Erin's POVHindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon ko ngayon. Parang gusto kong itago sa loob ng kumot ang buo kong katawan dahil sa ginaw, pero tuwing ginagawa ko naman, naiinitan naman ako at pinagpapawisan.
Damang-dama ko rin ang parang umuusok kong dugo sa kaloob-looban ko pero nakakaramdam din ako ng lamig. Umuubo rin ako kada-minuto.
'Bukas nalang siguro Joseph. Pagpasensyahan mo na. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko ngayon.', sabi ko sa chat ko kay Joseph.
Chinat ko kasi siya kagabi na isasauli ko sana ngayon ang mga gamit niyang nasa'ken. At pumayag naman siyang makipagkita ngayong araw, pero ayun nga, malas kasi nadapuan na naman ng sakit 'tong mahina kong immune system.
At by the way, hindi ko pa sinabi sa kanya na alam ko na na siya si Rex. I acted sa chat ko kagabi sa real account niya na parang wala talaga akong malay. Ang plano ko talaga kasi ay ngayon ko sasabihin sa kanya sa personal.
Mas mabuti kasi kung in person makipag-usap ng mga ganitong klaseng bagay.
Pero uulitin ko, postponed ang plano ko.
Biglang tumunog ang phone ko. Tunog ng hindi chat kundi text message.
'How are you today my shrimp baby?', basa ko sa text ni Guy.
Napangiti ako.
Ganito yung feeling na gusto kong maramdaman.
Yung pakiramdam na may nagtetext sa'yo para kumustahin ka.
Pakiramdam na may tumitingin sa'yo na parang isa kang espesyal na tao.
Kahit, laro-laro lang.
Nawala ang ngiti ko. Pero sinubukan kong buhaying muli.
'I am not feeling well Guy. Hindi ako pwedeng mamasyal ngayon. Don't worry, wala akong idededuct sa sweldo mo.', reply ko.
Kakasend ko palang ng reply ko nang magreply siya kaagad.
'Ha? Why? Anong masakit? Do you need me there?'
'Lagnat lang siguro. Alam kong lilipas din 'to. Wag ka ng mag-alala.'
Pagkatapos kong masend 'yon ay hindi na ako nakareceive pa ng reply mula sa kanya.
Disappointed ako nang kaunti kasi alam ko sa sarili ko na naghihintay pa rin ako ng reply niya.
Lumipas ang dalawampung-minuto, wala pa rin.
Eh ba't naman siya magrereply? 'Di ba sabi ko okay lang ako? At sinabi ko pang wag na siyang mag-alala, so ano pa irereply niya dun?
Ang bobo ko!
Isinubsob ko sa unan ang aking mukha.
Pwede namang magreply siya ng 'Okay shrimp mahal' eh! Huhu
Bahala siya!
Tapos biglang tumunog ulit ang phone ko, pero sadly, messenger sound at hindi text.
'Okay Erin. Get well soon. :)', chat ni Joseph.
Mabuti pa si Joseph, sinabihan ako ng 'Get well soon.', eh si Guy? wala!
Duh!
Biglang sumakit ang ulo ko. At mas nakaramdam pa ako ng panghihina ng buo kong katawan.
Gusto kong tumayo para kumuha ng tubig pero nahihirapan ako.
Lumipas ang ilang minuto, nanginginig na ang buo kong katawan.
BINABASA MO ANG
My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)
Storie d'amore"Can I spend my remaining life with you?" Akala ni Erin na sa telebisyon lang nangyayari ang sitwasyong biglang dumating sa kanyang buhay. Pero akala niya lang pala. Nang masabihan siya ng doktor na tatlumpong araw nalang ang natitira para mabuhay s...