Guy's POV"What is it?", matagumpay ko pa ring naitanong kahit alam ko na lasing na ako.
"You'll see.", saad ni Roxanne habang hinihila pa rin ang kamay ko.
Nang makalabas na kami mula sa cubicle, dinala niya ako sa may parking space sa labas.
Tapos nagtaka ako dahil huminto siya sa paghihila sa akin nang makarating kami sa likuran ng isang kotse kung saan madilim.
"Anong nandito?", I asked.
At nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
"Mahal kita. Alam mo yun. And I'm willing to do anything para mahalin mo rin.", mahina niyang sambit.
I did not respond sa sinabi niya and I just listened.
"Wala ka pa rin bang nararamdaman para sa'kin?", after asking that question, humiwalay na siya mula sa pagkayakap sa akin at tinitigan ako.
"You're drunk Rox. We're drunk. Kaya not now. Okay?", sabi ko.
"Do you really love that Erin guy? Alam kong hindi. Alam kong hindi ka bakla. Please tell me I'm right.", pagsusumamo niya sabay hawak nang mahigpit sa mga kamay ko.
"Rox, let's just go inside. Please."
Isang segundo lang nang masabi ko ang mga katagang 'yon nang halikan niya ako.
Agad ko naman siyang itinulak nang mahina.
"Roxanne. Tama na please. Lasing ka lang. May jowa na ako. At hindi tama ang ginagawa mo."
"Ano ba meron dun sa lalakeng yun at naging ganyan ka? Ginayuma ka ba niya?"
"Hindi naman importante ang kasarian Rox eh."
"Nakalimutan mo na ba ang pangako mong mahalin ako? Nakalimutan mo na na ba ang sinabi mong balang araw ay masusuklian mo rin ang pagmamahal ko?"
I was so surprised sa mga sinabi niya kaya 'di ako nakasagot.
And a few seconds passed nang halikan niya akong muli.
Kaya naitulak ko siya ulit.
"I'm sorry Rox but this isn't right.", sabi ko bago tumalikod at naglakad pabalik sa cubicle namin.
Narinig ko ang paghikbi ni Roxanne pero hindi ko siya binalikan. Alam kong ito ang tama. She has to forget her feelings for me. Pero what about Erin?
'Di ko na alam ano ang dapat kong gawin.
Napakagulo.
Napakalito.
Inikot ko na ang doorknob para mabuksan ang pintuan, at laking gulat ko sa aking nasaksihan,
Erin and Pat are kissing!
Erin's POV
Naging buwan sa laki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya.
'Di ako makagalaw.
Nawala lahat ng bagay sa paligid ko.
Dumilim.
At ang mga bagay na naiilawan lamang ng spotlight ay kaming dalawa ni Patrick.
Kaming dalawa habang magkadikit ang mga labi!
Tapos, ilang sandali pa, mas idiniin niya ang paghalik sa akin.
Hindi pa rin ako makagalaw.
Parang gusto ko yung nangyayari, pero para ring hindi.
Ano ba nasa isip ng lalakeng 'to?
BINABASA MO ANG
My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)
Romansa"Can I spend my remaining life with you?" Akala ni Erin na sa telebisyon lang nangyayari ang sitwasyong biglang dumating sa kanyang buhay. Pero akala niya lang pala. Nang masabihan siya ng doktor na tatlumpong araw nalang ang natitira para mabuhay s...