Chapter 29: Painful Pleasures

152 15 4
                                    

Erin's POV

"Oo Erin, hindi kita kailanman minahal, at oo rin, hindi ako nagkakagusto sa mga kagaya mo."

Teka.

Teka.

Ano raw?

Bigla akong nanginig.

Hindi ko inasahan na sasabihin niya 'yun.

Ano ba gusto ng l*tseng 'to?

"Ano?", tanong ko.

"I never loved you.", ngayon ay iniangat na niya ang mukha niya.

Ang pag-angat niya ng mukha niya ay naging magandang oportunidad para masampal ko siya ng maayos.

"Ayan! Yan ang nababagay sa'yo!", sigaw ko pagkatapos ko siyang sampalin.

Naipikit niya ang mga mata niya, 'di ko alam kung dahil ba sa sakit o dahil sa kahihiyan.

Patawad Guy pero sobra na.

"Pinapunta mo lang ba ako dito para saktan ako nang paulit-ulit!? Wala akong pakialam kung Anson pa pangalan mo at hindi Guy, kasi kahit sino ka pa, wala kang karapatang saktan ang puso ko!", pagsisigaw ko.

"Sir, okay lang po ba kayo?", sabi nung restaurant staff na kakalapit lang sa mesa namin.

"Yes we're okay.", si Guy ang sumagot.

"Bawal po kasing mag-ingay sa loob, nadidisturbo po ang ibang mga kustomer. Salamat po.", saad nung staff.

"Wag kang mag-alala, aalis na rin naman ako.", sabi ko.

Pero bago ako umalis, nag-iwan muna ako ng huli kong pagpapaalam sa lalakeng ninakaw ang puso ko at hanggang ngayon hindi pa isinasauli.

"Don't worry Guy. I'll just pretend na hindi 'to nangyari, at hindi kita nakilala kailanman. Madali lang naman siguro 'yung gawin 'di ba?", naluluha kong wika.

Pagkatapos nun, tumalikod na ako at umalis na kaagad.

Umuwi ako sa bahay nila Joseph na umiiyak.

Ang sakit-sakit talaga.

Maling-mali ang lahat.

Bakit ko pa nakilala ang lalakeng 'yon?

Ba't pa?

Oo, naniniwala na akong isa akong napakalaking malas.

"Erin, what happened?", nag-alalang tanong ni Joseph.

'Di ko siya sinagot bagkus ay agad ko siyang niyakap, nang mahigpit.

Hinayaan niya lang ako, at gumanti rin siya ng yakap pabalik.

Lumipas ang ilang minuto at natapos kaming magyakapan. Dahil atat na atat na siyang malaman ang nangyari sa akin ay ikinuwento ko na ang buong pangyayari.

"Don't worry Erin. He doesn't deserve you. Hindi mo siya kawalan. Ikaw ang kawalan niya. At isa pa, marami rin namang iba pang lalake diyan na mamahalin ka. Kaya, kalimutan mo na ang bulok na lalakeng 'yon.", pahayag ni Joseph matapos kong ilahad sa kanya ang nangyari sa amin ni Guy kanina.

Dahil sa mensahe niyang 'yon, medyo napagaan ang loob ko. Tama nga naman siya. Hinding-hindi ko kawalan si Guy!

Karapatan kong maging masaya at hinding-hindi ako papayag na nakawin niya ang karapatang 'yon mula sa akin.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Guy's POV

What have I done?

My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon