revilla nga full name mo. Honest ka ha."

"Siyempre. So ano na?"

"Hmmmm. Nagtataka kasi ako eh kung bakit ka magbabayad ng napakalaking halaga sa isang lalakeng 'di mo naman kilala?"

Haaaayyyy, ang daming tanong!

"Ang mabuti pa, kumain muna tayo, okay? dun tayo mag-usap ng todo.", sabi ko sabay tayo.

At salamat naman kasi kahit parang nagdududa 'tong si Guy, sumunod pa rin siya.
Ilang metro lamang yung nilakad namin bago kami makarating sa isang cafe.

My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon