Chapter 17: Lovely Quarrels

139 14 8
                                    


Erin's POV

Ano daw?

Ano daw?

Totoo ba narinig ko?

Totoo?

"Ha?", tanong ko na parang nabingi.

"Yes Erin. I love you.", sabi niya na para bang alam niyang ang meaning nung 'Ha?' ko ay 'Totoo?'.

Siguro somehow nasabi na niya noon sa chat niya na gusto niya ako pero ang phrase na 'I love you', gosh nakakagulat!

Pero, at the same time, nakakatuwa! Sobra!

Siguro masaya lang ako kasi 'yung long time crush ko ay sinasabihan ako na mahal niya ako ngayon.

Unti-unti talagang nagiging totoo ang mga hiling ko ngayong mamamatay na ako.

Hahaay.

"But sadly, you're with someone now.", saad niya sabay yuko.

"Ha?", tanong ko na naman.

Hanggang kailan ba ako mauubusan ng 'Ha?'. Naku!

"I mean, may nobyo ka na. At nakakahiya kasi pinipilit ko ang sarili ko sa'yo.", wika niya sa malungkot na tono.

Tapos, natawa ako nang mahina.

"Nobyo? Wala akong nobyo."

Mabilis niyang iniangat ang kanyang mukha at tinitigan ako.

"Eh, sino—"

"Friend ko lang 'yun. Hindi totoo 'yung 'magjowa' kami.", at tumawa ako ulit.

Dapat ko naman sigurong sabihin sa kanya ang totoo 'di ba?

Magiging over-pretending na kami ni Guy kung pati kay Joseph, magsisinungaling ako.

"What? Really?", ngayon ay nakangiti na siya.

At tumango lang ako.

At napakabilis, niyakap niya ako bigla!

Para siyang isang batang nabigyan ng hinihingi niyang kendi.

"Does that mean?", tanong niya.

"Ano?", sagot ko namang patanong.

"Does that mean, libre akong ligawan ka?"

"Ha? ligaw? ah, eh.", utal ko. Nababaguhan lang talaga ako siguro sa ganitong feeling at sitwasyon.

Sa buong buhay ko, hindi pa ako naligawan. Sa buong buhay ko, wala pang nagkagusto sa akin.

At ngayon, meron na, at ang mas nakakamangha, crush ko pa!

Lord, ang bait-bait mo talaga!

"Yes. Pwede ba? Erin?"

"Uhm. Si—sige? Okay."

"Yes! Salamat Erin! I promise to do my best to help you realize that I'm your long lost prince.", malakas niyang bulalas tapos niyakap ako ulit.

Sure na sure akong pulang-pula na ang mukha ko ngayon!

At umupo na siya.

Tinitigan na naman ako.

"Uhm Erin?"

"O?"

"Now that pwede na kitang ligawan, can I start tomorrow?"

Ha? Tomorrow agad? Eh magkikita siguro kami bukas ni Guy eh.

"Bukas? Hmmm. Pwede sa susunod na araw na lang?"

My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon