𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 21

24 3 0
                                    

After ng pag kakainitan at pag hingi ng pasensya sa isa't isa ay kanya kanya silang tapos sa kanilang ginagawa hanggang tawagin sila upang maghapunan.
    Nag kakatinginan sina Serene, Alyza at Summer habang nasa harapan sila ng hapag kainan. Kasama nila sina Tita Sabrina, Tita Solen, Mamang at Tito Kifer.
    "Mukhang pinag handaan ni Solen ang pag uwi nyong tatlo ah, ang dami nyang inihanda eh, nag labas pa sya ng wine sa storage" wika ni Kifer sa tatlong dalaga.
    "Si Aluza po?" tanong ni Alyza.
     "Hindi pa sya nakakauwi apo" sagot ni Mamang.
    Napansin nila Alyza na may ka text ang Tita Solen nila, nang mabasa nya ang huling text ay agad itong tumayo at tumakbo palabas ng hapag kainan.
    "Where are you going?" tanong ni Sabrina.
    "Sa labas lang may susunduin ako" sagot ni Solen. Pag balik ni Solen ay nagulat ang lahat ng makita na kasama nya sina Raph, Adonis, Eugene at Alfi. Sa galit ni Kifer ay agad syang tumayo at sinuntok si Alfi, napa higa sa sahig si Alfi at hindi naganti sa bawat suntok na natatamo nya mula sa kamao ni Kifer.
    "Gago ka! Bakit ka pa pumunta dito?! Diba sabi ko pag makita kita babasagin ko yang bungo mo?!" sigaw ni Kifer.
    "Kifer tama na" awat ni Mamang sa anak na panganay.
    "Kuya enough!" awat ni Sabrina habang naka hawak sa katawan ni Kifer.
    "Kuya please wag mong sasaktan si Alfi" naiyak na wika ni Solen habang naka luhod at naka yakap sa natumbang si Alfie. Sina Adonis naman ay naka alalay sa Tito nila.
    "Anong wag sasaktan Solen? Nag papaka tanga ka jan? pag katapos ka nyang gaguhin ngayon ayaw mo syang masaktan?!" sigaw ni Kifer sa bunsong kapatid.
    "Daddy tama na" awat ni Alyza sa ama. Hindi parin nag sasalita si Alfi bagkus ay pinupunasan lang ang luha ni Solen at hinahalikan ang nuo ng dalaga.
    "Kuya hindi kasalanan ni Alfi yung pag hihiwalay namin!" sigaw ni Solen.
    "What?!" sigaw ni Kifer.
    "No Solen," pag aawat ni Alfi sa sasabihin ni Solen pero hindi na nag paawat ang babae.
    "Hindi si Alfi ang nang iwan sa relasyon namin, Ako kuya!" sigaw ni Solen.
    "But how?" tanong ni Kifer sa kapatid. Inalalayan ni Serene si Solen na tumayo, sina Adonis naman ang umalalay kay Alfi sa pag tayo.
    "Nahuli ako ni Alfi na may ibang lalaki. Nang nakipag hiwalay ako dahil mas pinili ko ang lalaki ko ay inako ni Alfi lahat, pinalabas nyang sya ang may kasalanan para hindi mapahiya ang pamilya natin." Paliwanag ni Solen.
    "All this time Solen?! All this time inakala naming si Alfi ang nag loko? Lahat ng pag papahirap sa pamilya nila ginawa ko makaganti lang tapos malalaman laman ko inosente pala sila? Ano pang kasinungalingan mo Solen?" galit na wika ni Kifer sa kapatid.
    "Alam ng buong family ni Alfi ang ginawa ko kuya" malungkot na sagot ni Solen.
    "The Heck Solen! Ginipit ko halos lahat na pinag kakakitaan ng mga Frigillana tapos-! My Goodness Solen! You're so Selfish!" Halos ma high blood si Kifer sa nalaman nya kaya't napaupo sya sa upuan, lumapit si Solen sa kuya nya at yumakap.
    "I'm so sorry kuya" naiyak na wika ni Solen. Niyakap din ni Kifer ang kapatid nya.
    "Bakit sa akin ka nag so-sorry? We should apologize to the whole Frigillana clan, sila ang biktima Solen, tayo ang naging masama sa pamilya nila. Especially me" wika ni Kifer na halatang na gu-guilty.
    "You don't need to apologize kuya Kifer, alam at naiintindihan namin kung bakit mo nagawa yung panggigipit sa pamilya namin. Alam naming wala kayong ideya sa nangyari kaya hindi big deal samin yon" Paliwanag ni Alfi.
    "Paanong hindi big deal yon Alfi, halos sirain ko lahat ng negosyo mo" wika ni Kifer.
    "As long as negosyo ko lang ang nasira kuya titiisin ko" sagot ni Alfi.
    "Bakit mo nagawang isugal ang pangalan ng buong pamilya mo kapalit lang ng kahihiyan ng kapatid ko?" tanong ni Kifer.
    "I Love Her" sagot ni Alfi. Lumapit si Solen kay Alfi at yumakap.
    "Kuya, kaya ko sya pinapunta dito dahil gusto kong aminin lahat ng kasalanan ko sa inyo, gusto ko nang linisin ang image at pangalan ni Alfi sa paningin nyo" Paliwanag ni Solen.
    "Kuya I want to marry Solen as soon as possible" biglang hirit ni Alfi, Nagulat ang lahat sa narinig nila, even Adonis and company, "Kung payag kayong pakasalan ko sya bukas gagawin ko, 3 years akong umasa na babalik sa akin si Solen, ayaw ko nang maulit yung nangyari dati" wika ni Alfi.
    "I don't know what to say Alfi. 3 years kaming may kasalanan sa inyo, magagawa ba ng pamilya nyong tanggapin si Solen?" tanong ni Kifer.
    "Noon pa nila tanggap si Solen kuya, since natanggap ng family ko ang nagawa nya sa akin" sagot ni Alfi.
    "I want to talk to your family first, I want to apologize, gusto kong maging maayos ulit ang samahan ng pamilya natin" wika ni Kifer.
    Hiyang hiya si Kifer sa nagawa nya kay Alfi at sa buong pamilya nito, paulit ulit syang humingi ng tawad kay Alfi kahit na pinatawad na sya ng nobyo ni Solen. Nag aya si Kifer na makipag inuman pero wine lang at nakipag usap kay Alfi ng sarilinan.
    Habang naka upo si Adonis sa harapan ng pinto ay biglang lumapit si Serene sa binata.
    "Hey" wika ni Serene sabay tapik sa balikat ni Adonis. Napatingin si Adonis sa dalaga.
    "Hey, ikaw ulit" patay malisya na wika ni Adonis.
    "How are you?" tanong ni Serene.
    "Okay lang" sagot ni Adonis.
    "Na miss kita" wika ni Serene sabay yakap kay Adonis. Nagulat ang binata sa ginawa ni Serene. "Sorry Fire," naiyak na wika ni Serene. "Sorry kung nagalit ako sayo, sorry kung nasabihan kita ng masasakit"
    "Hindi mo naman kasalanan yun Serene, makulit kasi ako nuon sayo natural magagalit ka diba" naka ngiting sagot ni Adonis.
    "I'm sorry Adonis" naiyak parin si Serene.
    "Mind if punasan ko yung luha mo?" tanong ni Adonis kay Serene, habang pinupunasan ni Adonis ang luha ni Serene ay naka tingin ang dalaga sa mukha ng binata. "Ayokong may nakikita na umiiyak na babae, nanghihina ako" wika ni Adonis.
    "Gusto kong bumawi sayo, sa lahat ng kasalanan ko" biglang wika ni Serene.
    "Wala ka ngang kasalanan" sagot ni Adonis.
    "Meron, gusto kong bumawi fire, name it and I will do it, anything you want me to do" wika ni Serene.
    "What if sabihin kong gusto kitang maging babae papayag ka ba?" tanong ni Adonis. Biglang natigilan si Serene. Babae? Iyon ang taong ni Serene sa sarili. Babae? Anong klaseng babae? GF type? Friend type? Pampalipas oras? Parausan? Aasawahin? Anong klaseng babae?
"See? Hindi mo kaya, tsaka Serene kilala mo naman ako, hindi ako gagamit ng babae para lang makuha ang gusto ko sa buhay, kayang kaya kong makuha yon sa sarili kong paraan, wala ka bang bilib sa akin?" tanong ni Adonis.
    "Ano bang klaseng babae ang tinutukoy mo?" tanong ni Serene.
    "Sineryoso mo talaga ah, never mind nalang Serene" sagot ni Adonis.
    "Ano nga kasi..." pagpipilt ni Serene kay Adonis. Huminga ng malalim ang binata at tumingin kay Serene.
    "Gusto kong balikan ako ni Venice, kung papayag ka na maging babae kita mag papanggap ka na Gf ko, yun lang hanggang pag papanggap lang" Paliwanag ni Adonis.
    "Paano makikipag balikan sayo si Venice? Diba nga hindi ka na nya mahal?" tanong ni Serene.
    "3 years din kaming magka relasyon ni Venice, kilala ko sya, kahit ayaw nya sa isang tao o bagay, pipilitin nyang makuha ito kapag mayroon syang ka kompitensya, gusto nya kasi palagi syang lamang, palagi syang panalo, kung malaman nyang may GF agad ako, gagawa at gagawa sya ng paraan para maagaw nya ako sa Gf ko" Paliwanag ni Adonis.
    Narealized ni Serene na mahal nga talaga ni Adonis si Venice, kaya naisip nya na kung naging sila 3 years ago, ganon din ba kalalim ang pag mamahal sa kanya ni Adonis? Masarap kaya mag mahal si Adonis? Ituturing din ba sya na Prinsesa ni Adonis tulad ng pagtuturing nya kay Venice? Lahat ng iyon ay masasagot kung papayag sya sa plano ni Adonis.
    "Sige papayag ako sa plano mo na mag kunwaring Gf mo sa isang kondisyon, walang sex" wika ni Serene. Biglang natawa si Adonis.
    "Grabe ka naman sakin Serene, wag kang mag alala di ako mahilig sa sex, mabait parin ako hanggang ngayon" sagot ni Adonis.
    "Okay, kailan mo ba gustong mag start tayo?" tanong ni Serene.
    "Gumawa ka muna ng contract natin, isulat mo yung mga gusto mo at mga ayaw mo, ganun din ang gagawin ko then, I review natin ng sabay, mamaya ayaw mong magpahalik sa pisngi tapos bigla kitang hinalikan para pag selosin si Venice masampal mo pa ako" Paliwanag ni Adonis na may halong biro.
    "Sige, gagawa na ako maya maya ng rules ko" sagot ni Serene.
    "Sya nga pala, uuwi na ako, may pasok pa kasi ako bukas ng umaga sa trabaho nakakahiya sa bisita ko" pag papaalam ni Adonis.
    "San ka ba nag tatrabaho?" tanong ni Serene.
    "Sa opisina hahah!, may ka meet ako bukas sa Black Hearts baka gusto mong sumama para after ng meeting ko ay pag usapan na natin yung mga plano sa pagpapanggap" Paliwanag ni Adonis.
    "Oo nga pala, may meeting din pala ako bukas same place, sige magkita nalang tayo bukas sa Black Hearts" sagot ni Serene.
    "Sunduin na lang kita tapos sabay na tayong pupunta" wika ni Adonis.
    "Okay, sige" sagot ni Serene. Tumayo si Adonis at nag paalam na kay Serene pero pinigilan sya ni Serene.
    "Bakit?" tanong ni Adonis.
    "May nakalimutan ka," sagot ni Serene. Halatang nag taka si Adonis.
    "Anong nakalimutan ko?" tanong ni Adonis at kinapa kapa yung bulsa nya sa pag aakalang nalimutan nya ang wallet nya. Umiling iling si Serene at biglang hinalikan si Adonis sa labi. Na bigla ang binata sa ginawa ni Serene.
    "Simula ngayon mag practice ka nang halikan ako, na excite ako sa sinabi mong nakikipag kompitensya si Venice, like her, ayokong nalalamangan ako, What I want, I get" Paliwanag ni Serene. Ngumiti si Adonis kay Serene.
    "Feeling ko magiging best actress ka" biro ni Adonis. "Sige na, bye na" at humalik din sa labi ni Serene.
    Nang maka alis na ang mga binata ay nagsipuntahan na sa kwarto ang tatlong dalaga.
    Kasalukuyang naka higa si Summer sa kama ng pumasok si Serene sa kwarto. Pagka pasok na pagka pasok ni Serene sa kwarto ay nag si lapitan sina Alyza at Summer sa kanya.
    "Bakit?" tanong ni Serene na nawi-wirdohan sa dalawa.
    "Nakita namin yon!" excited na sigaw ni Alyza. "Anong status nyo ni Adonis??" kinikilig nitong tanong.
    "Status...?" patay malisya ni Serene.
    "Mag de deny ka pa nakita ka namin nakipag kiss sa lips ni papa Donis ano na? kayo na ba?" kinikilig na wika ni Summer.
    "Alright, sige sasabihin ko na kalma lang," pang bibitin ni Serene.
    "Ano nga kasing status nyo?" tanong ni Alyza na excited malaman ang kaganapan sa love life ng pinsan.
    "Kami na ni Adonis" sagot ni Serene. Natiliian sa kilig sina Alyza at Summer pero nang punain sila ni Serene dahil maingay sila ay pabulong silang nagtilian. Biglang nag poker face si Summer.
    "Hindi ka man lang nagpakipot Te?" poker face na wika ni Summer.
    "Bakit pa ako mag papakipot, mahirap na baka masulot pa ng iba." Sagot ni Serene. "kaya yun, sinunggaban ko na"
    "Malandi ka" wika ni Summer.
    "Mana sayo" sagot ni Serene.
    "Ay! Minana ko lang rin yan kay Alyza" biro ni Summer.
    "Pag untugin ko kayong dalawa jan eh!" sagot ni Alyza.
    "Buti ka pa may love life na, ako plakda kay Eugene eh" wika ni Summer.
    "Ha? bakit naman?" tanong ni Serene. Biglang natawa si Alyza.
    "Hindi sya pinapansin ni Eugene, may asawa na yata kasi maya't maya ang tawag nya sa cp kinukumusta yung baby daw nya" sagot ni Alyza.
    "Baka Gf yung baby nya" wika ni Serene.
    "Ah ewan, makatulog na nga." Wika ni Summer.

#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon