Erin's POVNgayon na ang araw.
Araw na magiging magkaibigan na sina Guy at Joseph.
Sana nga ganun ang mangyari.
Pleaseeeeee.
Nasa kuwarto ako ngayon at pinupulot ang mga libro kong nahulog sa sahig.
At sumilay ang ngiti sa aking mukha nang makita ko ang pitaka ko sa may corner. Akala ko nahulog ko 'to sa mall noong nadapa ako.
"Nandito ka lang pala ah.", wika ko tapos hinalikan ito.
"Tao po! Tao po!", sigaw sa labas.
Sigaw ng lalakeng kilala ko ang boses.
Kaya tiningnan ko ang relo ko.
9 am palang ha? Ba't ang aga niya?
Mabuti kasi nakaligo na ako. Naku 'tong lalakeng 'to oh!
"Hi po Ate!", rinig kong bati niya kay Ate Joni na nangangahulugang pinapasok na siya sa loob.
"Sir, nandito napo boypren niyo.", sabi ni Ate.
"Boypren?", gulat ko. Hindi ko kasi siya sinabihang boyfriend ko si Guy eh.
"Ah, kaibigan po pala sorry.", tapos natawa siya na sinabayan din ng pagtawa ng pumasok na si Guy.
"Hey Erin. It's nice to see you again after you hurt me.", nakangisi siya.
"Tse. Ba't ang aga mo?"
'Di niya nasagot ang tanong ko nang magsalita si Te Joni.
"Sir Guy? Kumain na po ba kayo?"
"Ah, oo po. Tapos na."
"Sige. Maiwan ko na muna kayo mga sir ha? Maglalaba lang ako."
"Sige po salamat.", saad ni Guy. Tapos ako naman, ngumiti lang.
At nang makaalis na si Ate Joni,
"I miss you bebe ko.", wika ni Guy tapos umaksyong yayakapin ako.
"Hoy. Wag ganyan.", pagpigil ko sa kanya.
"Why? Kasi hihimatayin ka sa kilig?", sagot niya tapos pinisil-pisil nang mahina ang tagiliran ko.
"Ako? kikiligin? Hindi no.", sambit ko bago nagcross-arms.
"Sige na payakap na.", nag sad face siya.
Oo gusto kong mayakap, pero ewan, baka kasi 'di ko kakayanin. Haha.
"Hindi.", diretso kong sagot.
"Okay. Sige, hindi mo naman ako totoong boyfriend eh. At tinutulungan lang kita sa research mo. Kaya okay lang sa'yong saktan ang puso ko.", pagdadrama niya na parang seryoso.
"Hoy."
Tapos tumalikod siya.
Grabe naman!
Kaya ayun, niyakap ko nalang siya mula sa likuran. Hahaay.
"Yeheey.", saad niya tapos tumawa.
At nang kumalas na ako mula sa pagkakayakap sa kanya, ginulo niya ang buhok ko.
"I was just joking Erin. I will never get mad at you."
"Ba't ba ang aga mo?", pag-iiba ko sa topic.
"Hmm. Wala lang. I'm just excited na makita ka."
"Tse.", tapos bahagya akong napangiti.
"Uyyy. Kinikilig siya.", pinisil na niya naman ang tagiliran ko.
BINABASA MO ANG
My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)
Romance"Can I spend my remaining life with you?" Akala ni Erin na sa telebisyon lang nangyayari ang sitwasyong biglang dumating sa kanyang buhay. Pero akala niya lang pala. Nang masabihan siya ng doktor na tatlumpong araw nalang ang natitira para mabuhay s...