Kinagabihan ay naririnig nila Serene, Summer at Alyza ang maya't mayang tunog ng mga sasakyan sa bakuran kaya sumilip sila sa pinaka terrace ng kwarto para Makita ang nangyayari sa labas.
"Anong meron?" tanong ni Summer habang naka tanaw sila sa labas at tinitingnan ang mga taong nag papasukan sa loob ng bahay.
"Serene yun ba ang mapapangasawa ni Tita Solen?" tanong ni Alyza sabay turo sa lalaking kasama ng Daddy nya.
"Saan?" Tanong ni Serene at pilit na sinisipat ang tinuturo ni Alyza.
"Ayun oh!" Turo ni Alyza. Hindi nakita ni Serene ang tinuturo ni Alyza na magiging Tito nila kaya tiningkayad nya ang kanyang paa at inilabas sa fence ng terrace at halos lagpas kalahati ng katawan makita lang ang itinuturo ni Alyza pero nadulas ang kamay ni Serene na nakatukod sa banister ng terrace at pumalabas sya kaya sya nalaglag.
"Oh my God Serene!!" tili ni Summer habang naka hawak ang isang kamay ni Serene sa banister ng terrace. Samantalang si Alyza ay napatulala sa shock. "Alyza tulungan mo ko."
"I – I can't move my body" tila na paralyze si Alyza. Ang tanging natakbo sa isip nya ay ayaw nyang makitang duguan ang ulo ni Serene dahil sa pag kakabagok. Lahat ng tao sa labas ay nabigla din dahil naka lambitin si Serene sa terrace. Lumapit si Summer at inabot ang isang kamay ni Serene para tulungang maka akyat ulit.
"Hawakan mo ako" wika ni Summer.
"Wag mo akong bibitawan please" paki usap ni Serene habang naka hawak ang kaliwang kamay sa kamay ni Summer at nakahawak ang kanang kamay sa banister ng terrace.
"Can you push your body upward para mahila kita paakyat?" tanong ni Summer. "I Can't pull you, masyado kang mabigat."
"No I can't without a boost" sagot ni Serene. "Wag mo ako bitawan, nadudulas na ako." Natatakot na wika ni Serene.
"Gosh Serene wag ka bumitaw! Alyza naman help me!" sigaw ni Summer kay Alyza. Nang matauhan si Alyza ay nanginginig na hinawakan nya ang braso ni Serene.
"Hindi kita mahila, nanghihina ako!" kabadong wika ni Alyza.
Narinig nila Summer na isa sa mga bisita ang humingi ng tulong sa mga kasama.
"Adonis! Halika, tulungan mo! Malalaglag si Iyang!" tawag ng mommy ni Serene sa isang lalaki. Dali daling pumunta ang lalaki at dalawa pa nitong kaibigan sa pinangyarihan. Kaya nang Makita ang nangyayari ay gumawa agad sila ng hakbang.
"Raph, umakyat ka sa taas at tulungan mo sila na hilahin yung babae, kami ni Eugene ang back up dito kung sakaling mahulog sya" utos ni Adonis sa binatang maputi at singkit. Dali daling sinunod ni Raph ang utos ni Adonis.
"Miss!" tawag ni Adonis kay Serene. "Miss makinig ka, hintayin mo si Raph jan tutulungan ka" wika ni Adonis.
"Ahhh! Di ko na kaya, madudulas na ako" sagot ni Serene.
"Wag muna Serene kung ayaw mo mabalian" wika ni Summer.
"Please pag malaglag ka wag kang mamamatay" wika ni Alyza.
"Di ko na-" di tapos na wika ni Serene at tuluyang dumulas sa pag kakahawak kay Summer. Buti na lang at nasalo sya ni Adonis.
Pag ka salo ni Adonis ay bigla silang napahiga sa sahig.
"Awtz! Ang bigat mo" puna ni Adonis. Na offend si Serene kasi chubby sya at naka ramdam ng hiya sa crush nya kaya talagang napahiya sya sa sinabi ng savior nya kahit silang dalawa lang ang naka rinig.
"Okay lang ba kayo?" tanong ng Lola nila Serene at chineck ang dalaga kung nabalian ng buto. Yung lalaking mukhang sanggano naman ay tinulungan si Adonis na tumayo.
"Salamat Couz" wika ni Adonis kay Eugene.
"Dre! Sorry hindi ako umabot naligaw ako eh" sigaw ni Raph mula sa terrace.
"Wow ha?! Ang laki ng bahay para maligaw ka" puna ni Summer.
"Ay! Sorry te di ko naman alam ang pasikot sikot sa bahay nyo." Sagot ni Raph. Nang makita ni Summer si Raph ay nagulat sya.
"He- Hello" biglang bati ni summer na nag iba ang aura at biglang nag angelic face ang peg. "Ikaw pala yan"
"Hello din ate" sagot ni Raph.
"Enebe wag mo kong tawaging ate" wika ni Summer. Biglang napatakbo pababa ng bahay si Alyza para kumustahin si Serene. "Lyza!" tawag ni Summer at sinundan si Alyza. Sumunod din si Raph pababa.
Nang nasa baba na si Alyza ay bigla itong yumakap kay Serene.
"Sorry" tila nagu-guilty si Alyza dahil hindi nya natulungan ang pinsan nya. Hinawakan sya ni Serene sa likod.
"Okay lang ako Lyza, wag ka na mag alala" wika ni Serene.
"Sorry talaga kung di kita natulungan. Natakot kasi ako ng sobra" pag hingi ng sorry ni Alyza. Maya maya ay dumating ang mga parents nila.
"What happened?" tanong ni Mamang
"Muntik nang mahulog sa terrace si Iyang, Mang" wika ni Adonis at hinawakan si Serene sa tagiliran para makatayo.
"Okay ka lang Iyang? Nasaktan ka ba?" tanong ni Mamang napa pikit pikit si Serene dahil dalawang Mamang ang nakikita nya kaya naisip nya na nahihilo lang siguro sya dahil sa pagka laglag.
"Nahihilo yata ako Mamang" sagot ni Serene. Bigla namang lumapit si Sharina at Sabrina kay Serene.
"Anak may masakit ba sayo?" tanong ni Sharina sa anak.
"Na pilayan ka ba? San ang masakit sayo?" tanong naman ni Sabrina sa pamangkin.
"Okay lang po ako Mommy, Tita medyo nahihilo lang" sagot ni Serene habang naka tingin sa dalawang Mamang na nakikita nya. "Si Alyza po, parang di okay kasi na shock sya. Nakita ko kung paano syang nanginig sa takot habang di maigalaw ang katawan."
Lumapit si Kifer sa anak na si Alyza para kumustahin.
"Okay ka lang ba anak?" tanong ni Kifer kay Alyza at niyakap ang anak.
"Nang hihina ako sa takot Dad" sagot ni Alyza at yumakap sa Ama. Napalitan lang ng galit ang takot ni Alyza ng Makita si Aluza na may hawak ng isang basong tubig.
"Uminom ka muna ng tubig Alyza" alok ni Aluza at ibinibigay ang isang basong tubig. Kumalas ng yakap si Alyza sa Ama.
"I don't need that, I'm fine" matigas ang loob na sagot ni Alyza sabay walk out pero hinila sya ng Daddy nya.
"Alyza, bakit ka ganyan ka rude sa Ate mo?" tanong ni Kifer sa anak
"Hindi ko sya ate okay?" Naiinis na wika ni Alyza sa Ama at pumunta sa may garden. Napatingin si Aluza sa Daddy nila at hinaplos ng ama ang kanyang ulo. Napahiya man ay pinilit ni Aluza na mabaling ang pag aalala sa pinsan na muntik nang malaglag.
"Serene, uminom ka muna ng tubig" alok ni Aluza sa pinsan. Tinanggap ni Serene ang isang basong tubig at ininom.
"Thank You Aluza" pag papasalamat ni Serene. Ngumiti lang si Aluza at lumingon kung saan pumunta ang kapatid sa Ama. Batid ni Serene na gustong gusto ni Aluza na makipag lapit sa kapatid nito pero si Alyza mismo ang umiiwas at ayaw makipag ayos sa kapatid.
Pag lipas ng isang oras na pakikipag usap at pakikipag kilala sa pamilya ng namamanhikan ay nag simula nang maging seryoso ang usapan at lahat ng tao sa bahay ay kailangan maging saksing buhay sa usapin. Ipinatawag ang lahat ng mga bisita at miyembro ng magkabilang panig na pamilya.
"Pasok na daw sabi ni Tita Ann" tawag ni Eugene kay Adonis at Raph.
"Mag pipirmahan na?" tanong ni Adonis.
"Oo." Sagot ni Eugene. "Ang daming pag kain masasarap hahah"
"Takaw mo talaga" biro ni Adonis. Nang papasok na sila ay nakita ni Raph si Aluza na naka silip sa bakod ng garden kaya nilapitan nya ito.
"Pst! Anong ginagawa mo jan?" tanong ni Raph kay Aluza.
"Nakakagulat ka naman para kang engkantong sumulpot sa likod ko" biro ni Aluza.
"Grabe naman to? Mukha ba akong engkanto? Ano bang ginagawa mo jan?" tanong ni Raph.
"Gusto ko sanang tawagin yung kapatid ko dahil mag pipirmahan na kaso di ako makalapit kasi galit sakin yun eh" sagot ni Aluza.
"Gusto mo ako na lang ang tumawag sa kanya? Mauna ka na duon sa loob ako na bahala sa kapatid mo" wika ni Raph.
"Talaga? Thank you Raph. Kaibigan ka talaga" masayang wika ni Aluza. "Sige mauuna na ako sa loob ha? tutulungan ko pa kasi sila Tita Sab at Tita Sha" nang naka pasok na sa loob ng bahay si Aluza ay lumapit si Raph kay Alyza.

BINABASA MO ANG
#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st Story
Teen Fiction"Holy Cow!" sigaw ni Eugene habang nakatitig kina Serene at Adonis na magkayakap habang tulog sa sahig. Nang matauhan si Adonis ay agad itong napa upo, gayon din si Serene at naka taklob ng kumot, si Adonis naman ay kita ang hubad na itaas. "Dre...