Erin's POV"Mahal na kita Guy.", huli kong pangungusap habang nakangiti.
Oo, nakangiti ako, pero deep inside, kabadong-kabado na ako.
"Erin.", wika niya na parang nag-aalinlangan.
Bigla niya ring binitiwan ang mga kamay ko.
Kaya, ako naman ang humawak sa mga kamay niya ngayon.
"Ba-bakit Guy? Hindi mo ba ako gus-gus to?", nauutal kong tanong.
Siguro hindi ko talaga inasahan ang magiging reaksyon ng mukha niya. Ang inexpect ko ay ngingiti siya tapos magsasabing gusto niya rin ako. Pero base sa ikinikilos niya, kabaligtaran lahat.
"Erin, it's just, —it's just..."
"Ano Guy? Wala ka bang nararamdaman para sa akin?"
Tapos huminga siya ng napakalalim bago sumagot.
"I'm—I'm sorry Erin.", saad niya sabay talikod at lakad paalis sa hardin na ito.
At naiwan ako.
Naiwan akong tulala.
Naguguluhan.
Statwang nalilito.
At higit sa lahat, nagsisisi.
Nagsisisi akong nasabi ko 'yun. Akala ko ba naman, gusto niya rin ako?
Akala ko ba, may pagtingin siya sa akin?
Akala ko ba, totoo ang ipinapakita niyang pag-aalala.
Pero nakalimutan ko.
Nakalimutan kong magaling nga pala siyang magpanggap.
Agad kong pinahid ang luhang nahulog mula sa kanan kong mata.
Ang bobo ko talaga kahit kailan.
Ba't 'di ako nag-isip.
Totoo nga ang kasabihang 'Huwag umasa kasi masakit.'.
Dahil ayokong makita ng mga taong nandito ang mga luhang nagbabadya na namang mahulog, agad ko ng inihakbang ang mga paa ko patungo sa exit ng lugar na ito.
.
.
.
.
.
.
.
.Guy's POV
This isn't right.
Bakit ba.
Bakit sa'ken pa napunta ang ganitong sitwasyon?
Bakit?
Medyo nagulat talaga ako sa pag-amin ni Erin tungkol sa nararamdaman niya para sa akin.
I did not expect that at all.
Oo ang samang-sama ko.
Napakasama.
Isa akong walang kabuluhang lalakeng nabuhay sa mundong ito.
Mas binilisan ko pa ang takbo ng motor ko. Galit na galit ako sa sarili ko. At naaawa ako kay Erin.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla akong naiyak.
Should I tell Erin?
Should I tell him all the things about me?
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kasalanan ko ang lahat.
May parte ng puso kong nagsasabing sabihin na sa kanya ang lahat. Pero may bahagi rin ng isip ko na pinipilit akong manatiling tahimik at isarili nalang ang lahat ng problemang pinapasan ko.
BINABASA MO ANG
My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)
Romantik"Can I spend my remaining life with you?" Akala ni Erin na sa telebisyon lang nangyayari ang sitwasyong biglang dumating sa kanyang buhay. Pero akala niya lang pala. Nang masabihan siya ng doktor na tatlumpong araw nalang ang natitira para mabuhay s...