Chapter 9
In-law
MASAYA ang puso ni Halejiah sa hindi malamang kadahilanan dahil sa naririto si Beaux sa bahay. Pakiramdam niya hindi niya na kailangan pang lumabas dahil nalilibang na siyang tingnan lang ito. She likes it when he's taking off his shirt. Kahit hindi siya nito pinapansin o tingnan man lang ay okay lang sa kanya. Dalawang araw na itong nananatili sa mansyon at nakakalungkot mang isipin na napapansin lang siya nito kapag tinatawag na ito ng laman. It's like she's just a pussy to fuck and nothing else for him.
Eto lang naman ang dahilan kung bakit naririto siya sa pamamahay nito. It's as same as saying that she just sold her body to pay off their million debt... but never her soul. Kaya pa niyang tiisin. Kaya pa.
Beaux is in the library. Pagkatapos ng pananghalian ay doon ito dumeretso. Ipinagtimpla niya ito ng kape kahit hindi naman nito hinihingi. Nagtimpla din siya ng juice dahil baka ayaw nito ng kape sa ganitong oras. Ilang oras nang nasa loob si Beaux kaya iniisip niyang baka gusto nito ng maiinom.
Kumatok muna siya bago pumasok dahil baka mabugahan siya nito ng nagbabagang apoy kapag pumasok siya ng walang pahintulot.
"Come in." Says his fainted voice from inside the library.
Sinenyasan niya si Mierna na buksan ang pinto dahil ang mga kamay niya ay nakahawak sa tray. Sinarado niya ang pinto gamit ang kanyang paa at halos mabitawan ang hawak na tray nang tinapunan siya ng sulyap ni Beaux pero nagpatuloy parin siya sa paghakbang palapit rito.
Binigyan niya ito ng matamis na ngiti sa kabila ng maasim na timpla ng mukha nito. Nilapag niya sa table nito ang tray na para bang waitress siya na nagse-serve ng order sa customer na masungit.
"Ahmm.. Ipinagtimpla kita ng kape. Sabi ni Manang Mierna gusto mo raw ng instant coffee so here it is..." masigla niyang itinuro ang black coffee sa nakalagay parin sa tray. "Nagtimpla na rin ako ng juice dahil baka hindi mo bet ang kape. So yeah.." she felt a bit of intimidation the way he seriously looked at her like she's some kind of weird or something.
"I don't drink either of the two. Take them out of my sight." Masungit na saad nito na nagpapawi sa kanyang matatamis na ngiti. Her shoulders fell along with her wide smile. She can't help but frown while taking the tray out of his sight the way he wants to.
"Just...." napatigil siya sa paghakbang nang marinig niya ang boses nito mula sa kanyang likuran. She rolled her eyes.
'What is it this time?' masungit na sambit ng utak niya. Pinipigilan niya ang sariling magtaray rito dahil hindi naman talaga siya nito sinabihang gawin ang ginagawa niya ngayon. "Just the juice. That'll do." Anito pero hindi na maibabalik pa ang sigla ni Halejiah.
"Sure..." humarap siya rito gamit ang seryosong mukha. She tried to be as polite as she can.
Nilapag niya ang orange juice sa harap ni Beaux nang hindi ito tinitingnan sa mata. Naiinis siya sa sarili dahil hindi na dapat niya ito ginawa pa. Trying to tame a wild creature is a waste of effort. Pagkalapag sa juice ay tumalikod na siya rito at humakbang pasulong sa pintuan. Pagkarating sa kusina ay umupo si Halejiah at siya na lang ang uminom ng tinimplang kape.
'Oo nga pala. Dapat kasi inuuna ang sarili kesa sa ibang tao.' Her mind tried to grasp intellectualism to defend her bruised and rejected ego... well, not totally. Dapat sarili niya na lang ang ipinagtimpla niya ng kape.
'Self-worth nga di'ba Halejiah?!' Kastigo niya sa sarili. Unahin ang sarili. "Tama... tama.." pinilig niya ng ulo nang napagtantong kinakausap niya na ang sarili.
Napapitlag siya nang pumasok sa kusina ang lalakeng nilalaman ng isip niya at bumabaliw sa kanya. Binawi niya ang tingin mula rito at tiningnan ang tasa ng kape kung saan nangangalahati na ang nainom niya. Pinakiramdaman niya nalang ang mga galaw nito. Nilapag nito sa sink ang basong pinagtimplahan niya ng juice kanina at nabigla siya ng makita mula sa peripheral vision niya na tila uupo ito sa harapan niya. Tama ng ang akala niya, umupo ito sa harapan niya mismo habang pinagsiklop ang mga kamay na nasa ibabaw ng lamesa.
BINABASA MO ANG
P.B.S #3: Grudges and Vengeance
Romance[COMPLETED] Magulo ang kinagisnang buhay ni Halejiah Psyche Pacete dahil isang tusong pulitiko ang kanyang ama. Isang nagliliyab sa galit na si Beaux Monte Philips ang naniningil at walang ibang laman ang puso nito kundi paghihiganti. Siya ang napil...