Chapter 6

1.6K 47 0
                                    

Chapter 6

Past

PAGKATAPOS siyang iwang parang basura ay inangkin ulit siya ng binata matapos maligo. Napakasakit na talaga ng pagitan ng mga hita niya. Wala siyang magagawa. Beaux is now hammering her hard like he's a damn whore. Nang nilabasan na ito ay hindi niya inaasahang marinig ang susunod na mga kataga nito.

"Oh.. Laura."

Hinihingal ang binata at bumagsak sa ibabaw niya. Tila ba sinasadya nitong iparinig sa kaniya.

Laura..... that girl.

.......

PAUWI na si Halejiah galing kina Charry dahil doon nila napagkasunduang gumawa ng thesis at malapit na ring matapos ang 1000 hours na OJT nila. Nanalo sa eleksyon ang Papa niya, inaasahan niya naman talaga ito. Hindi nanalo ang kaalyado niya dahil nasungkit ni Ramon Vicente ang pwesto. Taga Sipalay ito at sa pagkakaalam niya, so far, maganda ang record nito. But then, after few months of being a vice governor, he was killed at the front of the church.

She didn't care about their world. Manalo o matalo ang Papa niya ay wala siyang pakialam. Base on her impression about the politics world, the great lier wins. Ipinalit ng Papa niya sa pwesto nito ang kaalyado niyang board member.

Ngayong nandirito ulit siya sa San Carlos ay nasasaksihan niya na naman ang pag-aaway ng mga magulang niya. Pero nasasanay na rin siya. Kahit naman ilang beses saktan ng Papa niya Mama niya ay hindi pa rin naman ito lumalayo. She loves her Mama but she sometimes blames her for being a martyr woman. Ang daming dahilan ng Mama niya kapag sinasabihan niya itong lumayo gayong napakarami namang paraan kapag gugustuhin na talaga nitong layuan ang Papa niya. She just put her headphones on when she heard them yelling at each other downstairs. Hindi na siya nagpapaapekto rito.

"Stupido!" she was pulled out from her deep thoughts when he heard a familiar voice. Liblib ang lugar papasok kina Charry dahil public cemetery na ang parteng kinaroroonan niya. She didn't mind strolling alone around the city because it's kinda safe and everybody knows her. "Bantayan niyo 'yan! 'Wag niyong pakainin para walang lakas na tumakas!" Naririnig niyang bulyaw ng isang lalake sa kung sino.

Alas syete na ng gabi at walang ilaw sa kinaroroonan niya pero tanaw niya ang isang abandonadong building na napapalibutan ng kogon dahil wala nang nagma-maintain nito. Dati itong planta noon at walang bahay malapit dito. Malayo mula sa gusali ang bahay nila Charry at walang dumadaan dito dahil shortcut lamang ang tinahak niyang daan. Doon kari sa kabilang kanto dumadaan ang halos karamihan. Hindi niya nga rin alam kung bakit dito siya dumaan kahit alam niyang hindi ligtas. Sa kinaroroonan niya na kasi siya dinala ng kaniyang mga paa.

Malapit na siya sa kanto para pumara ng tricycle nang marinig niya ang boses. Bigla siyang nilukob ng kaba. Looking at the abandoned building, parang dito dinadala ang lahat ng subject na papatayin ng mga sindikato katulad lang ng mga nakikita niya sa pelikula. Bigla siyang naging curious kung anong meron doon.

Dinala siya ng mga paa niya sa may malaking puno ng narra at pinatay ang flashlights ng kanyang smarphone para hindi siya makitang nagmamasid. May itim na SUV na naka-park na siyang pamilyar para sa kanya, katulad lamang ito ng kotse nila pero marami namang nagmamay-ari ng itim na SUV sa San Carlos. Tinalasan niya ang pandinig maging ang mga mata. She can see lots of men in black— like goons. Napasinghap siya nang umilaw ang kotse at nailawan nito ang isang pamilyar na bulto. The lights crashes into a certain silhouette that looks peculiar to her... her father.

Natutop ni Halejiah ang bibig sa nakita. Anong ginagawa ng Papa sa lugar na ito? Lihim niyang tanong. Walang masyadong dumadaan na sasakyan sa kanto na kinaroroonan niya dahil sa lubak-lubak ito. Matao lamang ito kapag araw ng mga patay. Malayo-layo pa sa kinatatayuan niya ang lumang gusali. Hindi niya alintana ang medyo matatalim na dahon ng kogon habang ingat na ingat na lumapit sa dating planta. Sa gilid siya dumaan. Gusto niyang malaman kung ano ang ginagawa ng Papa niya sa lumang gusali kasama ang mga tauhan. May kutob na siya pero nanggagalaiti siyang alamin.

P.B.S #3: Grudges and VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon