Chapter 4: Day WANdering

239 19 7
                                    


Erin's POV

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm sa phone ko.

Oo kayganda ng umaga.

Kaygandang gumising sa isang panibagong araw.

Kaygandang isipin na tayo'y binigyan ulit ng panginoon ng isang panibagong pagkakataon para gawin ang mga bagay na gusto nating gawin at iwasto ang mga pagkakamali natin sa kahapon.

Pero kaylungkot namang isiping unti-unti ay nauubos na ang mga araw ko para mabuhay dito sa mundo.

Eto at naiiyak na naman ako.

Kagabi pa'to eh!

Huhu

Ilang saglit pa'y naka receive ako ng text.

'Be there at 10', text ni Guy.

Napangiti ako.

Though nakakalungkot nga kasi mawawala na ako, nakakatuwa naman kasi may isang lalakeng tinanggap ang request ko.

Kahit, loko-lokohan lang, I slowly feel na may isang lalakeng minamahal ako.

Kahit laro-laro lang.

Kahit binayaran ko lang.

Kahit walang katotohanan.

Sabi pa ni Guy, mag fi-first date raw kami ngayon. Ayyyieeee!

Yan yung sabi niya after niya akong maihatid kagabi pauwi.

At naalala ko yung nangyari kahapon....

(Yesterday)

"San mo siya dadalhin?", masungit na tanong ni Guy kay Joseph.

"Ihahatid lang pre. Sino ka ba?"

"Boyfriend ni Erin. Bakit?"

Pagkasabi niya nun, biglang naging kabayo sa bilis ang heartbeat ko.

Siguro, nagulat ako.

Nagulat kase may isang lalakeng nagpakilalang nobyo ko.

At sa tono ng pagkabigkas niya, parang nagiging knight in shining armor ko siya na handa akong protektahan sa anumang uri ng kalaban.

Hahayy.

Salamat Lord for helping me experience one of my last wishes.

"Ga-ganun ba.", sagot ni James na parang nawawalan ng gana.

Siguro gusto niya lang sanang mag make up dun sa kasalanan ng staff niya sa akin.

"Oo pre.", tugon naman ni Guy na seryosong-seryoso.

"Edi. Sige Erin mauna na ako, 'di naman ako namimilit.", sabi ni James nang wala man lang kahit isang beses na tumingin sa'kin pagkasabi niya nun.

Ilang saglit lang, nakaalis na siya at naiwan kami ni Guy.

Tiningnan ko ang mga kamay naming magkahawak.

"Ayan, nakaalis na siya.", sabi niya tsaka tumawa tapos binitiwan na ang kamay ko.

At tsaka ko naalala, nagpapanggap nga lang pala siya.

"The best ba acting ko?"

"Hhmm Oo.", maikli kong sagot tsaka ngumiti nalang.

"Wala bang downpayment diyan?", tanong niya habang nakangisi.

Yung itsura niya ay parang isang kontrabidang nang ba-blackmail.

"Tse! Wala!", sambit ko na tinawanan niya lang.

Pero sa isip ko, another chance ko na rin sana yun kay James eh. 'Di lang talaga ako nakaimik.

My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon