Chapter 16
Unexpected
NATANGGAP si Halejiah sa Ateneo de Davao bilang isang guro ng propesyong kinabibilangan niya. It's just a contractual job and she didn't mind. Hindi niya pa naman ibig magtrabaho ng regular.
Anim na buwan na ang nakalilipas at kakarenew niya lang ng contract. Malungkot siya, hindi niya ito maililingid dahil tao parin naman siya. Malungkot siya pero hindi naman siya nasasaktan, mas mainam na ito sa kanya. Normal na lamang siguro ito dahil mag-isa lang siya. She likes the ambient of the City, it's safe. She can stroll anywhere she wanted to go.... unharmed. She thought that the news about how safe Davao City is just an unproven theory. Now, she have found out that it's real, she's one of the living proof. She's safe and sound.
Sa loob ng anim na buwan ay puro pagliliwaliw ang ginagawa niya sa buhay. Halos lahat ng resort sa Samal Island ay napuntahan niya na rin. Hindi lamang doon kundi sa ibat-ibang bahagi ng buong rehiyon o maging sa karatig rehiyon man. Sa susunod na linggo ay sasama siya sa co-teacher niyang umakyat sa Mt. Apo. She missed doing adventures and it's gonna be her second time around to climb the said mountain. Hindi siya magsasawa kahit paulit-ulit pa siguro.
Palabas na siya at naisipang maglakad-lakad na lang muna papunta sa Magsaysay Park. She needs a vitamin of the sea to soothe her lonely yet contented heart. Naka-uniporme pa siya pero ayos lang naman. It's not like it's illegal to stroll around wearing a uniform. May nakakasalubong siya sa daan na mga estudyante niya sa ibang course na nakakakilala sa kanya.
"Hi ma'am, gwapaha uy!" Masiglang sabi no'ng isang lalakeng estudyante na chubby at naka-salamin. Napapansin niyang pilya ito at matalino base narin sa anyo nitong nerdy. Ngumiti si Halejiah at sinabayan ang trip ng mga ito.
"I know right!" She said and flips her hair in a swagger way. Naghiyawan ang mga estudyante niya pero kalaunan ay nagpaalam narin na may pupuntahan daw.
She likes it when somebody talks to her, it lightens up her mood. Ganito na rin talaga ang buhay niya. Tatanggapin niya ang bad vibes pero mas titingnan niya ang good vibes. Gusto niya kung paanong payak ang pamumuhay niya ngayon. Wala na siya sa isang mansyon, simple at malaya na ang pakiramdam niya kahit alam niyang ito'y pansamantala lang muna...sa ngayon.... pero maayos niya rin naman ang lahat...sa tamang panahon.
She was once asked where is her husband and she answered it with half-truth and half-lie. Sinabi niyang nasa Maynila ang asawa niya pero sinabi niya ring hindi ito related sa mga Philips na mayayaman. Ayaw niyang pagkaguluhan siya at babatuhin siya ng libo-libong mga katanungan.
Beaux may have keep her profile low but people could still know about him when they want to. Hindi kasi katulad si Beaux sa mga pinsan at kapatid nito na laging dumadalo sa mga social parties. Kahit nga birthday nito ay gusto nitong simple lang. He doesn't want attention and he's kinda anti-social. She can attest to that, he's hostile to her so she can tell, he's an anti-social type of man. That'll be enough proof. Pero kapag naiisip niya ang pinagdaanan nito, siguro hindi rin naman talaga ito ganoon. She can't be one-sided so she has to balance both sides.
Nagtataka si Halejiah kung bakit hindi updated ang mga co-teachers niya. Maybe because Beaux kept the information about her? But then... Oh well, Beaux is very low-key type so no more question for that. Mabuti nalang at pagkatapos no'n, hindi na nag-usisa pa ang mga katrabaho niya kaya naman nabunutan ng tinik si Halejiah sa dibdib. She doesn't really wanna talk about that guy.
Nang magsawa siya sa tanawin ng dagat ay sa People's Park naman siya pumunta. Naglalakad lamang siya. She wants it that way. Mas nakakapagmuni-muni siya kapag naglalakad siya. Nakakabwisit naman kasi miminsan sa tuwing sumasakay siya ng jeepney, dahil sa iilang kabataang pasahero na halos maghalikan na sa harapan niya pa talaga.
BINABASA MO ANG
P.B.S #3: Grudges and Vengeance
Romance[COMPLETED] Magulo ang kinagisnang buhay ni Halejiah Psyche Pacete dahil isang tusong pulitiko ang kanyang ama. Isang nagliliyab sa galit na si Beaux Monte Philips ang naniningil at walang ibang laman ang puso nito kundi paghihiganti. Siya ang napil...