Chapter 3
Prisoner
DINALAW si Halejiah ng kanyang kaibigan na si Charry. Nagtatrabaho ito sa PSWD ng probinsya ng Negros Occidental. Isang linggo na rin simula nang maikasal sila ni Beaux. He's not always around and she's thankful. Hindi niya rin naman alam kung paano pakikitunguhan ang isang lalakeng kasing bangis ng tigre.
"Pabigla-bigla naman yata ang pagpapakasal mo? Ano ba talagang nangyari? Ilang taon din tayong hindi nagkita." Malumanay na bungad ng kaibigan na halatang nag-aalala. Napabuntong-hininga na lamang si Halejiah pagkatapos ay nagkibit-balikat kay Charry.
"Eto na. Wala na akong magagawa rito. Hihintayin ko nalang kung kelan siya magsasawa at ipa-annul ang kasalan namin." Ikinuwento niya kay Charry ang tunay na estado nila. Chary sighed and give her a concern look. She's the only person Halejiah has who cares for her truly and she's grateful for having her bestfriend in this bitter situation she's in now. They exchange sighs until she breaks the silence.
"Ni hindi niya nga gustong magtrabaho ako. Gusto talaga akong pahirapan Chang...." sumbong niya. "I don't want this life...." she let out a loud breath again. "Ewan ko ba... hindi ko na alam ang gagawin." Tears starts forming in her eyes but she's holding back. Hinagod ni Charry ang likod niya para sana iparating na nakikinig ito sa kanya.
"Matapang ang pagkakakilala ko sa'yo, Psy. Hindi ka nagpapaapi di'ba? Lagi mo akong ipinagtatanggol noon tapos... ngayon... hindi mo naman ipinagtatanggol ang sarili mo." Malungkot na turan ni Charry. Looking how worried her friend is, Halejiah couldn't get hold of her tears anymore.
"Alam mo na naman ang dahilan di'ba, Chang?"
Wala siyang itinatagong lihim sa kaibigan. Alam nito ang malagim na nangyari sa nakaraan na siyang nagdala sa kanya sa sitwasyon niya ngayon.
"Hihintayin ko na lang na maubos ang lahat ng galit niya. Imposoble na naman sigurong kikimkimin niya ang galit niya hanggang pagtanda..." padarag siyang sumandal sa sofa habang pinasadahan ang buhok gamit ang kanyang daliri at suminghot dulot ng pag-iyak.
Tatanggapin niya ang galit at paghihiganti ni Beaux hanggang sa makakaya niya. Pilit niyang kinakalimutan ang nangyari sa nakaraan dahil kahit hindi niya naman kasalanan, wala pa rin siyang ginawa para pigilan ito. Hindi ganito ang iniisip niya noon tungkol sa pag-aasawa. She promised to herself that she's not gonna be like her Mama who endured the suffering her father caused. She will never be. Hangga't kaya niyang lumaban ay lalaban siya at hindi pasisiil. Puwera na lang kung may bahid ng guilt sa kanyang puso at diwa....tulad ngayon.
Patay na ang ama niya kaya walang patutunguhan ang lahat kung magtatanim pa siya ng galit dito. Pero hindi niya kelanman naramdamang minahal niya ang kanyang ama. She's somewhat grateful that he raised her but she never get to feel affection to her father until now. Tapos ngayon, siya ang ginawang pantubos sa kasalanan nito.
Hindi rin tumagal si Charry sa bahay nila. May convention sila dito sa Manila kaya binisita na lang siya nito. Mabuti na lang para may makausap naman siya maliban sa mga kasambahay. Nananalangin siyang sana palaging wala si Beaux. Hindi niya alam kung abala lang ba ito sa trabaho o ayaw lang talaga siya nitong makita. Siguro ang parusang gusto nito para sa kanya ay ang ikulong siya dito sa bahay niya. O baka naman, hindi pa siya nagsisimulang pahirapan talaga siya?
'Nakakakilabot naman!' bulong ng isip niya. Hinagod ng palad niya pataas-baba ang kanyang braso sabay tayo sa sofa para magbasa na lang ng kahit anong libro sa library. Nakita niya ang malaking litrato ni Beaux na nakabalandra sa likod ng mesa nito. He was wearing a white tuxedo with a navy blue necktie and he looks so freaking good. Napakaseryoso ng mukha nito sa litrato katulad lang din ng mukha nito sa personal. Hindi maikubli ni Halejiah ang paghanga sa kaguwapohan ni Beaux. Parang gusto niyang makita kung ano nga ba ang tunay na pag-uugali ni Beaux kung walang galit na lumalamon sa puso nito.
BINABASA MO ANG
P.B.S #3: Grudges and Vengeance
Romansa[COMPLETED] Magulo ang kinagisnang buhay ni Halejiah Psyche Pacete dahil isang tusong pulitiko ang kanyang ama. Isang nagliliyab sa galit na si Beaux Monte Philips ang naniningil at walang ibang laman ang puso nito kundi paghihiganti. Siya ang napil...