Erin's POV"Sorry Erin if I am not the one you were expecting."
Klaro sa tono niya na disappointed siya.
"Joseph? Ikaw pala. Haha. Akala ko kasi si Guy kasi sabi niya pupunta raw siya dito. Pero siguro, 'di na 'yon tutuloy.", pagsisinungaling ko.
"Okay.", sabi niya tapos ngumiti.
Nang mailagay ko na sa mesa ang dala niyang bulaklak at mga tsokolate, umupo na kaming dalawa sa sofa.
"Kakabalik mo lang ba mula dun sa hometown niyo?", tanong ko.
"Yes. I am back since yesterday."
"Hmm. Okay."
"I am back because I miss you Erin."
Nabulunan ako sa laway ko dahil sa sinabi niya.
"Haha. Nakakatawa ka naman."
"No, Erin I'm serious."
Nawala ang tawa ko nang masabi niya 'yon.
"Si-sige kung 'yan ang sabi mo."
"'Di mo ba ako mamiss?"
"Ha? Ah, oo naman. Mamiss din kita no.", mabilis kong sagot.
"Ayyiiie. Nga pala Erin, ba't 'di ka na pumapasok sa school?"
Oo nga pala.
Classmates kami sa ilang subjects ngayong semester.
Siguro hinahanap na ako ng teacher namin.
'Di kasi ako nagpaalam eh.
Biglaan nalang nawala.
Haysss.
"Ano-uhm. Ano kasi, Nakapagdesisyon ako na magrest muna ng isang semester or maybe two, may inaasikaso lang ako."
"Inaasikasong ano?"
"Basta. Importante."
"Important enough for you to stop studying?", parang magulang na sinesermonan ako.
"Oo Joseph. Ganun ka-importante. Sorry.", napayuko ako.
Feeling ko kasi ayaw niyang tumigil ako sa pag-aaral pero wala naman akong magagawa eh. Alangan namang gastusin ko ang natitira kong mga araw sa boring classes sa school? Eh para sa'n pa ang mga lessons na aaralin ko kung mawawala rin naman ako?
Tapos hinaplos niya ang pisngi ko na naging dahilan kung bakit naiangat ko ang aking mukha.
"Okay Erin. Kung ganun kaimportante, then take your time to rest from school.", ngayon ay nakangiti na uli siya kaya napangiti na rin ako.
"Pero ilang days ka dun sa bayan niyo, that means pala-absent ka rin. Haha", biro ko.
"Haha. Oo nga naman. Pero I already told our teachers about it. Nasanay na rin naman silang palagi akong wala dahil na din sa business ko."
"Hmmm. Okay. May point ka nga.", saad ko.
"Pero wala ka bang planong dumalaw man lang sa campus natin?", tanong niya.
"Ha? Ano naman gagawin ko dun?"
"Don't you miss the fountains? the park? the library? the canteen? the classrooms? At higit sa lahat, don't you miss your friends?"
"Friends?", bulalas ko tapos natawa.
"Yes, friends."
Wala naman akong close friends sa school eh. Siguro may friend-friend lang nang kaunti who is si Dina. Classmate ko siya sa lahat ng subjects ko maliban lang sa isa.
BINABASA MO ANG
My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)
Romance"Can I spend my remaining life with you?" Akala ni Erin na sa telebisyon lang nangyayari ang sitwasyong biglang dumating sa kanyang buhay. Pero akala niya lang pala. Nang masabihan siya ng doktor na tatlumpong araw nalang ang natitira para mabuhay s...