Chapter 24
Unfinished
KATUMBAS ng pagmamahal ay sakit. Panandalian lamang siyang dinalaw ng saya. Ngayon, naiintindihan na ni Halejiah kung bakit labis na nagdaramdam ang isang tao kapag nasaktan dahil sa sobrang pagmamahal. Destiny got the tables turned. She understood now why some people held grudges and sometimes took vengeance because of their madness. She is feeling that way now, she's just a human. But then she is just feeling the former but will never do the latter. Imbes na maghiganti ay mas mabuting lumayo at huwag nang magpapakita pa sa taong sumugat sa kanyang puso.
Kasalanan niya rin naman dahil umasa siya at sumama rito kaya naman, mas lalo siyang napopoot sa kanyang sarili. The reasons why Beaux did all those make-believe is still unknown. Kahit nga si Beaux ay hindi matukoy kung bakit. She look up to him that much. This is what she gets for overlooking at the silver linings. Nakakabulag din pala ang palaging paghahangad at paghahanap ng kabutihan sa mga masasamang tao, bagay at pangyayari. Kahit wala na naman talagang mabuti ay patuloy na naghahangad kaya siya nasaktan sa huli.
Inakala niyang sa kabila ng madilim na ekspresyon ni Beaux ay liliwanag din ng matagal o maging panghabambuhay at siya ang magiging dahilan. Nagmistulang kahangalan ang kanyang hangad. She should've known better. Look at her now, her pain turned into anger. She never have ever loved a man like how she loves Beaux. Umasa siyang tuluyan na nitong nakalimutan si Laura noon pero mukha namang hindi pa rin. Hindi naman siya papayag na magbubulag-bulagan na lamang siya at mangangapa sa dilim habambuhay.
Tatlong taon na ang nakararaan at napagpasyahan niyang bumalik sa Sipaway. Their beach house is the only property that she has. Kagagaling niya lamang sa America para magtrabaho. Sinadyang palamigin ang kanyang puso na nagbabaga sa galit bago bumalik pero may galit parin. Wala na siyang balita kay Beaux at wala na na rin siyang pakialam pa sa mga bagay na tungkol rito. Magpapahinga muna siya ng isang buwan bago maghanap ng trabaho ulit. She likes her life now, it's simple and calm. Sana lang talaga ay magtuloy-tuloy na.
Mabuti nalang hindi siya magasta sa pera. Nag-invest siya sa kompanya ng mga Tsui. Alam niyang isa ito sa mga kompanyang pagmamay-ari ng angkan ni Beaux pero wala narin siyang pakialam. Shareholder lang naman si Beaux rito at hindi ito ang talagang may-ari. Si Khalid ang tumulong sa kanya. Malaki na nga talaga ang utang na loob niya rito. She knew Khalid's help was unconditional but Halejiah still wanna do things she can to return the favor.
"Uy, tulala ka." Untag sa kanya ni Charry. Natauhan naman si Halejiah mula sa malalim na iniisip. Tatlong araw narin simula nang makauwi siya.
Halejiah run her fingers through her hair before she answers. She didn't noticed her mind strolling somewhere.
"Huh? Hindi ko namalayan ah." Napakamot siya sa batok at tumingin sa gawi ni Charry na nakapameywang. "Luto na ba?"
"Kanina pa." Anito sabay turo ng pagkain sa harapan niya na siya namang isa sa mga paborito niya. Adobong manok. Naamoy na rin ni Halejiah ang nakakatakam na halimuyak ng pagkain.
"Ayos!" Tumayo siya para kumuha ng pinggan. She get one for Charry too. Ngayon lang din sila nagkita dahil abala ang kaibigan niya sa trabaho.
"Siyanga pala....kumusta ka na?" Charry asked in a concerned tone. Or maybe it's just her Ilonggo accent that made her voice that soothing. Her bestfriend knew what she'd gone though over all her heartbreak. Sumandok muna ng kanin si Halejiah bago sumagot.
"I'm great. Had stop crying." Aniya at sumubo. It's the truth. Bumuka ang bibig ni Charry pero agad rin nitong itinikom. Like what's she's gonna say is not worth to verbalize.
BINABASA MO ANG
P.B.S #3: Grudges and Vengeance
Romance[COMPLETED] Magulo ang kinagisnang buhay ni Halejiah Psyche Pacete dahil isang tusong pulitiko ang kanyang ama. Isang nagliliyab sa galit na si Beaux Monte Philips ang naniningil at walang ibang laman ang puso nito kundi paghihiganti. Siya ang napil...