Chapter 31: Little by Little

130 16 6
                                    


Erin's POV

Ilang inches na lang.

Ilang inches at didikit na ang mukha niya sa mukha ko.

"Kevin.", sambit ko ulit nang mahina.

Pero binalewala niya pa rin at patuloy na tinitigan ang mga labi ko na nagpapakitang parang tama ang inaasahan kong baka hahalikan niya nga ako.

Kaya bago pa man magkabunggo ang mga mukha namin ay dali-dali na akong tumayo na ikinagulat niya.

Akala niya siguro gugustuhin ko yung gagawin niya.

"What-what's wrong?", tanong niya.

"Ano kasi, uhm, may ano-may pupuntahan pa pala ako Kevin, sorry.", pahayag ko bago agad na lumabas sa tree house na 'yon at tumakbo palabas ng gate ng bahay nila.

Ewan ko pero ayokong dumiretso sa loob ng bahay nila baka kasi sumunod si Kevin tas kakausapin niya ako. Oo, ayoko muna siyang kausapin kasi alam kong magiging awkward lang.

Patuloy lang ako sa pagtakbo at 'di ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Feeling ko tuloy na nakagawa ako ng isang kasalanan tapos tinakasan ko para 'di ako mapagalitan. Hays.

Ano ba kasi nakain ni Kevin?

So ang kinakaibigan niya lang ay 'yung taong o mga taong binibigyan niya ng tiwala niya?

At yung taong higit pa pala sa kaibigan ang pagtingin niya?

'Di ba?

'Di ba yun ang sinabi niya?

Katulad nung nakaraan niyang kaibigan na kinaibigan niya kasi gusto niya pala?

Ano ba nakita ni Kevin sa akin?

At isa pa, parehas kami ng kasarian at parang imposible naman yatang magkagusto siya sa katulad ko.

Nang masigurado kong malayo na ang narating ko, inihinto ko na ang pagtakbo ko at naglakad nalang.

Marami-rami na rin ang mga taong nakakasalamuha ko sa daan na nangangahulugang malapit ko ng marating ang sentro ng siyudad.

Bakit ba kasi ginawa 'yun ni Kevin? Huhu

Hindi ko na alam ngayon paano siya kakausapin o paano ihaharap sa kanya ang pagmumukha ko.

Baka kasi nadisappoint ko siya.

Bakit naman kasi 'di niya naisip na magkaibigan lang talaga kami at nakababatang kapatid lang ang turing ko sa kanya.

Ganun naman talaga ang totoo. Mas bata siya sa akin at parang kapatid lang ang pagtingin ko sa kanya.

Ano ba naman to oh!

*PEEP-PEEP*

Nagulat ako dahil sa biglang pagbusina ng sasakyang huminto sa gilid ng daang dinadaanan ko.

Pero 'di ko pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad.

Tapos bumusina ulit kaya napalingon ako.

"Erin! Wait!", sigaw ng lalakeng nasa loob pero kita ko na ang mukha kasi nakababa na ang bintana ng kotse niya.

"Pat?"

Dali-dali siyang bumaba mula sa sasakyan niya at nilapitan ako.

"I'm so glad na nakita kita.", saad niya.

"Uhm, ba't mo naman nasabi? May kailangan ka ba?", tanong ko nang nalilito.

"Nope, hindi ako ang may kailangan sa'yo. Mabuti pa sumabay ka nalang sa'ken somewhere. Let's eat nalang?"

My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon