Chapter 24: Heart Says I Do

120 12 2
                                    


Erin's POV

"Salamat Guy.", sabi ko pagkababa ko sa kotse.

Inihatid niya kasi ako sa bahay.

Pero 'di siya sumagot. At kahit pagngiti man lang, 'di niya nagawa.

Nagsimula siyang 'di ako kausapin nang sinabi ko sa kanya kanina na crush ko nga si Joseph. Pero hindi ko sinabing siya na ang crush ko ngayon. Haha

Feeling ko kasi, nagseselos siya. Haha At nakakatuwang isiping may nagseselos. Hindi naman siguro part ng acting niya 'yon 'di ba?

Feeling ko kasi, totoo na. Totoong nagseselos na siya.

Sana naman, hindi mali ang assumptions ko.

Basta, feeling ko, totoong-totoo.

Nang masarado ko na ang pintuan ng kotse nang hindi niya man lang kinausap, ay lumarga na siya.

At pagkaalis niya, tumalon ako nang paulit-ulit sa tuwa.

"Nagseselos yun sure ako!", sigaw ko sa sarili ko.

"Ba't ngayon ka lang?", galit na tono ni mama na 'di ko napansing nasa likuran ko na pala.

Dahil sa gulat ko, 'di ako nakasagot at nanatiling nakatulala sa galit niyang mukha.

"Ba't ngayon ka lang sabi!? Marunong ka ng maglakwatsa ng isang buong araw at gabi!?"

"Ma.", wika ko.

"Ikaw bata ka, halika dito!", galit pa rin si mama tapos kinurot ang tagiliran ko.

Ngayon ay nawala ang tuwa ko kanina at bumalik na naman sa sarili ko ang katotohanang walang kwenta ang buhay ko.

Akala ko ba nagbago na si mama.

Pero deserve ko rin naman 'to.

Nang makarating na kami sa sala, nakita ko ang kapatid ko at si Ate Joni na nakatingin sa amin at si ate ay parang naaawa.

"Ngayon magpaliwanag ka!", sigaw ni mama sabay sapak sa aking likuran kaya 'di ko alam, bigla nalang akong naiyak.

Siguro, nasasaktan na ako, nang sobra-sobra.

"Sumagot ka t*ng inang bata ka!"

"Di ako umuwi kasi ayaw ko sa bahay na 'to!", sagot kong pasigaw din.

At bigla akong nasampal.

"Ano ng nangyayari sa'yo!? Ba't nawawalan ka na ng respeto!?", bulyaw ni mama.

"Ate tama na.", pagsabat ni Ate Joni sabay hawak sa braso ni mama.

Buti at wala yung stepdad ko. Kasi kung nandito siya, siguro pagtutulungan nila akong dalawa.

"Ano ha! Nababaliw ka na!?", sigaw niya.

"Oo baliw na baliw na ako simula noong nawala si papa. Ramdam ko wala na rin akong ina!", naisigaw ko rin kasi hindi ko na natiis pa.

"Wala ka na ngang galang! Bw*sit ka! Lumayas ka!"

Nanginginig at umiiyak pa rin ay mabilis akong tumakbo sa kuwarto at kinuha ang malaki kong backpack.

Mabilis ko ring kinuha mula sa kabinet ang ilan sa mga damit ko at inilagay ko sa bag ko.

"Sige, lumayas ka! Wala akong anak na walang galang!", bulalas ni mama nang masundan niya ako sa kuwarto.

Patuloy pa rin ako sa paghahanda sa bag ko at parang binging walang naririnig.

At nang mailagay ko na sa bag ang lahat ng importante kong kagamitan, agad din akong dumaan sa harapan ni mama at tumungo sa sala kung saan pinigilan ako ni Ate Joni.

My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon