Erin's POV'Please let me get to know you more and help me confirm the feelings I am having for you.'
Yan ang last statement ng chat niya na nagpagulat sa akin.
May pachar-char pa 'tong Rex na'to ah.
Feelings daw?
Wee?
Baka ang sabihin niya, scam siya.
Tse.
Pero aaminin ko, nakakakilig yung message niya. Haha.
Pero obvious talaga na scam. Hahaay.
Sino ba naman magkakagusto sa isang gaya ko?
Sa isang katulad kong bakla.
Imposible talaga. Dahil parang wala naman akong mapapala sa lalakeng kachat ko na ayaw magpakilala at puro bola yung mga pinagsasabi, I decided na 'wag na siyang replayan.
Itinago ko na ang phone ko sa ilalim ng unan kase ayoko sa mga scam. Tapos sinubukan kong matulog muna para makapagpahinga naman 'tong katawan ko mula sa pag-eenjoy kanina.
.
.
.
.
.
.
.Kinabukasan
28 days nalang at mawawala na ako. Pero pwede ring lesser, at pwede ring more. Sabi kasi ng doktor, more or less 30 days. Walang kasiguraduhan kung kailan talaga. At kailangan kong maging handa sa magiging kahihinatnan ko.
Napabuntong hininga ako sa mga pinag-iisip ko.
Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Ang daming tao. Busy sa pakikipagkwentuhan. Busy sa pagkain. Busy sa pagseselfie.
Nasa food hall ako ng isang mall dito sa lugar namin.
Sabi kasi ni Guy, dito raw kami magmemeet kasama ang mga friends niya na ipapakilala niya sa akin.
Excited ako pero at the same time kinakabahan sa magiging reaksyon nila. Sabi niya kasi sa akin, ipapakilala niya raw ako bilang jowa niya. Inayawan ko yun pero ipinilit niya kasi mas magiging maganda raw ang results ng research study ko kung gagawin naming parang makatotohanan.
Hahaay. Ito talagang si Guy. Kaya pumayag nalang ako. Mas maganda rin naman sa feeling yun 'di ba?
Yung pakiramdam na may boyfriend kang hindi nahihiyang ipakilala ka sa buong mundo bilang kasintahan niya.
Napangiti ako.
Thank you Lord, again.
Tiningnan ko ang aking relo.
"Pasado alas dose na pala.", bulong ko.
'Asan na kayo?, text ko kay Guy.
Lumipas ang limang minuto pero wala pa rin siyang reply.
Tumingin na naman ako sa paligid.
At kinabahan na naman ako nang mahagip ng mga mata ko si Joseph sa kabilang mesa.
Kakarating niya lang.
Tapos, nag-abot ang mga mata namin.
At nag-unahan kami sa pag-iwas ng tingin.
My gosh. Haha.
Nakakatawa ang itsura ko. Pero nakakapagtaka kung bakit umiwas din siya ng tingin.
Pansin ko na kasama niya ang mga barkada niya.
Umalis nalang kaya ako rito?
Lumipat ng ibang mesa?
Ewan ko ba pero kinakabahan talaga ako pag nandiyan si Joseph.
BINABASA MO ANG
My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)
Romance"Can I spend my remaining life with you?" Akala ni Erin na sa telebisyon lang nangyayari ang sitwasyong biglang dumating sa kanyang buhay. Pero akala niya lang pala. Nang masabihan siya ng doktor na tatlumpong araw nalang ang natitira para mabuhay s...