Chapter 2

2.2K 53 0
                                    

Chapter 2

Halejiah Psyche Nam Pacete

NAPABALIKWAS si Halejiah nang may marinig na bagay na parang nababasag. Sa lakas ng tunog ng pagkakabasa nito ay parang sinadyang itapon. Alas 3 na ng madaling araw at medyo mabigat pa ang talukap ng kanyang mga mata pero kinusot-kusot niya ito. Bumilis ang paghinga niya pero unti-unti niyang napagtantong baka nag-aaway na naman ang Mama at Papa niya sa baba. Mula pagkabata hanggang sa ngayong 18 anyos na siya ay ganito parin ang mga tagpo sa pamamahay nila.

Lumabas siya sa kwarto niya para tingnan kung anong nagyayari. Baka sinasaktan na naman ng Papa niya ang kanyang ina. Naririnig niyang nasa sala ang nagsisigawang mga boses. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng tunog na parang isang lagapak ng sampal. Napasinghap siya at dali-daling bumaba pagkatapos ay nilapitan ang kanyang ina. She can see cuts on her mother's lips and some bruises in her arms and left cheek.

"Wala kang karapatang pangunahan ako sa mga desisyon ko. Kapag pumunta ka pa ulit sa bahay ni Charo ay makakatikim ka talaga sa'kin ng higit pa riyan!" Sigaw ng kanyang ama na hindi alintanang nakikinig siya. Dinaluhan ni Halejiah ang kanyang ina at niyakap ito. Halejiah knew that Charo is one of her father's mistress.

"Sige, ipakita at iparinig mo sa anak mo ang kawalanghiyaan mo!" nanghihinang bulyaw ng kanyang ina na pilit lumalaban.

"Aba't..." her dad grabs her mother's hair then push her on the floor. Umambang sasampalin nito ang kanyang ina pero pumagitna si Halejiah at siya ang nakatikim ng sampal na igagawad sana sa kanyang ina. Mas mabuti nang siya na lang kesa madagdagan pa ang sakit sa katawan ng kanyang ina. Hindi na rin naman ito ang unang beses na nakatikim siya sa kanyang ama. Her tears are flowing but she tried to face her father. His cold and abusive treatment is more hurtful than the assaults he just did to her.

"Pa.... tama na..." namamaos na pagmamakawa niya sa ama. Awang-awa na siya sa kalagayan ng kanyang ina. Tanaw niya ang mabilis na paghinga ng kanyang ama dahil sa galit nito na hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling. Ito pa talaga ang galit. Matalim siyang tinitigan ng kanyang ama bago sila nito iniwan ng kanyang ina sa sala.

Nang tuluyan nang nakapanhik sa itaas ang kanyang ama ay tinulungan niyang tumayo ang kanyang ina mula sa sahig.

"Kukuha lang ako ng ice compress Ma." Turan niya sa ina bago pumunta sa kusina. Hindi niya malaman kung ano pa ba ang natitirang dahilan ng kanyang ina kung bakit nagpapatuloy itong kumakapit sa relasyong masalimuot at nakakasakit na.

"Bakit po ba kasi kayo nagtiya-tiyaga, Ma? Ilang beses na kayong sinaktan. Emotional and physical, that's so not right, Ma. Ipaglaban mo naman ang karapatan mo bilang babae." Malumanay sa wika ni Halejiah dahil sa nararamdamang awa sa kanyang ina.

"I can't, nak. Mahal na mahal ko ang Papa mo. Balang araw, maiintindihan mo rin kung bakit ako nagpapakamartyr." Tugon naman ng kanyang ina na masuyong nakatingin sa kanya. Pahid-pahid nito ang yelo sa gilid ng kanyang labi at ngumingiwi dahil sa lamig at hapdi ng dampi nito. Napabuntong-hininga na lamang si Halejiah sa winika ng kanyang ina. Ilang beses niya na itong sinabi at iisa lang ang naririnig niyang dahilan. It just didn't didn't make sense to her... at all.

Kahit may kaonting pasa na ay maganda parin ang kanyang ina. Her mom is half-chinese but she's broke when she married her father. Ulila nang lubos at isa itong working student ng kanyang lolo at lola noon, ang magulang ng kanyang ama. Maalam sa negosyo ang ina ni Halejiah maging sa pulitika. In short, matalino na ito mula noon pa man at ito ang aspeto sa pagkatao nito ang nag-angat sa kanyang sarili.

Sa dinami-dami ng manliligaw ay sa kanyang ama pa talaga napunta na walang alam kundi ang pagbuhatan siya ng kamay. Paulina Nam-Pacete is the congresswoman of the 1st district while her father: Juan Hermoso Pacete is the governor of Negros Occidental Province. Espanyol ang ninuno ng kanyang ama at kitang-kita naman ito sa mestisong pagmumukha.

P.B.S #3: Grudges and VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon