Chapter 29
Regrets
FOUR WEEKS after that night, Beaux never showed up nor bugs her at school every morning or noon. Nakakaramdam si Halejiah ng pagkaluwang sa tiyan sa tuwing umaasa siyang naroroon si Beaux pero wala namang nagpapakita ni anino.
'He's a man of honor, oo nga pala!' Ngumiti na lamang siya ng mapait sa napagtantong ito.
Habang abala si Halejiah sa pag-aantay na magpapakita si Beaux, malamang, abala rin naman si Beaux sa pag-iisip patungkol sa request niya. Hindi niya tuloy maiiwasang manalanging sana maninindigan itong huwag ituloy ang annulment. Seems like the tables had turned and now she's in trouble and regret.
Nagpadala siya sa matinding galit niya rito. Ngayon, mas lubusan niya pang naiintindihan kung bakit ganoon na lamang kalupit si Beaux noong una nilang pagsasama. Anger can turn people into a beast.
All in all, tao lang din naman siya, nagkakamali sa mga naging desisyon. Tulad na lamang ngayon. It's not really good to decide when we're happy or in pain. A man should be in a normal state of mind when making decisions.
Halejiah can't help but sigh. Beaux tood her to give him a month or two. It's almost been a month. Hindi niya alam kung magiging masaya siya dahil malapit na itong magpapakita o malulungkot dahil natatakot na marinig ang magiging desisyon nito. In the first place, siya rin naman ang may gusto ng lahat ng ito.
"Looks like a little miss right here is sad." Boses ni Khalid na nagmula sa kanyang likuran. Nilingon niya ito at binigyan ng malungkot na ngiti. She's no good in faking emotions.
"May balita ka ba kung saan si Beaux ngayon?" Aniya nang nakaupo sa harapan niya si Khalid. Kasalukuyan silang nasa mall at nagpasyang kumain sa isang fastfood.
Seryoso siyang tiningnan ni Khalid kapagkuwan ay bigla nitong itinaas ang mga kilay.
"Aren't you gonna pretend first na hindi ka naman malungkot. 'Yong ganito 'I'm okay, Khal'," ani nito sa nagboboses babae. "And now, you're telling it straight to my face na tama nga ang iniisip ko kung bakit--"
Natigil ito sa pagsasalita nang sinubuan niya ito ng french fries.
"Mas maingay ka pa kesa sa'kin, alam mo ba iyon?" Napairap siya.
"I'm just try'na make you happy." He said and smiled cooly. "Anyway, I don't know where he is right now."
Nang dumating ang kanilang order ay namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa. Nakuha rin kasi ng pagkain ang kanilang atensyon. Khalid is not picky when it comes to restaurants and food. Parang hindi lang Philips kung iisipin. Si Beaux kasi, so far, noon ay lagi siyang dinadala sa mga mamahaling restaurants.
Pinilig niya na lamang ang ulo sa naisip.
'Of course every individual is unique.' Pagtatama niya sa sarili nang maalala ang natutunan noong nasa kolehiyo siya.
"Kung tayo na lang kaya Khal?" Nabilaukan naman agad si Khalid at naubo ito sa biglang sinabi niya. Uminom muna ito ng tubig bago nagsalita.
"Nah, I like you're pretty bestfriend. Hindi ako pumapatol sa bata."
Napahalakhak naman si Halejiah imbes na ma-offend. May katangkaran kasi si Charry.
"Come on, maybe we can work things out!" Tuya niya pa lalo. Napangiwi naman si Khalid.
"Nah, I'm good. I'm good. Hindi kita type." Anito sabay wasiwas ng kamay at nangingiwi parin. Lalo tuloy humalakhak si Halejiah sa reaksyon nito.
Lagi nalang kasing bukambibig ni Khalid si Charry kapag magkasama sila. Para itong na love at first sa kaibigan niya. Ang dami nitong tanong patungkol kay Charry.
BINABASA MO ANG
P.B.S #3: Grudges and Vengeance
Romance[COMPLETED] Magulo ang kinagisnang buhay ni Halejiah Psyche Pacete dahil isang tusong pulitiko ang kanyang ama. Isang nagliliyab sa galit na si Beaux Monte Philips ang naniningil at walang ibang laman ang puso nito kundi paghihiganti. Siya ang napil...