Chapter 1

3.4K 60 0
                                    

Author's Note:
Hi guys! Please consider clicking the vote button and follow me too. That will help me a lot. Thank you!
-LuckyRocky

Chapter 1

Introduction

"Halejiah, ang papa at mama mo naaksidente. Umuwi ka na dito sa lalong madaling panahon." Naririnig ni Halejiah ang nanginginig at balisang boses ng kanyang tiyahin sa kabilang linya. Maging siya ay nanghina sa narinig at hindi makagalaw sa kinatatayuan.

"A-Ano ho? S-Sige. Magbo-book ako ng ticket sa pinakamalapit na petsa para makauwi ako." Wika niya sa tiyahin.

"O sige. Maghihintay kami rito." Anito at ibinaba ang telepono.

Isang taon lang siyang nawala pero eto na ang nangyari? Hindi niya na mapigilan ang mga luhang tumulo ng kusa. Marami siyang hinanakit sa pamilya niya pero hindi niya parin nanaising may mangyaring masama sa mga ito.

Tulad ng napagpasyahan ay nag-book siya ng ticket sa pinakamalapit na petsa para makauwi na. Pagkaapak pa lamang sa NAIA ay nakatanggap siya ng isang masamang mensahe mula sa Tiya Vina niya. Wala na raw ang kaniyang mga magulang. Nanlumo siya at tila tumigil sa pag-ikot ang kanyang mundo. Pinilit niyang magmadali at pumara ng taxi papunta sa ospital na pinagdalhan sa Mama at Papa niya. Sa Manila daw nila ito dinala dahil pareho nang kritikal ang lagay nila dulot ng pagkaaksidente at hindi raw ito kakayanin sa Negros Occidental.

Punas-punas ni Halejiah ang mga luha na lumalandas sa kanyang pisngi habang nasa loob pa lamang ng taxi. Kahit gaano pa kasama ang kanyang ama ay ito parin ang nagbigay ng buhay sa kanya.

Hagulhol ang nadatnan niya sa loob ng ospital. Nandoon ang dalawang kapatid ng Papa niya at ang kaisa-isang kapatid ng kanyang ina. Napayakap na lamang si Halejiah sa Tiya Vina niya nang makita ang walang buhay niya ng mga magulang. Mas malapit siya sa kaoatud ng kanyang ina kesa sa Tita Juannita niya na kapatid ng kanyang ama.

Ang sabi ay pauwi na raw sila sa mansyon galing sa hacienda nila nang sinalubong sila ng malakas na ulan. Hindi raw marahil naaninag ng kanyang ama na may papalikong isang malaking truck na siyang bumangga sa kanila kaya tumilapon ang sasakyan at nahulog sa bangin.

Gobernador ang kanyang ama at malamang ang papalit sa kanya ay ang Vice governor na kaalyado rin ng Papa niya. Isang taon nalang ang nalalabi sa serbisyo nito. Hindi mahilig si Halejiah sa pulitika at wala siyang balak sumunod sa yapak ng kaniyang mga magulang. Congresswoman naman ang kanyang ina sa Negros Occidental kaya kung tutuusin ay halos hawak nila ang buong probinsya.

"Baon sa utang ang Papa mo. Bago sila namatay ay naisangla na pala niya ang hacienda ninyo." Ani ng Tiya Vina niya. Taga Cebu ang napangasawa nito at doon na piniling manirahan.

Unlike her Mama, her Tita Vina is lucky to her husband. Kalilibing palang ng kanyang ama at eto ulit ang hindi kaaya-ayang maririnig niya. "Ang mansyon niyo na lang ang natitirang ari-arian niyo na hindi pa nahahawakan ng bangko. Kahit naman ibenta mo ang buong mansyon ay hindi nito mababayaran ang iba pang pinagkakautangan ng Papa mo dahil nalulong siya sa casino." Dagdag niya.

Napabuntong-hininga na lamang si Halejiah. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi siya maalam sa negosyo. Kaya nga social work ang pinili niyang propesyon. Hindi niya namana ang malawak na kaalaman ng kanyang ama sa negosyo kaya tiyak hindi niya maaalagaan ang hacienda. Kaisa-isang anak si Halejiah kaya walang ibang mag-aasikaso ng mga naiwan ng kanyang mga magulang kundi siya lang.

"Sa pagkakaalam ko, sa Montebank nakasangla ang hacienda niyo at nagkakautang ang Papa mo. Pahirapan tayo nito dahil napakalaking halaga nito. Baon na baon kayo sa utang." Turan ng Tita Karina niya na bakas ang pamomroblema nito sa kalagayan niya.

P.B.S #3: Grudges and VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon