Chapter 7

1.6K 45 4
                                    

Chapter 7

Endure

Punas-punas ni Halejiah ang luha niya habang tinatanaw ang mga ilaw mula sa veranda ng mansyon. Tulog na si Beuax. Kahit pinapahirapan siya nito ay nakakaramdam pa rin siya ng awa dito. Talagang walang kapatawaran ang ginawa ng Papa niya. They raped Laura ang murdered her. Napag-alaman niya mismo sa ama niyang may planong isiwalat ni Laura sa publiko na may kinalaman ang kanyang ama sa pagpatay sa tiyuhin nito.

Wala siyang ginawa para iligtas si Laura dahil sa takot na patayin ng Papa niya ang kanyang Mama. Ang masama pa ay alam pala ng ina niya ang lahat ng krimen ng Papa niya. Kapag siguro papipiliin ang Mama niya sa kanilang dalawa ng Papa niya ay hindi siya ang pipiliin nito. Halejiah told her mother about her father's threat but she didn't believe her.

"Hindi magagawa ng Papa mo sa'kin 'yan!" Iyang ang katagang binitawan nito nang ipinagtapat ni Halejiah ang banta ng Papa niya rito. Her mother was head over heels with her father that she'll play blind to all her evil deeds.

Nang ibinalitang pinatay si Laura ay hindi niya matingnan ang Papa niya. Noong unang nakita niya ito pagkatapos ng pagkamatay ni Laura ay nasuka siya. Nalaman niyang buntis pala si Laura sa panahong iyon. Napakawalang awa talaga ng ama niya! Ikinahihiya niya ito. She felt guilty but she had no choice.

Doon niya unang nakita ang mukha ni Beaux. Sa litratong nakalagay sa wallet ni Laura na hanggang ngayon ay nasa kanya pa. Naka back-hug ito kay Laura at mukhang masayang-masaya sila sa picture at nagmamahalan.

Kapag nagsasabay sila sa hapag noon ng kanyang ama ay umaalis siya. Hindi magawang kastiguhin si Halejiah ng kanyang ina sa inaasal dahil ibinabalik niya ang sumbat rito.

"Kapag nag-asawa ako ay hindi ako kelanmam gagaya sa'yo Ma. Kung may sosobra pa sa salitang tanga ay iyon ang itatawag ko sa'yo. Pati ikaw... ikinakahiya ko na rin!" Bulyaw niya noon sa ina nang pilit niya itong kinumbinseng magsalita na sa publiko at isiwalat ang lahat tungkol kay Papa.

That same day, she received her first slap from her Mama. She hated her for that but it didn't last though. Her mother said sorry after that but her affection towards her mother didn't came back... until her mother's last breath. Halejiah just started treating her coldly after Laura's death.

She didn't let her Papa come to her graduation maging ang Mama niya. Ang yaya niya lang ang tinulutan niya na noong panahong iyon ay nag-resign na sa trabaho at piniling manirahan sa Manila kung saan walang impluwensya ang kanyang ama.

One of these days, kapag nagsawa na si Beaux sa paghihiganti sa kanya ay dadalawin niya si Aling Klaring. Ang anak nito ang tumulong noon sa kanya para makapagtrabaho sa America. She's a psychologist and Halejiah was her secretary. Naging malaya siya ng mahigit isang taon pero agad ring binawi ang kalayaang iyon pagkamatay ng kanyang mga magulang.

Kung siya man siguro ang nasa katayuan ni Beaux, kung buhay pa ang Papa niya ay hindi niya ito magawang patawarin. Wala na rin siyang balak na kunin pa ang Hacienda kahit nakapangalan na ito sa kanya ngayon. She didn't want to go back to San Carlos. Kung makaalis siya sa puder ni Beaux ay ibibigay niya ang Hacienda rito. She can earn money on her own.

...........

"Do you know how to cook?" Tanong ni Beaux habang nasa hapag sila kinaumagahan. Tumango siya rito. Magmula nang mapadpad siya sa America ay natuto siya. Wala siyang kasambahay na maasahan sa gawaing bahay doon. She learnt how to be independent.

"Good." Ani ni Beaux at sumubo ng kanin. Himala yata at kalmado ang aura nito ngayon. Halejiah thought he might be on break to make her suffer for this day. Baka pagkatapos ng break nito ay babalik na naman sa pagpapahirap sa kanya, sa pagtrato sa kanyang parang isang bayarang babae. Tumikhim si Halejiah nang may maisip na itatanong rito.

P.B.S #3: Grudges and VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon