Guy's POVNapahinto ako sa paglalakad.
I forced my eyes to stare nang mas klaro sa masakit na senaryong nakikita ko ngayon.
Kung 'di ako nagkakamali, yung lalakeng biglang dumating ay 'yung Joseph na gusto ni Erin.
Yung lakakeng hinahangaan ng mahal kong hipon.
Napangiti ako sa term na 'hipon'.
Nakangiti pero nalulungkot.
Tumayo na silang dalawa habang inalalayan nung lalake si Erin. And they started to walk away.
Ako naman, nanatiling nakatayo lamang dito. Parang baliw na nakatayo sa kalagitnaan ng ulan habang walang maisip na gagawin o pupuntahan.
At nakatulala pa rin sa dalawang lalakeng magkaakbay at mabagal na naglalakad palayo.
Hindi ko na rin pinahid ang mga luha ko kasi wala rin namang makakapansing umiiyak ako dahil sa ulan.
Siguro mas okay na 'to.
Mas okay nang kasama mo Erin ang lalakeng gusto mo.
Ang lalakeng alam kong gusto ka rin.
This way, you'll forget about me.
This way, the pain you'll get will be lesser.
At alam ko na sa paraang ito, ako nalang 'yung magdurusa sa huli.
At wala na akong masasaktan pang iba.
Isosolo ko nalang 'to.
Please be happy Erin,
mahal ko.
Erin's POV
"Ba't ka ba kasi nagpapabasa sa ulan? Gusto mo bang magkasakit niyan?", tanong ni Joseph.
Naglalakad kami ngayon patungo sa tinutuluyan kong inn.
Sabi niya kasi, ihahatid niya raw ako.
Nung una, nahihiya ako.
Nahihiya kasi 'di ko malilimutan 'yung araw na nireject ko siya. At alam kong nasaktan ko siya nun. Pero sa way ng pakikipag-usap niya sa'kin ngayon, parang walang nangyaring rejection. At parang hindi siya naiilang na samahan ako.
Hilong-hilo na rin ako ngayon.
Pati paningin ko ay umiikot na.
Pero grateful ako na nandito si Joseph para alalayan ako.
"Gusto mo ba sa bahay nalang muna matulog? Para mabantayan kita at maalagaan?", tanong niyang bumigla sa akin.
"Nakakahiya naman Joseph."
"Don't worry, ako lang naman ang nandun eh. My parents are out. Pero kahit na nasa bahay man sila, mababait yun."
"Ano kasi eh-"
"Please Erin. I'm worried about you kaya let me, let me guard you and take care of you, kahit ngayon lang."
Dahil sa pagsusumamo niya, naipikit ko ang aking mga nata na simbolo ng pagsuko.
"Si-sige."
Bago kami tumungo sa bahay nila Joseph, kinuha muna namin ang mga gamit ko dun sa inn.
At nang makarating na kami sa aming destinasyon, wala na akong maalala ni itsura ng bahay nila dala ng kalasingan ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Idinilat ko ang aking mga mata.
Nagising na naman ako sa isang napakagandang araw.
BINABASA MO ANG
My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)
Romance"Can I spend my remaining life with you?" Akala ni Erin na sa telebisyon lang nangyayari ang sitwasyong biglang dumating sa kanyang buhay. Pero akala niya lang pala. Nang masabihan siya ng doktor na tatlumpong araw nalang ang natitira para mabuhay s...