Erin's POV
Ilang araw nalang ba ang natitira para mawala ako?
'Di ko alam.
Wala namang specific date na sinabi 'yung doktor.
Siguro sampu?
Siyam?
Labingdalawa?
Fifteen?
Maybe.
Or maybe not.
Basta ang importante, magkikita na kami ulit ni Guy ngayon!
After three days na hindi kami nagkita, mamimis ko na siya nang sobra-sobra.
Nga pala, mula noong nireject ko ang proposal ni Joseph, hindi na siya nagtext or chat sa akin. 'Di ko rin alam kung nagdeactive siya ng FB account o 'di kaya'y binlock niya ako kasi 'di ko na siya masearch sa Facebook. Hays. Hindi ko naman siya masisisi kung nagtatampo siya sa akin.
At wala rin naman akong pinagsisihan sa ginawa ko. Oo, crush ko siya sobra, pero noon lang 'yon.
Ngayon, may iba ng tinitibok ang puso ko. At sure ako dun.
Kung 'oo' yung sinagot ko, 'di ko alam kung ano ang mangyayari. Baka mabigyan ko lang si Joseph ng false hope.
At isa pa, mamamatay din naman ako, kaya mas okay na yun para sa kanya, para makalimutan niya ako at para hindi siya malungkot kapag nawala na ako.
*PEEP-PEEP*
Rinig kong busina ng isang motorsiklo sa labas.
Kaya dali-dali, tumakbo ako palabas ng gate.
At 'di nga ako nagkakamali,
nandito na ang kanina ko pa hinihintay.
"Guy!", sigaw ko tapos agad siyang niyakap.
"Klarong namis mo'ko ah."
Dahil sa sinabi niya, agad akong kumalas mula sa pagyakap sa kanya.
"Ano? Hindi no. Ba't naman daw kita mamimis?"
"Uy, ayaw niyang aminin.", nakangisi siya na para bang iniinsulto ako.
"Hindi talaga. Kumusta naman 3-day vacation mo?"
"Well, not that memorable. Wag nalang nating pag-usapan please Erin?"
Dahil malungkot ang pagkakasabi niya, huminto nalang ako sa pakikipag-usap tungkol dun sa pagkawala niya.
Hindi ko talaga alam kung san siya pumunta.
At kung ayaw niya yung pag-usapan, then okay, nirerespeto ko siya.
Pero ba't malungkot siya?
Siguro may nangyaring negative dun sa tatlong araw na 'yon?
Hmmmm.
Ay ewan.
"Sige na sakay na Erin.", saad niya.
Papunta kasi kami ngayon sa isang karaoke house. Gusto raw kasi mag sorry ni Roxanne sa akin about doon sa pagtulak niya sa akin noon sa ospital. At gusto na raw niyang kalimutan yun kasi hindi ko raw talaga kasalanan ang pagkalagay sa buhay ni Guy sa alanganin noong araw na 'yon.
Kaya, libre niya raw ang gathering ulit namin ngayon.
Aaminin ko, nung sinabi ni Guy na si Roxanne ang nagplano ng pakikipagkita namin ulit ngayon, umayaw ako, pero dahil sa pagpilit ni Guy sa akin na sumama, ayun, pumayag ako. Hays.
BINABASA MO ANG
My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)
Romance"Can I spend my remaining life with you?" Akala ni Erin na sa telebisyon lang nangyayari ang sitwasyong biglang dumating sa kanyang buhay. Pero akala niya lang pala. Nang masabihan siya ng doktor na tatlumpong araw nalang ang natitira para mabuhay s...