Chapter 8: Left, Right?

151 15 2
                                    


Erin's POV

Oo, naiiyak ako. Pero pinipigilan ko lang.

Medyo mainit-init din yung sabaw na nabuhos saken.

"Erin?", tanong uli ni Joseph nang hindi ako makarespond mula sa pag-alay nila ng mga kamay.

Natauhan ako.

At tumayo ako sa sarili ko. Wala akong inabot na kamay.

Kaya ko naman tumayo mag-isa eh. Lumpo ba ako? Para alalayan pa?

Siguro napakamalas ko lang talaga, kaya bad mood ako ngayon.

"Okay ka lang?", tanong naman ni Guy.

Tumango ako habang nililinis ang sarili ko.

"I can't take this.", sambit naman ni Roxanne na nasa gilid ko pala.

Tapos nag-umpisa siyang lumakad paalis.

"Rox, wait.", habol naman ni Guy.

Si Joseph naman, nasa harapan ko pa rin at 'di kumikibo.

Para maputol na ang eksena sa food hall, dali-dali akong tumungo pabalik sa restroom para malinis yung sarili ko.

At hindi na ako nagpaalam pa kay Joseph.

.
.
.
.
.

Ano ba naman 'to. Kanina lang ay nandito ako sa restroom tapos nakatingin sa repleksyon ko sa salamin tapos ngayon, same scenario ulit. At ang nag-iba lang ay ang itsura ko ngayon na basa na.

Naghilamos ako.

"Hiramin mo muna 'to.", dinig kong wika ng lalakeng biglang pumasok sa loob at agad ding lumabas.

Tapos nakita ko yung itim na jacket na inilagay niya sa gilid.

Wala rin naman akong choice kundi abutin 'to.

Pagkakuha ko, nakita ko yung nakaburda na namang 'JM'.

At alam ko na kung kanino 'to.

Pumasok ako sa bakanteng cubicle at hinubad ang basa kong damit.

Isinuot ko rin agad yung jacket niyang napakabango.

Nakakahiya pero no choice talaga ako eh. Isasauli ko nalang 'to after ko 'tong malabhan.

Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako mula sa restroom at tumingin sa mesa kung saan kami nag-introduce ng mga sarili kanina. At nalaman kong si Patrick nalang ang nandun.

Tiningnan ko rin ang mesa nila Joseph pero bakante na ito ngayon.

"Hey.", sambit ko nang makalapit na ako sa kinaroroonan ni Patrick.

"Oy. Have a seat Erin."

Umupo ako.

"Asan sina spag—I mean Guy?"

"Well, ayun sinamahan muna si Roxie. Alam mo na, baka nasa period niya kaya bad mood. Haha. At hinintay nalang kita rito kasi nakakahiya naman kapag iniwan ka naming mag-isa 'di ba.", paliwanag niya.

"Ganun ba."

"Pagpasensyahan mo na yun si Roxie Erin ha? Ganun talaga yun. Sobrang close lang talaga naming tatlo kaya sobrang protective kami sa isa't-isa. Pero si Roxie...", wika niya tapos yumuko na para bang may bad news na sasabihin.

'Di ako kumibo at hinintay lang siyang magpatuloy sa pagsasalita.

"So we were bestfriends since elementary kaming tatlo. Pero mas mas malalim yung pinagsamahan nilang dalawa. Kase they were neighbors and their parents were friends, I mean 'are' friends. Alam naman naming tatlo mga sikreto ng bawat isa pero siguro may mga bagay din na silang dalawa lang ang nakakaalam. Because they're more than—I mean Roxie looks at Guy more than friends.", malungkot ang tono niya.

My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon