𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 18

27 3 0
                                    


At dahil don, naisipan nilang dumiretso sa Mall para sana mag grocery, pero habang nag lalakad sila ay nadaanan nila ang isang restaurant at nakita ni Serene ang Boyfriend nyang si Genesis na may kasamang babae habang nakain.
    "Wait, Si Genesis ba yon?" tanong ni Alyza ng makita rin ang lalaki.
    "Hala sya! May ka date" wika ni Summer.
    "Baka business related naman" pag tatanggol ni Serene. Lumapit sila sa may halamanan para makita pa kung sina Genesis nga talaga yon.
    "Business related may binigay na flowers?" wika ni Summer
    "Diba yun yung way ng pag welcome sa guest? Sign of respect yun." Sagot ni Serene. Nakita nila na humawak si Genesis sa kamay ng babae pero saglit lang.
    "Sign of respect yung holding hands?" tanong ni Alyza.
    "Ano ba kayo nakipag shake hands lang" wika ni Serene, gusto na nyang maniwala sa hinala ng mga kaibigan nya, kahit sya ay nawawalan na rin ng pag asa at nakaka dama na rin ng kaba.
    "Shake hands eh hindi nga shinake yung hands" wika ni Summer.
    Nang nakita nilang tatlo na tumayo na sina Genesis at ang babae ay matama nila itong tiningnan, humawak sa braso ni Genesis ang babae sabay halik sa labi ng boyfriend ni Serene.
    "Aba Serene, hindi na business realated yang lips to lips ah, ano bang trabaho ng BF mo bugaw?" galita na tanong ni Alyza hinila nila si Serene papasok sa loob ng restau, nang makita ni Genesis sina Serene ay agad itong lumayo sa babae pero huli na ang lahat isang sampal sa kanang pisngi nya mula kay Alyza.
    "Para sa panLoloko mo sa Pinsan ko" galit na wika ni Alyza.
Sinampal naman ni Summer ang kaliwang pisngi ni Genesis.
    "Para sa pang gagago mo sa kaibigan ko" wika ni Summer. Nakatingin lang si Serene sa Nobyo nya, nang akmang mag papaliwanag na sana si Genesis ay sinampal naman sya ni Serene.
    "Para sa akin yan, Hindi ko alam kung bakit kinolekta ko ng basurang kagaya mo, Hindi naman ako mahilig mag recycle" mahinahong wika ni Serene. Wala namang malaking eskandalo dahil mahinahong sinugod ng mag kakaibigan ang taksil na Bf ni Serene at wala namang sigawang nagaganap, just plain sampalan mode lang, habang may shooting ay nanunuod ang ibang customer ng restaurant, pansamantalang nahinto ang mga ginagawa nila dahil nag aabang ng ilan pang eksena.
Tiningnan ni Serene ang babae, kumuha ng isang basong tubig at inihagis sa mukha ng babae. "Sayo na yang basura ko, tutal mukha ka namang trash can" wika ni Serene at nag walk out ang tatlo, iniwan sa kahihiyan ang mga taksil na tao.
    Hindi naman nasaktan si Serene, sa totoo lang hindi sya nalungkot o nasaktan, parang guminhawa pa ang pakiramdam nya nang nakipag kalas sya kay Genesis, dahil ba sa hindi nya mahal si Genesis?
    "Parang hindi ka apektado ah" puna ni Summer kay Serene.
    "Apektado ako, kaya nga bigla akong ginutom eh, gusto kong lumamon ng junkfoods at lumaklak ng softdrinks" sagot ni Serene. "tara, mag grocery tayo. Hindi ko lang talaga matanggap na pinag palit ako ni Genesis sa isang hipon."
    Habang nag go-grocey sila ay pumunta sila sa meat section.
    "Girls, mag Barbecue tayo, I celebrate natin ang muling pagka buhay ni Serene after malibing sa 3 years na boring relationship!" masayang wika ni Alyza. Nang namimili na sila ng ipang babarbecue nila ay nakita ni Summer ang boyfriend nyang si Kent na nag go-grocery din,
    "Girls, wait nakita ko si Kent" wika ni Summer pupuntahan sana nya ang boyfriend nya pero napa hinto sya dahil nakita nyang may lumapit na babae dito at humalik sa labi ng boyfriend.
    "Kanina ka pa?" tanong ng babae,
    "Medyo, kumuha na ako ng ibang ingredients para sa handa natin. Happy Monthsary Babe" bati ni Kent sa babae nya.
    "Happy Monthsary Babe?" tanong ni Summer mula sa likod. Pag lingon ni Kent ay nakita nya sina Summer, Alyza at Serene na masama ang tingin sa kanya.
    "Honey, bat nandito ka?" tanong ni Kent.
    "Hindi ako ang Honey mo! Ako ang Heart mo!" sagot ni Summer.
    Halatang naguluhan ang babae ni Kent.
    "Sinong Honey? Sinong Heart?" tanong ng babae.
    "Ako yung heart nya, ikaw yung babe nya, ewan ko kung bukod sa ating dalawa ay may iba pa syang babae kasi may honey pa sya eh" wika ni Summer.
    "Babe, pumunta ka na sa counter kakausapin ko lang sila" wika ni Kent.
    "Kausapin mo mukha mo!" wika ng babae at sinampal si Kent. "Were Done!" nag walk out ang babae at iniwan si Kent.
    "Talk" utos ni Summer.
    "Babe," wika ni Kent.
    "Hindi ako ang babe mo, nag walk out na yung babe mo!" sagot ni Summer.
    "Honey, ..heart listen, I don't love her, she's just my pampalipas oras. Mas mahal kita babe, .. heart" Paliwanag ni Kent.
    "kailan mo pa ako niLoloko?" Tanong ni Summer.
    "Last week lang naging kami" pag sisinungaling ni Kent.
    "Last week lang pero Happy Monthsary yung bati mo? Kailan pa naging Monthsary ang Weeksary? Kent alam mo ang babae parang pulis yan, hindi maniniwala hanggat walang ebidensya, Ang mga lalaki parang criminal yan, Huli na ayaw pang umamin!" wika ni Summer.
    "Babe, makinig ka" wika ni Kent.
    "I'm not your Babe!" wika ni Summer sa taksil na nobyo at kumuha ng isang parte ng karne at isinampal sa mukha ni Kent. "Yan nalang ang gawin mong Babe! Tapos na tayo!" Minahal ni Summer si Kent pero hindi naman sobra, One year mahigit naging mag on ang dalawa pero wala syang panghihinayang sa break up nila, si Summer ang tipo ng babae na matalino pag dating sa pag ibig, Tulad ni Serene masyado syang advance mag isip sa pag pasok sa relationship, pero ang pag kakaiba nila, in a positive way ang pag iisip ni Summer, planado, may Plan A to Plan Z, kahit gaano nya ka mahal ang tao, hindi naman sya sobrang masasaktan, Sya kasi yung tipo ng babaeng hindi nag I invest sa relationship kaya kung may break up man na ganap ay hindi sya iiyak sa pang hihinayang, iiyak man sya dahil masakit, hindi naman sobrang hapdi sa puso ganon sya mag isip.
    "Are you okay?" tanong ni Alyza habang nakahawak sa balikat ni Summer, nilingon ni Summer si Alyza.
    "Sa tingin mo?" tanong ni Summer. "Minahal ko sya kaya hindi ako okay dahil niloko nya ako"
    "Damang dama kita Sum" sagot ni Serene.
    "Ako hindi ko pa kayo dama" sagot ni Alyza.
    "Punta tayo sa fish pond? Dun nalang tayo mag palipas oras" aya ni Alyza.
    Habang nag lalakad sila papuntang fishpond ay may napansin si Alyza, Bakit ganon? Di man lang sobra umiyak si Summer at Serene? Break up yon. Hindi madaling desisyon ang break up, may masasaktan at masasaktan pero bakit yung dalawa nyang kaibigan ni hindi man lang umiiyak?
    "Sure ko lang ah, kayo ba, mahal nyo ba talaga ang mga Bf nyo?" tanong ni Alyza at umupo sa isang upuan malapit sa fishpond, umupo rin ang dalawa niyang kaibigan.
    "Oo naman, 3 years kayang naging kami ni Genesis" sagot ni Serene.
    "Bakit hindi ka umiyak?" tanong ni Alyza.
    "Bakit ako iiyak? Nakita kong niLoloko ako, hindi nya deserve ang precious tears ko. Madaming lalaki jan sa tabi tabi, tsaka, kahit mahal ko sya kung hindi nya ako mahal may magagawa ba ako?" Paliwanag ni Serene.
    "How about you Summer? Bakit hindi ka umiyak, nalungkot ka lang pero hindi ka umiyak?" tanong ni Alyza. "Mahigit one year din kayo ni Kent, sayang yun"
    "Walang sayang dun Alyza, para sakin Love is like a business, mamumuhunan ka, mag pupundar ka, ang output it's either lalago yung pinuhunan mo or malulugi ka. Hindi ako nag iinvest ng malakihan sa relasyong pinapasukan ko, kaya kung masira man yong relationship na binuo ko, hindi ako mang hihinayang. Gets? Ikaw ba iiyak ka ba pag makita mo si Yao na may babae?" Paliwanag at tanong ni Summer.
    "Hindi no!, wala pa nga kaming one month ni Yao, hindi pa ganon kalalim yung love ko sa kanya, baka pag makita ko sya at yung babae nya bugbogin ko pa sila" Nakangiting sagot ni Alyza, bigla nyang nakita si Yao na may kasamang babae, ka holding hands at may bitbit na baby na mga 6 months na siguro "Oh my God! Si Yao ba yon?" gulat na tanong ni Alyza. Tiningnan nila Summer at Serene yung direksyon na itinuro ni Alyza.
    "What the F!" (EF!) sigaw ni Summer. "May pamilya na si Yao?" tanong nito.
    "Aba malay ko!" sagot ni Serene, "Tara Alyza puntahan natin"
    "Ayoko! Kayo na lang, nanghihina yung tuhod ko" mangiyak ngiyak na wika ni Alyza.
    Nag pasya sila Summer at Serene na lumapit sa kinaroroonan ni Yao ng ng babae, nag panggap silang dating classmates na nakasalubong lang.
    "Oh My Gosh Yao! Is that you?" Biglang wika ni Summer kina Yao. Nagulat si Yao sa nakita,
    "Sum-Summer, Serene kayo pala" nauutal na sagot ni Yao.
    "Sino sila Mahal?" tanong ng babae. Ngumiti si Summer sa babae at hinawakan ang kamay ng babae para pakunwaring I shake hands,
    "Ah, high school classmates ni Yao, Misis ka nya?" plastic na ngiti ni Summer sa babae.
    "Oo, eto pala yung babay namin si Zaf" pakilala ng babae sa anak nila.
    "Oh, really may anak na pala si Yao hindi man lang ina update sa facebook nya" plastic na ngiti parin ni Summer pero nakatingin kay Yao na parang gustong pumatay ng tao.
    "Hindi kasi ako nag fe facebook" sagot ni Yao. Pero kinakabahan na baka mag eskandalo.
    "Ay ganon ba? Kaya pala hindi namin alam, kailan kayo ikinasal?" tanong ni Serene sa babae.
    "2 years ago pa," sagot ng babae
    "Ay bat ngayon lang kayo nagka baby?" tanong ni Summer.
    "Hindi kami agad nabiyayaan, buti nga nagka baby na kami" masayang wika ng babae.
    "Ay baka naman hindi kay Yao yan ha?" biro ni Summer.
    "Bakit nyo naman nasabi yan? Kay Yao to" naiilang na sagot ng babae.
    "Alam mo kasi may sasabihin kami sayo, sekretong malupit ni Yao to, friendship kasi kami nyan nuong high school to college kaya marami kaming alam sa asawa mo" wika ni Summer habang hawak ang kamay ng babae.
    "Girls naman wag nyo ako ibuko sa misis ko" plastic na tawa na may halong nerbyos ang tono ng boses ni Yao.
    "Bakit nahihiya ka bang malaman ng asawa mo? Siguro naman matatanggap ng asawa mo yung secret mo kasi Mahal ka nya diba?" wika ni Summer sabay tingin sa babae "Diba mahal mo yung asawa mo?"
    "Oo naman" naka ngiti pero nag tatakang sagot ng babae.
    "Edi tanggap mo yung sekreto ng asawa mo?" tanong ni Summer.
    "Ano ba yung secret nya?" pilit na ngiti ng babae at halatang gulong gulo talaga.
    "Girls, next time nalang tayo mag usap" pag iiba ni Yao.
    "Hindi! dapat ngayon na," sabat ni Serene at pinandidilatan ng mata si Yao.
    "Alam mo Misis, yan si Yao may pagka baog kasi yan eh" wika ni Summer. Natawa ang babae sa sinabi sa kanya.
    "Hahah! Paano mo naman nasabi? Paano magiging baog eh nag ka anak nga kami" wika ng babae.
    "Kaya nga tinanong ko if kay Yao talaga yan diba? Pero ganito kasi yun Misis, nung college kasi yang hubby mo, may naging GF yan, si Alyza Salcedo, search mo sa Fb ah, Alyza Salcedo, yung profile pic nyan kagulat gulat, as in kahit ikaw, magugulat ka talaga. tapos eto pa, mahal na mahal ni Alyza yang hubby mo kaya ayun, madaming beses na may nagyari sa kanila tapos panay lagayan ang ganap, alam mo na yung ibig sabihin ko sa lagayan ah" kwento ni Summer, Napa face palm lang si Yao samantalang hindi na maipinta ang mukha ng babae sa sobrang kalituhan sa pinag sasabi ni Summer, si Serene naman ay napapangiti ngiti lang. "Censored kasi may baby baka maintindihan, eto pa misis ang kataka taka, panay lagayan ang katapusan ng cloud9 pero hindi nya mabuntis buntis si Alyza, kataka taka diba?"
    "Di ko maintindihan kung bakit mo kinukwento yan pero tulad nga ng sinabi mo pag mahal mo tatanggapin mo yung mga sekreto sa nakaraan, Bakit ka pa mag tataka baka naman nag wi-withdraw" sagot ng babae.
    "Hindi nga pwede mag withdraw kasi nga may lagayang nagaganap" wika ni Summer at hinigpitan ang pisil sa kamay ng babae "Ang lambot pala ng kamay mo, kaya pala hindi kayang bitawan ni Yao" nakangiti nitong puri.
    "Baka nag pi-pills" wika ng babae.
    "Ay hindi, hindi nag pi-pills yon" sagot ni Summer.
    "Paano mo naman nalaman?" tanong ng babae.
    "Mga BFF's nga kami nila Yao, nila Alyza, alam mo na walang lihiman sa friendship diba." Sagot ni Summer.
    "Baka nag pa ligate" wika ng babae.
    "Ay mas lalong hindi Ateng! Sige bye bye na muna, marami pa kaming gagawin eh, I search mo si Alyza Salcedo ah" wika ni Summer. "Pero Misis, baog talaga yang asawa mo, pero buti na lang uso ang himala diba?"
    Lumapit si Serene kay Yao at bumulong dito. "Wag ka nang mag papakita o mag paparamdam sa Pinsan ko, alam nya ang nagyayari ngayon dahil naka tingin sya satin. Pasalamat ka uso ang himala, hindi kami nag amok dito, Mag bago ka na Yao, For God's sake" bulong ni Serene at tumingin sa mag asawa. "Ciao!" pag papaalam nila.

#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon