𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 7

52 2 0
                                    

"Ikaw na kasi madami kang friends eh, bali dalawa ipapakilala mo bawat term while isa lang sakin" Paliwanag ni Serene.
    "Okay sige, Hmmm, kanino ba ako mauuna? Ahm, si Eugene na lang. Pinsan at best friend ko yan si Eugene, mas matanda ako ng isang taon sa kanya. Mabait naman yan kaso malakas lang kasi mang asar ng babae kaya siguro wala pang Gf yan hanggang ngayon. Pero may pagka torpe kasi yan nahihiya manligaw ewan ko ba jan. tapos si Raph naman, ka edad ni Eugene pero itinuturing naming bunso kasi parang bunso talaga, isa rin yang mabait, actually lahat sila mabait ah, pero the best si Raph. Parang kapatid na ang turing namin sa kanya, inampon na nga sya ni mama kaya lagi naming kasama" kwento ni Adonis.
    "Wala na syang parents?" tanong ni Serene.
    "Meron pa, pero madalas kasi sa bahay yan kaya itinuring ng anak ni mama at papa" sagot ni Adonis.
    "Ah, ako naman" wika ni Serene na tila nilalamig na kaya tinanggal ni Adonis ang suot nyang jacket at ibinalot sa likod ni Serene. "Ay thank you ah"
    "You're welcome" naka ngiting sagot ni Adonis.
    "Ok, turn ko na, unahin ko si Alyza tutal Pinsan ko rin sya. Si Alyza, maka Mommy Sharina talaga yan, mas pinili nya yung mama ko kaysa sa papa nyang si Tito kifer kaya like sa pag turing mo kay Raph, parang kapatid ko na rin si Alyza, more than cousin talaga ang turing ko sa kanya. Kanina kaya nasabi ko na mailap sa lalaki si Alyza kasi ayaw nyang makakilala ng tulad ni Tito Kifer, arrange marriage kasi ang Mommy at Daddy nya, habang pinagbubuntis ni Tita Meg si Alyza naka buntis din ng ibang babae si Tito, Yung babaeng mahal nya talaga. Manganganak na si Tita Meg kay Alyza non kaso mas pinili ni Tito Kifer yung mama ni Aluza kaya ayun galit si Alyza kay Aluza." Kwento ni Serene.
    "Kaya pala parang ayaw nyang kausapin si Aluza." Wika ni Adonis.
    "Oo, sabay kasi silang ipinanganak. Kakaiba nga eh ang sabi ni Mommy same month ang kabuwanan nila Tita Jen at Tita Meg ibig sabihin parehong buwan din sila nabuntis ni Tito" pag kukwento pa ni Serene.
    "Ang tindi pala ni Tito Fer" biro ni Adonis. Natawa si Serene.
    "Wag kang gumaya don ha?" babala ni Serene.
    "Oo naman" sagot ni Adonis.
    "Sabay ng araw yung birthday nila Aluza at Alyza, mag kaiba lang ng oras at ospital. Mas inuna kasi ni Tito Kifer sina Tita Jen. Pero kahit ganon bilib parin ako kay Tita Meg, namatay ang mama ni Aluza sa panganganak kaya si Tita ang nag alaga kina Alyza at Aluza pero lumayas si Tita Meg nuong 5 years old sila Lyza kasi talagang hindi sya minahal ni Tito, palagi silang nag aaway. Iniwan ni Tita sina Lyza kay Tito at kaya nagpaampon si Lyza kay Mommy kasi hindi pantay ang pag mamahal sa kanilang magkapatid, mas paburito kasi nila si Aluza" Kwento pa ni Serene.
    "Buti nga hindi galit si Alyza kay Tito fer" ani Adonis.
    "Hindi naman, kay Aluza lang sya galit dahil siguro nag seselos? Mas close kasi si Aluza kay Tito kifer at kina Mamang diba? Pati kina Tita Solen at Tita Sabrina close sya." Sagot ni Serene.
    "Dun kasi sya lumaki," wika ni Adonis.
    "Ako naman, Si Aluza naman ang ipapakilala ko, kahit Pinsan mo yon sure ako di mo sya kilala tama ba?" tanong ni Adonis.
    "Oo, bihira lang kami mag usap ni Aluza" sagot ni Serene.
    "Si Aluza naging classmate ko yan, napaka iyakin, palagi sya binu bully at inaaway kaya kinausap namin sya na palagi namin syang ipagtatanggol basta gawin nya mga assignment at projects namin hahaha" kwento ni Adonis.
    "Yun lang!" wika ni Serene.
    "Totoo yun, sa mga mag kakaibigan sya lang ang palaging wala sa bonding kasi taong bahay talaga sya at naiintindihan namin yon. May lalaking palaging dumidikit sa kanya, medyo hindi maganda ang reputasyon sa school pero nagbago yung lalaki dahil sa kanya" natatawang kwento ni Adonis.
     "Alam nila Mamang na may umaaligid kay Aluza?" tanong ni Serene.
    "Oo naman" sagot ni Adonis. "Sino pa ba? Ahmm, si? Si Brent, matalik na kaibigan ko talaga yan. Dito kami unang nag kakilala, dati kasi mahilig kami sa trouble ni Eugene kalaban naming grupo si Brent, nung nag kaka batuhan na ng bato sabay kaming nag tago dun" tinuro ni Adonis ang malaking bato sa tabi nila Eugene at Summer. "Biruin mo mag ka laban pero iisa ang tinaguan? Nakita mo yung tahi sa ulo nya? Dala yun ng batuhan namin noon, imbes na pag tulungan namin ni Eugene ay tinulungan namin sya kaya yun buhay kaming tatlo. Yung mga nakikita nyong puntod jan, mga kasamahan namin dati yan namatay sa batuhan"
    "Kwento mo sa pagong" sagot ni Serene. Natawa si Adonis.
    "Hindi joke lang, eto talaga sementeryo na dati pa, pero yung kwento ko kay Brent totoo yun" pag tatama ni Adonis. "Cool diba?"
    "Mga trouble maker pala kayo dati kaya pala sabi ni Mamang umiwas tayo sa gulo" sagot ni Serene.n "Ako naman, about kay Summer"
    Napatingin sina Adonis at Serene kina Summer. Nakita nilang pinalo ni Eugene ang kamay ni Summer dahil bawat naiihaw na marshmallow ni Eugene ay nilalantakan ni Summer kaya walang natitira sa binata.
    "Si Summer classmate namin ni Alyza since nursery hanggang college kaya best friend kami, Mabait yan pero madaling ma pikon, may pagka mataray, suplada at prangka. Kung sinabi nyang Hipon si Yash? Aminin ko sayo totoo yun para kay Summer kasi prangka talaga sya. Minsan maarte sya minsan hindi, more on landi at pabebe pero nasa lugar naman, minsan liberated mag isip pero minsan din napaka conservative, di ko yan maintindihan eh, ugali na nya yan may pagka doble kara." Kwento ni Serene.
    "Halata naman tingnan mo, ngayon bati sila ni Eugene maya maya mag aaway nanaman tapos mag babati nanaman" sagot ni Adonis.
    "Buti nga hindi napipikon si Eugene jan eh" wika ni Serene.
    "Napipikon na sya pero hindi nya hilig pumatol sa babae" sagot ni Adonis. Biglang natahimik ang dalawa.
    "Ikaw na" turo ni Serene.
    "Ako na ba?" tanong ni Adonis. Biglang tinawag nila Raph sina Adonis at Serene. Kaya naudlot ang kwentuhan nila dahil pumunta sila sa mga kaibigan nila. "Bakit?"
    "Malapit na mag 1a.m uuwi na daw sila shone" sagot ni Raph.
    "Uwi na kami Mahal" biro ni Shone kay Adonis.
    "Ay ganon ba? Ingat kayo" sagot ni Adonis.
    "Guys, pack up" sigaw ni Shine. Habang nag liligpit sina Venice ay nag hihintay sila Adonis para sabay sabay na silang lumabas sa sementeryo.
    "Yan sina Shone at Shine mababait na bakla mga yan, di sila yung iba na bastos, lahat ng ginagawa nila alam namin at ramdam namin biro lang walang malisya, walang personalan." Pag papatuloy ni Adonis sa kwento kay Serene.
    "Eh yung dalawa na yon?" turo ni Serene kina Mavz.
    "Si Mavz yung naka pula tapos si Xerces yung matangkad, kababata namin sila at mag best friend silang dalawa." Sagot ni Adonis.
    "Yung apat na nag aayos ng kalat?" tanong ni Serene.
    "Kababata rin namin, Si Venice kilala mo na diba? Yung may tindahan? Si Gray yung kulay gray yung buhok matinik sa babae yan. Si Juvia yung maputing tahimik, Gf nya yun tapos si Yash yung nakaaway ni Summer, di talaga namin sya tropa, bigla nalang nag boom! Di ko nga alam kung paano namin naging tropa yan eh" kwento ni Adonis. Narinig ni Summer ang pinag uusapan nila Adonis tungkol kay Yash kaya nang nag lalakad na sila palabas ng sementeryo ay tinawag ni Summer si Yash.
    "Yash!" tawag ni Summer.
    "Yes?" mataray na sagot ni Yash "Bakit hihingi ka na ba ng sorry sakin?"
    "Ako hihingi ng sorry sayo?" tanong ni Summer "Gusto ko lang linawin mo yung sinabi mo kanina? Yung sampid?" tanong ni Summer.
    "Ah yung sampid? Ikaw yun! Sampid ka lang sa tropa" sagot ni Yash
    "Ah, ok sampid ako" wika ni Summer.
    "So inamin mo?" tanong ni Yash na nag yayabang.
    "Atleast hindi ako gate crasher" sagot ni Summer.
    "Anong sabi mo?" tanong ni Yash na halatang na offend.
    "Oh, nabingi ka yata? Gusto mo ulitin ko? ATLEAST I'M NOT A GATE CRASHER LIKE YOU" pag uulit ni Summer na tagos ang sakit hanggang buto.
"Ang lakas ng loob mong sabihan akong sampid eh ikaw nga tong bigla nalang lumitaw sa tropa nila Eugene out of no where, ni wala ka ngang permiso na tanggap ka nila tapos nakiki tropa ka" pang re-real talk ni Summer.
    "Ay Agree ako jan Sis!" sabat ni Shone
    "Aray ko beh!" sabat ni Mavz
    "Kung saan ka Shone dun din ako besh mo ko eh" sabat ni Shine.
    "Tama na yan, masyado nyong pinapainit ang gabi. Ipag pabukas na natin yang away nyo baka mahimasmasan kayo" awat ni Adonis.
    Habang nasa tricycle sina Adonis, Eugene, Raph, Serene, Summer at Alyza ay pinag uusapan nila ang tungkol kay Yash.
    "Grabe ka talaga Summer! Napaka lamig ng pakikitungo mo kay Yash." Puna ni Eugene
    "Feelingera kasi eh" sagot ni Summer.
    "Maldita ka kasi eh" wika ni Eugene.
    Nang makarating sila sa bahay ay nadatnan nilang gising pa ang mga nakakatanda nilang kamag anak.   
    "Mommy bakit gising pa kayo?" tanong ni Serene sa kanyang Mommy Sharina.
    "Wala nag uusap usap lang kami." Sagot ni Sharina. "Kayo, matulog na kayo at masyado nang gabi" wika ng Mommy Sharina. "Adonis, thank you at iningatan nyo ang mga girls"
    "Wala yun Tita, thank you rin kasi pinagkatiwalaan mo kami" sagot ni Adonis. "Tito Alfi, una na kaming umuwi sa bahay"
    "Sige, mag iingat kayo." Sagot ni Alfie.
    Nang pasakay na sa tricycle ang tatlong binata ay humabol sina Serene at tinawag si Adonis.
    "Adonis!" tawag ni Serene. Tumingin ang mga binata sa kanila. Nang makita ni Eugene si Summer na pilit na lumalapit sa kanila sa kabila ng masakit na sugat sa tuhod ay,
    "Dre, paandarin mo na yung tricycle, may balak yatang mag goodnight slap si Summer sa mukha ko" pinag mamadali ni Eugene si Adonis.
    "Hoy Eugene! Kala mo nakakalimutan ko ha! asan yung isa pang pack ng marshmallow?" tanong ni Summer.
    "Wala sakin!" sagot ni Eugene.
    "Anong wala? Hawak mo kanina." Wika ni Summer "Akin na!"
    "kinain ko na kasi, bukas nalang bili tayo sa palengke" naka ngiting sagot ni Eugene.
    "Siguraduhin mo ah" wika ni Summer.
    Lumapit si Adonis kay Serene.
    "Bakit po?" tanong ni Adonis kay Serene.
    "Po? Hahah ang bait na bata naman nito. Ahm, gusto ko lang mag thank you sayo kasi nag enjoy talaga ako sa gala natin kanina" wika ni Serene.
    "Naku naman wala yun, bisita kayo kaya kami ang tour guide nyo." Sagot ni Adonis.
    "You know what, it gives me inspiration to write a novel" wika ni Serene. Ngumiti si Adonis.
    "Really?, about what?" tanong ni Adonis.
    "About, this exciting vacation. At mag eexpect pa ako ng masasaya at magagandang memories sa mga susunod pang mga araw para maidagdag sa story na gagawin ko." Sagot ni Serene.
    "Ano naman ang magiging title mo?" tanong ni Adonis.
    "Hindi ko pa alam, but I'll make sure na hindi mawawala sa title ko ang word na Happiness and week" sagot ni Serene.
    "Why don't you try, happiness in a week" naka ngiting suggest ni Adonis. Napa isip si Serene.
    "If, mag enjoy ako the whole week sa vacation, gagawin kong title yung sinuggest mo, and, I de-dedicate ko talaga sayo, Kung ha? KUNG" nakangiting dare ni Serene. "Anayways, thanks talaga kanina."
    "You're always welcome. Princess" sagot ni Adonis.
    "Ha?" tanong ni Serene.
    "Wala po!!" naka ngiting sagot ni Adonis at nag sign pa ng peace. "Sige na matulog na kayo."
    "Sige, ingat kayo sa pag uwi ha? pag mapahamak kayo magiging tragedy yung novel na gagawin ko, masisira yung career ko hahaha" biro ni Serene.
    "Oo naman mag iingat kami para sa inyo. Sige kita kits tayo bukas." Pag papaalam ni Adonis. "Good night Princess"
    "Ikaw Alyza hindi ka man lang ba mag papaalam kay Raph?" tanong ni Summer kay Alyza. Nag ngitian sina Alyza at Raph.
    "No need, pag uwi naman nyan mag cha-chat kami eh" sagot ni Alyza.
    "E, ikaw nga hindi ka marunong mag good night sakin eh," sabat ni Eugene kina Summer.
    "Edi Shing!, nag good night naman ako ah" sagot ni Summer.
    "Nag good night?! Pagkatapos mo ako gawing alila ganyan ka! Good night your Fes!" (face) nag tatampo kuno si Eugene.
    "Edi Good Night!" Madiing sigaw ni Summer "Ang arte mo"
    "Good Night Din sayo!" mas madiin na sigaw ni Eugene kay Summer.
    "Mas Good Night sayo!" madiin na madiin na sigaw ni Summer habang nag wo-walk out.
    "Pinaka Mas Good Night sayo!" madiin na madiin na madiin na buwelta ni Eugene kay Summer. Natuwa sya ng makitang sobrang naiinis na si Summer sa ginagawa nya. "Good Night! Dream of me!"
    "Che!!! Ayokong mapanaginipan ka, baka bangungutin ako!" sigaw ni Summer. Masakit man mag lakad ay binilisan na ni Summer ang pag lalakad para di na nya makita ang nakaka asar na pag mumukha ni Eugene.

#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon