Chapter 26: ALONEly Night

119 11 3
                                    


Erin's POV

"Erin.", wika ni Guy.

Nag-aalala ang kanyang mukha habang nakakatitig sa aking mukhang basa na naman dahil sa mga luha.

"Let—let me explain Erin. I can explain.", sabi niya pa.

Nang humakbang siya palapit sa akin, umatras naman ako na para bang may dala-dala siyang sakit at ayokong mahawa.

"Ginamit mo lang pala ako?", saad ko.

Ang sakit.

Ang sakit sakit.

Oo, ginamit ko lang din siya pero alam niya 'yun. Ba't di niya sinabi sa akin noon pa na naggagamitan lang pala kaming dalawa para naman masarado ko nang husto itong puso ko at nang 'di siya makapasok.

Letse siya.

Ngayon, mas bumilis pa ang pagkahulog ng mga luha ko.

Lord, kelan ba mauubos 'tong mga tubig sa mga mata ko?

Pagod na pagod na akong umiyak.

"Sasabihin ko naman Erin eh."

"Kailan pa!?", naisigaw ko kaya nagulat siya at pati na rin ang lasing na si Patrick.

"Kailan pa!? Ha? pag nalaman ko na? pag in love na in love na ako sa sa'yo!? Pag naging baliw na ako sa kaiisip sa'yo!?", dagdag ko pa.

Napayuko siya.

"Akala ko totoo na.", mahina kong sambit na pinakinggan niya lang.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"Akala ko totoo na!", sinapak ko siya sa dibdib at ipinagpatuloy ang pagsisigaw ko.

"Ba't mo naman ginalingan Guy!? Ba't mo ginalingan!? Hindi ka ba naawa sa akin? Porket bakla ako, wala ka ng pakialam sa nararamdaman ko?"

Napansin kong umiiyak na rin siya. Pero wala akong pakialam at pinagpatuloy ko pa rin ang paglabas ng saloobin ko.

"Tao rin ako Guy! Na iinlove rin! Yung mga peke mong pag-alaga sa akin? Yung mga peke mong pagsabing mag jowa tayo at mahal mo ako? Ba't masyadong magaling!? Napaka selfish mo! Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ko!"

Dahan-dahan niyang pinahid ang mga luha niya pero hindi pa rin siya nagsalita.

"Wala ka ba talagang nararamdaman para sa'kin? Peke ba talaga lahat ng 'yon?", ngayon ay mahina pero seryoso kong tanong.

Nakayuko pa rin siya.

"Patawad Erin.", sagot niyang naging matulis na kutsilyong bumaon sa puso ko.

Dahil hindi ko na nakayanan pa, mabilis na akong tumakbo palabas ng kuwartong iyon at iniwan sila.

"Erin!", rinig kong sigaw ni Guy pero alam ko, hindi na niya ako hinabol pa.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

'Bakit nga ba mahal kita,
Kahit 'di pinapansin ang damdamin ko,
'Di mo man ako mahal,
Heto pa rin ako't nagmamahal ng tapat sa'yo... 🎵🎵🎶', rinig kong tugtog sa isang kainan na nadadaanan ko ngayon.

Pati ba naman ang store na'to? Nakikiramay sa sitwasyon ko?

Binilisan ko nalang ang paglakad dito sa kalyeng malungkot. Para 'di ko na marinig ang nang-aasar na awit na 'yon.

"Bakit Lord?", sabi ko sa kawalan.

"Bakit sa dinami-dami ng mga taong makasalanan, ako pa 'yung pinaparusahan mo ng ganito? Bakit ang malas ko. Kung ganito lang naman pala ang magiging kahihinatnan ko, sana 'di nalang ako nabuhay pa.", ngayon ay naiyak na naman ako.

My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon