Chapter 20: ArrowMantic Q-Pid

127 13 3
                                    


Erin's POV

"Tama naaa!!", sigaw ko.

"A**hole.", sambit ni Guy.

Susuntukin na sana ni Joseph si Guy nang pumagitna ako.

"Ano ba!? Para naman kayong mga bata eh!", sigaw ko.

At bigla namang pumasok sa kuwarto ni Joseph ang lolo at lola niya.

"Anong problema dito?", tanong ng kanyang lola.

Hindi kumibo si Joseph, at ganun na rin si Guy. Kaya ako nalang ang nagsalita.

"Sorry po. May kaunting 'di pagkakaunawaan lang.", magalang kong pagpapaliwanag.

"Sorry po. I have to go.", wika naman ni Guy at mabilis na pumunta sa sala.

"Ano ba nangyari?", rinig kong tanong ni lolo bago ako sumunod kay Guy sa sala.

Naabutan ko siyang inaayos ang gamit niya.

"San ka pupunta?", tanong ko na may pag-aalala.

"Home.", maikli niyang saad.

Gusto ko sana siyang pigilan kaso parang hundred percent sure na siyang ayaw niyang manatili rito. Kaya bumalik ako sa kuwarto ni Joseph.

Kinakausap siya ng kanyang lola.

"Ehem. Joseph? Salamat pala pero kailangan na naming umuwi.", pagdisturbo ko sa kanila.

"Ha? Hatinggabi na iho. May masasakyan pa kaya kayo?", si lola.

"Oo Erin. Bukas nalang kayo umuwi.", si Joseph.

Tapos narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa sala. Kaya sinilip ko at nakita ko si Guy na lumabas na.

Kaya dali-dali, hindi na ako nagpapilit pa sa kanilang 'wag umalis kasi buo na rin ang desisyon kong samahan si Guy.

"Sorry po talaga. Paalam po.", mabilis kong saad at agad ding pinulot ang mga gamit ko at lumabas na ng bahay nila.

.
.
.
.
.
.

"Guy hintay!", sigaw ko kasi ang bilis ng lakad niya.

Pero para siyang binging walang narinig kaya tumakbo nalang ako nang mabilis.

"Guy. Ang bilis mo naman.", biro ko sabay tawa.

At napahinto siya.

Yumuko.

At huminga nang malalim.

"Sorry Erin.", sambit niya habang nakayuko pa rin.

"Ha? Para san?"

"I was so stupid. I—I was mean to your friend."

Sinapak ko nang mahina ang kanyang braso.

"Ano ka ba, kayo ngang dalawa ang mean sa isa't-isa eh.", at tumawa ako.

Pero 'di ko pa rin siya napangiti.

"I just—I'm sorry. I didn't respect the day. I didn't respect you."

Sa tono niya, malalaman ko na agad na malungkot siya kasi feeling ko na feeling niya ay nadisappoint niya ako o 'di kaya'y nasira niya ang araw ko.

Pero wala naman eh. Wala siyang kahit na anong nagawang kamalian.

"Guy, tumingin ka sa'ken.", sabi ko.

At dahan-dahan, iniangat na niya ang kanyang mukha.

At nakita ko ang mga mata niyang naluluha.

My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon