Kinabukasan, maagang pumunta ang pamilya ni Serene sa Santiago para mag picnic. Medyo malayo ang byahe pero sulit naman sa view. Nang makarating sila sa ilog ay nag simulang mang huli ng isda ang mga lalaking nakatatanda, at nag bonding naman sa pag lalaro ng volleyball ang mga kadalagahan at kabinataan. Ang mga nakatatandang babae naman ay namimitas ng gulay na ihahalo sa pag kain at ang iba naman ay nag luluto.
Habang nag bo-bonding ay dumating si Adonis kasama si Venice lulan ng motor. Hindi na masyadong pinapansin ni Serene ang binata at nag di-distansyahan sila dahil iniiwasan nilang mag selos si Venice. Pero bago mag tanghali ay hinatid na ni Adonis pauwi sa Mercado ang kanyang nobya kaya bumalik sya sa picnic ng mag isa.
Itinuon na lang ni Adonis ang pag kuha ng picture sa mga tanawin at mga kasama nya para gawing remembrance. Pero ang tagalong umagaw ng atensyon nya ay ang kinikilos ni Serene. Mahilig tumambay ang dalaga sa lugar na malago at maganda ang halaman kaya naman sa tuwing palihim na kinukunan ni Adonis ng picture ang dalaga ay nag mumukhang diwata ng kalikasan si Serene. Kinahapunan ay pinasya na nila na umuwi kaya habang nag liligpit si Serene ay lumapit si Adonis.
"Serene" tawag ni Adonis. Nilingon sya ni Serene.
"Bakit?" tanong ni Serene
"Pasensya na kung hindi kita malapit lapitan kanina" pag hingi ng dispensa ni Adonis.
"Okay lang yun, naiintindihan ko naman kung bakit eh" sagot ni Serene.
"Hayaan mo sa susunod mag ba- bonding tayo kapag may time na ako" pangako ni Adonis.
"Okay lang Adonis" naka ngiting sagot ni Serene, "Mahirap pag kasyahin ang time sa trabaho at Love life, dapat ma balance mo kaya wag mo nang isingit ang time mo sa akin kasi makakasira lang ako" paliwanag ni Serene.
"Kaya ko pa rin namang I balance ang oras ko sa work, love and friends, gusto mo bonding tayo? Angkas ka sa motor ko gala tayo" pag aaya ni Adonis.
"No Adonis, pagod na kasi ako at inaantok na. Next time na lang okay lang ba?" malambing na tanggi ni Serene para hindi mag damdam si Adonis.
"Ganun ba? Sige next time na lang. Paano ba yan, mauna na akong bumiyahe ha? dadaan na lang muna ako sa bahay nila Venice" sagot ni Adonis at sumakay na ng motor.
"Sige" matipid na sagot ni Serene
"Bye" pag pa-paalam ni Adonis
"Bye, Ingat" sagot ni Serene. Pag alis ni Adonis ay nilapitan nina Summer, Alyza, Raph at Eugene si Serene
"Kumusta usapan nyo ni Adonis?" tanong ni Summer
"Okay lang naman" sagot ni Serene habang sinasakay nya ang mga gamit nya sa kotse.
"Anong sinabi nya?" tanong ni Alyza, tinapik at tinitigan ni Summer si Alyza. "Sorry, na curious lang ako"
"Nag sorry lang sya dahil hindi sya naka pag bigay ng atensyon sa atin" sagot ni Adonis.
"Bakit sayo lang nag sorry? Sa amin din wala yung full attention nya eh" reklamo ni Eugene.
"Shotain mo na lang kaya yung pinsan mo para hamig mo lahat ng atensyon nya" wika ni Summer. "Natural luma love life si Lolo Adonis kaya naka focus kay Lola Venice"
"Alam nyo naman si Venice ayaw nyang inaagaw sa kanya si Adonis" sabat ni Alyza.
"Guys, uwi na tayo. Luluwas pa tayo bukas sa Manila" pag aaya ni Serene
"Oo nga pala, nalimutan ko" sagot ni Summer
"Eugene, Raph, pwede nyo ba kaming ihatid bukas sa Bautista? Mag co-comute lang kasi kami ang balak namin mga 10:00 am ang byahe kaso wala nang jeep papuntang Bautista ng ganung oras diba?" tanong ni Serene.
"Oo, sige ihahatid nalang namin kayo tutal dadaan din kami sa store para tapusin yung reports na di tinapos ni Adonis" sagot ni Eugene.Kinabukasan hindi na nag paalam si Serene kay Adonis, tanging sina Eugene at Raph lang ang nag hatid sa kanila sa Bautista dahil naging busy si Adonis kay Venice.
Ilang araw din ang lumipas nang magtaka si Adonis nang hindi nya nakikita sina Serene sa tuwing bibisita sila ng Tito Alfi nya kina Tita Solen.
"Raph nakikita nyo ba sina Serene?" tanong ni Adonis
"Umuwi na sila sa Manila last week pa" sagot ni Raph na patay malisya lang habang binabasa ang scrapbook ni Aluza
"Bakit hindi nyo man lang sinabi?" tanong ni Adonis
"Busy ka kasi kay Venice kaya hindi ka na naming inistorbo" sagot ni Raph.
"Bakit ganun, hindi man lang sya nag paramdam o nag paalam?" tanong ni Adonis.
"Bakit sya magpapaalam? Nobyo ka ba nya?" tanong ni Raph
"Hindi" sagot ni Adonis.
"Ikaw na ang nag sabi, Hindi ka nya Bf" sagot ni Raph at umalis papunta kay Aluza.
Naging palaisipan kay Adonis kung bakit hindi na nagpaparamdam ang kaibigan nyang si Serene, Iniisip nya tuloy kung may nagawa syang mali sa dalaga. Nag hiwa hiwalay naman sila mula sa picnic ng maayos at walang tampuhan kaya nagtataka talaga sya kung ano ang dahilan kung bakit hindi man lang sya maalala ng kaibigan.
Habang nasa bahay si Adonis ay naalala nyang buksan ang kanyang laptop para gumawa ng reports sa business nila, Nang mag bukas na ito ay tumambad sa kanya ang napaka cute na mukha ni Serene, wall paper ito ng laptop nya. duon ay naisipan nyang tingnan ang mga letrato ng dalaga sa camera nya nuong nag picnic sila.
Habang naka higa sya sa kama at isa isang tinitingnan ang picture ni Serene ay nakakaramdam sya ng pagka miss sa dalaga, ibang pagka miss lalo na nang makita nya ang isang letrato na stolen pic, naka tanaw sa malayo si Serene, naka ngiti at napaka aliwalas ng mukha, biglang naka dama ng kaba sa dibdib si Adonis.
Napabalikwas si Adonis nang biglang pumasok sa isip nya na hinahalikan nya sa lips si Serene, nag flash back din ang mga panahong hinahalikan nila ang isa't isa sa labi nuong pinag seselos nila si Venice.
"Mahal ko na yata si Serene" bulong ni Adonis.
![](https://img.wattpad.com/cover/206510579-288-k463686.jpg)
BINABASA MO ANG
#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st Story
Teen Fiction"Holy Cow!" sigaw ni Eugene habang nakatitig kina Serene at Adonis na magkayakap habang tulog sa sahig. Nang matauhan si Adonis ay agad itong napa upo, gayon din si Serene at naka taklob ng kumot, si Adonis naman ay kita ang hubad na itaas. "Dre...