Erin's POVRamdam ko ulit yung kakaibang pagtibok ng puso ko habang ako'y nakayakap sa kanya mula sa likod.
Ano na bang nangyayari sa sarili ko?
Noon, kay Joseph ko lang 'to nararamdaman.
Noon, kay Joseph lang ako kinakabahan.
Pero ngayon, unti-unti, parang gusto ko ng hindi mawala si Guy mula sa paningin ko.
Ay ewan!
Mawawala rin naman ako at wala ng silbi ang mga nararamdaman ko!
Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at dinama ang hangin na dumadampo sa pisngi ko.
Nakasakay ako sa likuran ng motorsiklo ni Guy at patungo kami doon sa pool resort kung saan ipinagdidiriwang ang birthday ng kaibigan niyang si Patrick.
Makalipas ang halos bente minutos ay nakarating na kami sa aming destinasyon.
.
.
.
.
."Hey guys! You're here!", masayang bati ni Patrick sa amin.
"Maligayang Kaarawan bro!", bati naman ni Guy.
"Happy Birthday Pat.", bati ko naman.
"Thank you Guys. Lemme hug you.", wika niya tapos niyakap kaming dalawa.
Nakakatuwa yung ipinapakita niyang saya ngayon sa likod ng malungkot niyang puso. Naalala ko kasi yung love triangle sa pagitan friendship nila.
"Hey Julia, it's nice to see you again.", bati naman ni Guy dun sa parang mga 12 years old na babae.
"Hi po kuya!", sagot niya naman.
Bukod dun kay Julia, meron ding mga matatandang lalake at babae, guess ko ay mga magulang ni Patrick. Tapos meron ding isang mga 28-30 years old na babae, siguro tita ni Patrick o 'di kaya'y katiwala nila.
Sinubukan ring hinanap ng mga mata ko si Roxanne pero 'di ko siya makita. Siguro sa sarili ko, parang ayoko siyang nandito. Wala lang, parang 'di ko lang talaga gusto yung awra niya. Feeling ko kase, ayaw niya sa'ken.
"Hey guys.", bigla namang sambit nang kakadating lang na babae.
"Roxie!", si Patrick.
Nandito na nga siya.
Tumingin siya sa'ken saglit tapos ngumiti.
Nagulat ako pero nakuha ko pa ring ngumiti din.
Anong nangyari?
Siguro, nagkausap na talaga sila ni Guy?
Tapos, tanggap na niya ako? At tanggap na niya yung idea na 'magjowa' kami ni Guy?
Hmmm.
"Oy, iho? Kumusta ka na? Balita ko nag-iba na yang puso mo?", tanong nung matandang babae kay Guy.
"Mama naman.", sabat bi Patrick.
Tama nga ako, magulang nga siya ni Patrick.
"Hindi ba totoo? Sino ba yung maswerteng binatang nagustuhan mo?", karagdagan niyang tanong.
"Heto po siya. Tita and Tito, meet Erin po, jowa ko. Erin meet Patrick's parents, Tito Jonas and Tita Elen."
"He-hello po.", utal ko kase kinakabahan ako sa magiging reaksyon nila.
"Oyy hello iho. Gwapo ka rin naman. Bagay naman din kayo. Kaso sayang lang. Boto pa naman sana ako kay
A—", pinutol siya ni Guy."Tita, Guy po pangalan ko ngayon."
BINABASA MO ANG
My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)
Romance"Can I spend my remaining life with you?" Akala ni Erin na sa telebisyon lang nangyayari ang sitwasyong biglang dumating sa kanyang buhay. Pero akala niya lang pala. Nang masabihan siya ng doktor na tatlumpong araw nalang ang natitira para mabuhay s...