Erin's POV'Can I ask you for a date?'
Date!?
As in date!?
Date!?
Date!?
Wow! Ganito pala feeling kapag may nag-imibita sa'yong makipagdate?
Baka naman, ikaw lang 'to Lord ah. Tapos chinachat mo'ko para tuparin yung mga gusto kong maranasan habang buhay pa ako.
Natawa ako nang mahina sa pinag-iisip ko.
'Anong date? Ayaw mo ngang makipagkilala eh.', reply ko.
'Why not? Kailangan bang pisikal na na magkasama kapag nagdedate? 🙄😁'
'Meron bang date na ganun?'
'Yup. At tayo ang unang gagawa. :)'
'Sure ka? Baka scam ka ah.', chat ko.
'Hahaha I'm not joking. di ba gusto mong mawala pagkabored mo? Let's date then, and just follow what I tell you. Okay?'
'Tsar. Ano ka amo ko?'
'I just wanna help you have fun Erin. :) Just follow what I say and just imagine na katabi moko.'
Nag-isip muna ako nang ilang minuto. Oo nga naman, gusto kong aliwin ang sarili ko. Gusto kong gumawa ng mga alaala. Alaalang 'di ko pa nagagawa. Alaalang babaunin ko sa kabilang buhay. Malay natin, mag-eenjoy talaga ako sa sinasabing date ng Rex na'to. At kung hindi man, alaala pa rin naman siguro yun 'di ba? Alaalang magbibigay ng leksyon sa sarili ko.
'Sige. Pero kung pinaglalaruan mo lang ako, I'll have the police trace you and put you in jail okay?', pabiro kong pagbabanta.
'Deal Ms. Erin. :) 💕'
.
.
.
.
.
.'Tapos ngayon? Liko sa kanan o kaliwa?', chat ko.
Nasa may crossing ako dito sa downtown kase sabi niya may masarap daw na desserts na pwede naming tikman bago kami mag-enjoy sa fun park.
Oo, 'namin'. Yan ang sabi niya, imaginin ko lang daw na kasama ko siya.
'Kaliwa.', chat niya.
Kaya kumaliwa ako. At nagpatuloy sa paglalakad. Ilang lakad palang ang naihakbang ko nang mapadaan ako sa isang store na nagtitinda ng mga jackets. At nahagip ng mga mata ko ang kulay pink na jacket na may naka print na Lilo and Stitch. Ang Cute!
Kaya, pumasok muna ako sa loob ng store. At nag-umpisang maghalukay ng mga jacket. Ang daming magaganda!
Kinuha ko muna yung may Lilo and Stitch na print tsaka naghanap pa ng iba.
At naalala ko yung kachat ko. Oo nga pala!
Kaya kinuha ko muna yung phone ko at agad na nagtype sa messenger.
'Wait lang Rex ha. May bibilhin lang ako sandali.'
At wala pang dalawang segundo nang magreply siya.
'It's okay Erin. Take your time. :)'
Ngumiti ako. 'Di ko alam kung bakit pero baka siguro dahil sa smiley na nakalagay sa message niya.
Ipinagpatuloy ko na ang paghahanap ng magagandang jackets.
Siguro umabot ng halos 15 minutes nang makapili ako ng tatlo. Ang isa ay yung kulay pink na may Lilo and Stitch design, tas yung pangalawa ay kulay puti na may nakaprint na peppa pig tapos yung huli ay kulay half-grey half-pink na plain.
BINABASA MO ANG
My 30 Days To Heaven Story (BOYXBOY)
Romance"Can I spend my remaining life with you?" Akala ni Erin na sa telebisyon lang nangyayari ang sitwasyong biglang dumating sa kanyang buhay. Pero akala niya lang pala. Nang masabihan siya ng doktor na tatlumpong araw nalang ang natitira para mabuhay s...