Erin's POV
"Guy! Guy.", hindi ko mapigil na pagsigaw habang isinasakay siya sa hospital bed papunta sa silid kung saan siya gagamutin.
Hindi ko rin mapigil ang pag-iyak ko.
Lord, please sana magiging okay si Guy.
Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya.
Ang bobo ko kasi eh!
"Anong nangyari sa kanya!?", biglang tanong ng kakadating lang na si Roxanne.
"Ano—a-allergy.", sagot ko na may kasabay na paghikbi.
"What!? Sa alin!? Sa hipon!?"
Tumango lang ako habang nakayuko.
"Ano!? Hinayaan mo siyang kumain ng hipon!? Gosh Erin!", sabi niya tapos malakas akong itinulak.
"Hindi ko—sinasadya."
Sa itsura ng mukha niya, alam na alam ko na ako ang sinisisi niya.
Pagkatapos niya akong ikutan ng mga mata, hindi na ako sumunod pa sa kanila.
Wala akong karapatang sumunod.
Ang bobo ko talaga.
Bobo!
Bobo!
Umiiyak pa rin ako. Hindi ko talaga inasahan ang ganitong pangyayari. Ayaw na ayaw kong maging dahilan ng pagkalagay sa alanganin ng buhay ng ibang tao. Pero malas, kasi ngayon, ako ang nagiging rason kung bakit maaring mapahamak si Guy.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa labas ng ospital. At nakarating ako sa park kung saan ko unang nakilala si Guy.
Umupo ako sa isang bench.
Ipinikit ko ang aking nga mata at nag-umpisang magdasal.
Lord, please guide Guy.
Please help him recover fast.
Kung kinakailangan pong kumuha kayo ng strength mula sa katawan ko at itransfer sa kanya, gawin niyo po.
Nagmamakaawa po ako.
Please Lord help him.
Please.
I promise po na gagawin ko po ang lahat para maging isang mas mabuting tao. Salamat po.
Pagkadilat ng mga mata ko, agad kong pinahid ang mga luha ko baka kasi makita ng ibang mga taong dumadaan.
"Were you praying for your boyfriend?", dinig kong nanggaling sa lalakeng nasa kanang bahagi ko.
Feeling ko, kanina pa siya nandun.
"Ha?", tanging naisambit ng bibig ko.
"Can I sit beside you?"
"Sure Pat."
"Hmm. Sorry sa ginawa ni Roxie kanina ha? She was just too worried about our friend.", wika niya na ang tinutukoy ang yung pagsigaw at pagtulak ni Roxanne sa akin kanina.
"No, deserve ko naman 'yun eh.", naiiyak na naman ako.
"Hmm. Can you tell me what really happened Erin?"
"Si Guy ang may dala nung sabaw na may hipon para ipakain sa'ken. Kasi nilagnat ako kanina tapos alam niyang shrimp ang favorite food ko. At nakalimutan kong allergic nga pala siya dun, kaya carelessly, pinilit ko siyang kumain din.", ngayon ay umiiyak na naman ako.
BINABASA MO ANG
My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)
Romance"Can I spend my remaining life with you?" Akala ni Erin na sa telebisyon lang nangyayari ang sitwasyong biglang dumating sa kanyang buhay. Pero akala niya lang pala. Nang masabihan siya ng doktor na tatlumpong araw nalang ang natitira para mabuhay s...