Kevin's POVSakit.
Inis.
Lungkot.
Hatred.
Those are just some of the things I am suffering from at the moment.
Nasa loob ako ng tree house ko while nakasubsob ang mukha ko dito sa kama.
Nakakainis talaga!
I wiped away my tears na kanina pa nahuhulog.
Erin promised to be with me for a long time!
He promised to never leave my side!
He promised to never hurt me!
Pero asan na 'yung mga pangakong 'yun?
That jerk!
Parehas lang pala siya ni Lovely at iiwan lang din pala ako.
Sinuntok ko nang maraming beses ang kama ko.
Ba't puro may sakit ang nagugustuhan ko!?
Wala na nga akong pinipiling kasarian pero ba't laging sa huli, maiiwan lang ako?
Tumayo ako at kinuha ang photo album namin ni Lovely.
Tiningnan ko ulit ang mga litrato naming dalawa.
I still cannot stop myself from crying.
"Nagpromise ka rin sa'kin noon Love na walang iwanan. Pero puro lang kayo pangako. Puro kasinungalingan.", bulong ko sabay pahid sa mga luha kong hindi humihinto.
"Before you died, you told me na gagawa ka ng paraan para hanapan ako ng magiging bagong kaibigan kahit wala ka na kasi sabi mo, magiging guardian angel kita. Pero wala pa rin. Nagsinungaling ka na naman. You are all liars!", bulyaw ko bago ko itinapon ang photo album.
"Kevin? Alis na ako.", boses ni Erin na nasa labas.
Uuwi na kasi siya sa kanila.
Hindi ako sumagot sa pagpapaalam niya.
Ano gusto niyang sabihin ko?
Ingat ka?
Paalam?
What!?
After niya akong saktan, he's just gonna leave away like that?
He really is a jerk.
Sinubsob ko ulit ang mukha ko sa kama. At ngayon, naging maingay na ang pag-iyak ko lalo't narinig ko na ang pagbukas ng gate namin na simbolong aalis na talaga si Erin.
I thought he's different.
I thought siya na ang aayos sa sira kong puso.
But I guess I was wrong.
"I hate the fact that I like you.", bulong ko.
Joseph's POV
Lagpas tatlong oras na din nang makaalis si Erin.
Habang hinihigop ko ang kape ko dito sa balcony ay 'di ko mapigilang isipin ang sakit niya.
Nakakagulat lang talaga.
It's just so unbelievable.
Oo, may mga tao talagang nagkakaroon ng malubhang sakit sa puso pero 'di ko akalaing ang minamahal ko ang makakakuha noon.
Ang dami ko pang plano para sa aming dalawa.
Ang dami pa.
May mga pangarap pa akong gustong abutin kasama siya.
BINABASA MO ANG
My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)
Romance"Can I spend my remaining life with you?" Akala ni Erin na sa telebisyon lang nangyayari ang sitwasyong biglang dumating sa kanyang buhay. Pero akala niya lang pala. Nang masabihan siya ng doktor na tatlumpong araw nalang ang natitira para mabuhay s...