𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 11

34 2 0
                                    

"Alam ko na, may isang lugar akong alam na tiyak magugustuhan mo" Nakangiting wika ni Adonis.
    "Saan naman?" Tanong ni Serene.
    "Secret na lang para surprise" sagot ni Adonis. "Kung wala kang tiwala sakin, mag paalam tayo kina Ammang kung san tayo pupunta." Wika ni Adonis.
    "Bakit parang naiilang ka na kasama ako, yung tipong gusto mo palagi may kasama o may nakaka alam kung san mo ako dinadala?" tanong ni Serene.
    "May iba kasing madumi mag isip, mahirap na baka anong itsismis nila" sagot ni Adonis. "tsaka pormal yun na paraan diba? Dapat alam ng mga kasama mo kung saan ka napunta para kung di ka agad umuwi alam nila kung saan ka pupuntahan at hindi sila mag aalala sayo"
    "Kung sabagay tama ka, Alam mo ikaw? Yung tulad mong lalaki, Medyo konti na lang. Siguro kung ilalagay ko tong sinabi mo ngayon sa akin sa story na gagawin ko at may mga lalaking makabasa, siguro mag re-react sila kasi sabi ko Medyo konti nalang yung tulad mong lalaki tama ba ko?" tanong ni Serene.
    "Siguro Oo, tapos yung ibang guilty ihihinto yung pag babasa sa libro na ginawa mo at sasabihin, 'Ang baduy' hahah!" Biro ni Adonis.
    "Hmp! Subukan nilang huwag basahin, hindi sila kikiligin" pag yayabang ni Serene.
    "Love story ba yung theme ng story mo? Kaninong Love Story??" tanong ni Adonis. Biglang napahinto si Serene, nag taka sya kung bakit nasabi nya iyon kay Adonis.
    "Ha? ah, eh, hindi naman! Hindi literal na love story!" defensive nyang sagot at tumalikod kay Adonis, nag pikit ng mata na parang pinag sisihan ang unang nasabi sabay bawi ng tingin kay Adonis. "Ah, sa ganda ng mga view ng probinsyang ito, sino bang hindi ma iinlove at kikiligin diba?" bawi ni Serene at napatingin sa mata ni Adonis., bigla nyang napansin na Medyo brown pala ang mata ni Adonis at makapal ang pilik mata, bigla syang humanga sa mata ni Adonis... at.. bahagyang.. napa.. nganga ang labi nya ng konti.
    "Bakit ka natulala?" tanong ni Adonis sabay ngiti na pamatay.
    "Na- nauuhaw ako?" patanong na sagot ni Serene. Muling Ngumiti si Adonis sa kanya.
    "Ay ganon ba?, tara baba na tayo sa kubo para maka inom ka na" Aya ni Adonis at naunang lumakad dahil nagpaiwan si Serene.
    Di maintindihan ni Serene ang sarili nya. 'Para akong stupidddd' yun ang naibigkas ni Serene sa isipan nya. Kanina lang defensive sya masyado sa nasabi nya about sa story nya tapos sa isang iglap, may naramdaman syang kakaiba ng makita nya yung mata at ngiti ni Adonis.
    "Tara na Serene," tawag ni Adonis, tsaka lang natauhan si Serene at sumunod sa binata. Medyo nagulat sya ng hawakan ni Adonis ang kamay nya kaya bigla nyang binawi ito. Nagka titigan sina Adonis at Serene pero agad ding iniiwas ni Serene ang tingin nya sa binata., Hindi naman manhid at mapag samantala si Adonis, naramdaman nyang nailang si Serene sa nagawa nya kaya bumaba nalang sila ng bundok na hindi inaalalayan ni Adonis ang dalaga pero kahit ganuon ay maya't maya parin nyang tinitingnan ang dinadaanan ng kaibigan para hindi ito madulas.
    Habang hinihintay nilang maluto ang gabing pinitas nila ay kanya kanya naman sila ng ginagawa. Mas pinili ni Serene na tulungan si Raph sa pag luluto. Pag dating na pag dating nila Serene at Adonis sa kubo ay dumiretso na lang ang dalaga sa kinaroroonan ni Raph kaya feeling talaga ni Adonis ay naiwas sa kanya si Serene. Sina Alyza at Summer naman ay puro selfie samantalang si Eugene at Adonis ay nag lalaro ng dama gamit ang tansan,
    Habang nag lalaro ng dama ay sa tuwing titira na si Eugene ay syang pasimpleng tingin naman ni Adonis kay Serene, hindi nya alam ang ibang dahilan ng pag iwas ni Serene sa kanya kundi nung bigla nyang hinawakan ang kamay ng dalaga para sana alalayan sya pababa, wala naman syang masamang intension sa dalaga pero naiintindihan nya kung bakit ganon ang reaksyon ng dalaga.
    "Kakain na!!" tawag ni Raph, "Serene, ibigay mo sa kanila yung mga plato" utos ni Raph. Isa isang binigyan ni Serene ng plato ang mga kasama nya at ng palapit sya upang bigyan ng plato si Adonis ay labis labis ang kabang nararamdaman nya, alam ni Adonis na nate-tense sa kanya ang dalaga hindi naman sya manhid para hindi maramdaman yun kaya ng mapadaan si Eugene sa harap ni Adonis ay biglang inagaw nito ang platong hawak ni Eugene.
    "Akin yan-" wala namang magagawa si Eugene dahil inagaw na ni Adonis.
"Bakit ba ang lulupit ng mga tao sakin?" tanong ni Eugene, "Serene, pahingi nga ako ng plato" Ibinigay na lang ni Serene ang plato na dapat sana ay para kay Adonis.
    Biglang nakita ni Adonis na papalapit si Ammang Janus sa kanila.
    "Ammang, tara po kain tayo" Pag aaya ni Adonis. "Nasan po sina Mamang Moon at sina Jenas?" tanong nito.
    "Ay, nandoon pa sa itaas, kukuha na lang ako ng kanin at ulam iaakyat ko nalang duon sa manggahan at gusto makakuha ni Jenas ng maraming mangga, ibebenta daw nya sa La Union, duon sa suki nyang dinadayo ng turista" wika ng matanda.
    "Ang galing talaga sa business yan si Jenas Ammang, high school pa lang negosyo na ang iniisip, idol ko talaga sya" pag pupuri ni Adonis sa Apo ng matanda.
    "Kaya nga eh, mabuti na lang at nagka apo kami ng ganon ka responsible at ka sipag" sagot ng matanda habang nag sasandok.
    "Nasa pag papalaki nyo yan Ammang, responsible at masipag ka rin po kasi" puri ni Adonis.
    Nang maka alis na si Ammang Janus ay lumapit naman si Alyza kay Raph.
    "Bakit si Jenas ang nag nenegosyo? Nasaan si Tito Kierr?" tanong ni Alyza kay Raph.
    "Sa Farm sila naka toka kasama si Auntie Arabella" sagot ni Raph.
    "Ah, kaya pala" sagot ni Alyza.
    "Alam nyo bang hinahangaan ng lahat ng tao ang love story nila Ammang Janus at Mamang Moon?" tanong ni Eugene.
    "Sounds interesting yung sinabi mo ah, mag kwento naman kayo" wika ni Summer. Biglang may naisip si Raph na magandang idea.
    "Ano kaya kung mag latag tayo ng blanket jan tapos mag kwentuhan tayo?" suggest ni Raph.
    "Raph napapansin ko ang hilig mo mag latag, makakabuntis ka talaga ng maaga nyan" biro ni Alyza.
    "Wag ganon, bad yun" sagot ni Raph at nag simula ng mag latag, dahil iisa lang ang mahabang unan ay nag isip sila ng set up para hindi sila mag agawan sa unan, lahat ng ulo nila ay nakaunan pero ang higa ay pataliwas, ang mga paa ng mga binata ay pa north at ang mga paa ng mga dalaga ay pa south, pero ang nakakailang lang ay, si Adonis at Serene, magkatabi sila ng ulo. Si Eugene katabi si Raph, si Raph katabi si Adonis, Si Adonis yung ulo nya katabi ng ulo ni Serene, si Serene naman katabi si Summer at si Summer katabi si Alyza,
    "Summer mag palit tayo" bulong ni Serene kay Summer.
    "eeh! Ayoko nga di ko naman close si Adonis, diba kayo close nyan?" bulong ni Summer.
    "Edi mag tabi kayo ni Eugene kasi kayo yung super close" bulong ulit ni Serene
    "Wow ha," sagot ni Summer, ayaw pumayag ni Summer, gusto kasi nya katabi si Alyza kasi puro sila selfie. "Kwento na Raphael!" biro ni Summer.
    "Ngek! Tatay ko yun hahah!" sagot ni Raph.
    "Ako na unang mag kukwento" sabat ni Eugene.
    "Ayusin mo yung kwento mo ah," wika ni Summer.
    "Wala ka talagang tiwala sakin no?" tanong ni Eugene.
    "Barbero ka kasi, ang lakas mo maka gawa ng kwento" sagot ni Summer.
    "Ganito kasi yun," wika ni Eugene sabay tapik sa braso ni Raph "Ikaw na nga mag kwento."
    "O diba?! Damuho ka talaga" wika ni Summer.
    "Alam nyo bang dapat na mapapangasawa ng Lolo Kiel nyo ay si Mamang Moon?" tanong ni Raph. Halata ang pagka bigla nina Serene.
    "Weh? Di nga?" di makapaniwalang tanong nina Alyza at Serene.
    "May sulutan ba?" pabirong tanong ni Summer.
    "Hahah!" tawa ni Eugene. "Kusang loob nga yung bigayan ng magkapatid eh" biro ni Eugene.
    "Dapat kasi ikakasal si Mamang Moon kay Lolo Kiel dahil sa arrange marriage, pero nuong araw ng kasal nag panggap si Mamang Sun bilang Moon dahil ayaw nyang masaktan si Mamang Moon, Mahal kasi ni Mamang Moon si Ammang Janus." Paliwanag ni Raph.
    "Buti pumayag si Mamang Sun na mag sacrifice." Wika ni Alyza.
    "Mahal kasi ni Mamang Sun si Lolo Kiel, tsaka, nuong umamin si Mamang Sun kay Lolo Kiel na hindi sya si Moon hindi nagalit si Lolo Kiel kasi Napamahal na rin sa kanya si Mamang Sun." sagot ni Raph. "Ang problema lang kasi, yung Papa nila Mamang Moon ayaw kay Ammang Janus kasi mahirap lang nuon si Ammang."
    "Oo nga, Sobra sakripisyo nyan ni Ammang mapapayag lang yung Ama nila Mamang Moon." Sabat ni Eugene.
    "Wait, wait, wait, tanong ko lang ah, bakit ang dami nyong alam tungkol sa family history namin?" Tanong ni Summer.
    "Ininterview namin sila tapos isinadula sa school" sagot ni Raph.
    "Yung isinadula namin yung story ang daming naiyak lalo na nuong unang taon ng relasyon nila Ammang at Mamang Moon ay masasabi nating hindi talaga maganda at wala kang kasiguraduhan kung mag wo-work kasi, 3 months long distance, 9 months long distance without any communication" pasimula ni Raph.
    "Ha? without? As in walang communication?!" gulat na tanong ni Alyza.
    "Di ko kaya yun" sagot ni Summer.
    "Nung nag acting nga kami nila Adonis, hirap na hirap si Adonis I act yung character ni Ammang Janus kasi heavy drama hahah!" pang aasar ni Eugene.
    "Meron naman pero mga minute lang tapos patago, yung 9 months na yun kasi, nag training si Ammang sa isang secret na trabaho, bawal cp at dalaw don, buti na lang yung time na yon, tapos na sa training yung Lolo ko, naging magkaibigan sila kaya yung Lolo ko yung nag pupuslit ng cp sa kwarto ni Ammang para pansamantalang makausap si Mamang, and then.." di tapos na kwento ni Raph.
    "Wow English! And Then." Sabat ni Eugene.

Sa House...
"Nang malapit nang matapos yung training ni kuya Janus, mga one week nalang yun eh, eto namang si ate di pa nilubos yung pag titiis at naki pag break. Two months nag break sina Ate Moon at kuya Janus" kwento ni Mamang Sun kay Serene habang nag aayos ng mga platong hinugasan, hating gabi na yon at silang dalawa na lang ang gising sa buong bahay, Napakinggan na ni Serene ang buong kwento ng Lola Moon at Lolo Janus nya pero mas gusto nyang marinig iyon sa mas may nakaka alam, kung pwede lang sana nyang kausapin ang Lola Moon nya pero nahihiya sya dahil hindi naman nya ito masyadong kilala. "Nag break sila dahil napagod si Ate kakahintay kay Kuya Janus, yung 6 months na pangako kasi ay naging 9 months, pero nang makapag isip isip si ate ay nag lakas loob siya, nag baka sakali at nakipag balikan kay kuya" kwento ni Mamang Sun.
"Hindi po ba naisip ni lola Moon na bumalik kay lolo, Kiel?" Tanong ni Serene.
    "Hindi. Mahal ko si Ate at mahal nya Ako kaya di namin hahayaan na, saktan ang isat isa" sagot ni lola.
    Hanggang sa pag higa ni Serene sa higaan ay paulit ulit na natakbo sa isip nya ang Love Story nina Moon at Janus, hanggang sa pumasok sa isip nya yung unang na inlove si Mamang Moon kay Ammang Janus, yun yung time na na love at first sight si Mamang Moon sa mata ni Ammang Janus., Maya maya naalala nya yung mga mata ni Adonis.
    Biglang bumalikwas sa higaan si Serene at umiling iling, "Hindi naman siguro" wika nito sa sarili nya at humiga muli pero kahit anong pikit nya ay nag sink in talaga sa isip nya yung mga mata ni Adonis.

#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon