Chapter 11: Love Rain

154 13 3
                                    


Erin's POV

Habang nagluluto ako ng chicharon sa kawa kase sabi ni Guy ay pupunta raw siya dito ngayong araw, ay 'di ko mapigilang ngumiti habang inaalala yung nangyari kahapon.

Pauwi na kasi ako kahapon habang nagchachat sa kanya. Tumawid ako sa kalsada at 'di ko namalayan ang paparating na sasakyan, kung 'di niya ako nasagip, siguro wala pang 30 days, wala na ako. Haha

And sobrang nakakatuwa, I mean nakakakilig siguro? nung yakapin niya ako tapos bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala. Hahaay. Nakakalimutan ko na na dapat 'di ako mahulog sa kanya. At isa pa, 'di ko rin makakalimutan ang sinabi niyang:

'Please, wag ka ng gagawa ulit ng bagay na magpapaalala sa akin. Okay Erin?', sa isang napakasweet na tono.

Mahalaga ba ako sa kanya? Kaya nag-aalala siya?

Diyos ko Erin, 'wag kang mag-assume.
Mabait lang talaga si Guy at maaalahanin!

Napabuntong-hininga ako.

Oo nga naman. Mabait lang talaga siya kaya ganun ang pagtrato niya sa'ken. At sure naman ako na ganun din siya sa mga kaibigan niya.

"Sir Erin! May bisita po kayo.", rinig kong sigaw ni Te Joni.

Kinabahan ako nang kaunti. Ewan ko ba, kahit 'di totoo, feeling ko parang totoo na sisimulan ko nang ipakilala ang boyfriend ko sa family ko. Ayyiee!

Sabi kasi ni Guy, gusto niya raw makilala family ko at balang araw, family niya rin daw ang kikilalanin ko. Pero nag-usap na kami na dapat ang malaman ng family namin ay ang real relationship namin ni Guy which is 'friends' lang.

Mahirap na kapag pati sa family namin ay nagsinungaling kami.

At boundaries na rin kase yun. Kinontrata ko lang kase si Guy para maging BF ko. I-treat akong parang isang magandang dalaga. Tsar. At samahan akong gumawa ng unforgettable memories habang ako'y buhay pa. Yun lang. Hindi na kasali ang magsinungaling sa mga pamilya namin.

"Hello po. I'm A— I mean Guy po.", pagpapakilala niya.

"Ang pogi mo ah. Kakaano-ano mo'tong si sir Erin?", tanong ni Te Joni.

Tapos tumingin sa'ken si Guy nang nakangisi!

Ang mga mata niya ay parang nagsasabing 'get ready Erin.'

At kinausap ko rin siya gamit ang mga mata ko: 'Sige ka, 'di kita babayaran.'

At bigla siyang natawa.

"Ha? Anong nakakatawa?", tanong ni Te Joni.

"Ah, wala po. Uhm. Friend po. I am Erin's close friend po."

"Ha?", gulat ni Ate Joni.

"May close friend ka pala sir ha. Kase sa pagkakaalam ko, always by yourself ka.", dagdag pa niya.

"Meron po.", napakaikli kong sagot tapos hinila na si Guy papasok.

Nang mapadaan kami sa harapan ni Carly na naglalaro ng barbie, huminto si Guy tapos kinausap siya.

"Hi there little princess.", bati niya.

Tapos si Carly naman, tumingin lang kay Guy saglit tapos ipinagpatuloy na ang paglalaro niya.

Ako naman, dumiretso na sa kusina at ipinagpatuloy ang pagluluto ko.

.
.
.
.
.

"San parents mo? Excited pa naman sana akong makilala sila.", sabi niya.

Nasa kuwarto ko kami ngayon at nanonood ng movie.

"Wala. Busy sila.", nakasimangot kong sagot bago lumamon ng chicharon.

My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon