Chapter 16: Rex Pogi

147 12 3
                                    


Erin's POV

"Hey Rex Pogi, it's so nice to finally meet you in person.", sabi ko habang nilelend ang kanan kong kamay sa kanya para makipag-shake hands.

Pero 'di niya inabot ang kamay ko.

Gulat na gulat pa rin ang mukha niya habang nakatitig sa akin.

"Joseph?"

Pagkatanong ko nun, bigla siyang natauhan. Pero imbis na abutin ang kamay ko ay mabilis siyang tumayo na parang hindi mapakali.

"Ah, uhm. Uhm. It's just, I just—"

"Ha?"

"I mean I have to go Erin. Sorry.", ang binitawan niyang pagpapaalam tapos agad na lumabas ng cafe niya.

Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko siyang sumakay sa nakaparada niyang kotse sa labas at mabilis itong pinaandar.

What just happened?

May mali ba akong nagawa?

Or baka, napakabilis ko lang?

Or baka galit siya kasi binuksan ko ang cp niya nang walang pagpapaalam sa kanya?

O sadyang hindi niya lang 'yon inexpect na mangyari?

Hahaay.

Baka nga.

Ano ba naman 'to!

"Okay. Sige.", bulong ko sa sarili ko.

Malalim na paghinga.

Dalawang beses.

Pagkatapos, nagpagdesisyunan ko nalang na umuwi. Plano ko sanang pumunta sa ospital at alamin kung okay naba si Guy pero baka wala na siya dun, at isa pa, hindi ko alam ang full name niya kaya mahihirapan akong hanapin ang silid na kinaroroonan niya.

Pagkarating ko sa bahay, agad kong tinext si Guy.

'Hey. Okay ka na ba?'

Aaminin ko na kinakabahan ako hapang sinisend 'yon. Siguro, nahihiya lang ako. Nahihiya akong kumustahin ang taong nilagay ko sa panganib ang buhay.

Pero kailangan ko ring ipakitang nag-aalala ako. Hindi naman pwedeng kakalimutan ko nalang 'yong nangyari at magpretend na parang ang inosente ko. Hindi naman ako ganun kasama.

*TOOT-TOOT*

Mabilis kong binuksan ang message.

'Hey baby. I'm fine. :) Don't worry.'

Agad na sumilay sa mukha ko ang ngiting kanina ko pa hinihiling na sana ay mabuo.

At nabuo nga.

'Salamat naman at okay ka na. Patawad Guy sobra sa nagawa ko. 'Di ako nag-isip.', reply ko.

'No Erin. Wala kang kasalanan. Ako 'yung hindi nag-isip. At yun nga, 'wag ka ng mag-alala kasi okay na ako at malakas na. :) I promise to be with you tomorrow. Kailangan ko lang magpahinga muna ngayon. Okay lang ba?'

My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon