𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 8

44 4 0
                                    

Nang nasa kwarto na sila napansin ni Summer na nag bukas ng laptop si Serene.
    "Grabe pala ang Pamamanhikan dito sa inyo no?" Tanong ni Summer.
    "Bakit naman?" tanong ni Serene.
    "Parang ubusan ng ari arian eh, biruin mo tinanong ng family nyo if may Bahay na ba si Tito Alfie, may mga baka ba sya or what ever? Nakita ko nga parang nasa hot seat si Tito kasi tagaktak yung pawis nya, ga munggo pa hahah" sagot ni Summer.
    "Sinigurado lang nila na may napundar na, sa pag kakaalam ko kasi 5 years na silang mag On ni Tita Solen kaya dapat may naipon na diba? Para sa pag buo ng pamilya." Paliwanag ni Alyza habang nakikipag chat.
    "Eh para saan naman yung mag papakain sa buong barangay?" tanong ni Summer.
    "Di kasi nakikinig eh, puro pag kain ang laman ng isip kanina." Puna ni Alyza.
    "Excuse me gutom na gutom na kasi ako" sagot ni Summer.
    "Live in kasi sila Tito Alfi at Tita Solen for 4 years, imposible namang walang nangyari sa kanila diba? For security yun ni Tita Solen kaya napag kasunduan yung mag papakain sa buong Barangay, ganito kasi yung deal, pag hindi panagutan ni Tito Alfi si Tita at hindi makasal ang dalawa next year mag babayad ng danyos yung family nila Tito Alfie plus, mag papakain sila sa buong barangay nila, at buong barangay namin." Paliwanag ni Serene.
    "Ayun! Talagang hindi hahayaan ni Tito Alfi na di matuloy ang kasal, I'm sure pag mangyari yun sa kangkungan sila pupulutin dahil mamumulubi sila." Wika ni Summer.
    "Ow-Pi" expression ni Alyza.
    "Korak" sagot ni Serene.
    "What are you doing?" tanong ni Summer.
    "Nothing, just checking may e-mails" sagot ni Serene.
    "Speaking of e-mails, hoy Alyza! Kumakarat ka nanam jan ah, ang bilis mo talaga pag dating sa micro" puna ni Summer kay Alyza.
    "Haha!, Inggit ka lang!" sagot ni Alyza.
    "Niligawan ka na ba agad ni Raph?" tanong ni Serene.
    "Hindi no, gumawa kasi ng GC si Shone, mag kaka chat nga kami ngayon eh, hinaharot talaga nila si Mavz" sagot ni Alyza.
    "Ikaw Summer? Kanina palagi kayong magkasama ni Eugene, ang sweet nyo pati" puna ni Serene.
    "Hindi rin no! hindi ko yun sasagutin if ever na ligawan nya ako! Nakaka beastmode sya. He's just my personal alalay" sagot ni Summer.
    "Bakit pumunta kayo sa damuhan?" tanong ni Serene.
    "Oh My Gosh Summer! Sinurender mo na yung virginity mo? Nag chuk-chak-chenes na kayo?" O.A na tanong ni Alyza. Sinipa ni Alyza ang kama sa ibabaw ng higaan nya.
    "Ang dumi mo! Parang kang si Eugene green minded! Nag pasama lang akong umihi no! mga green minded kayo!" depensa ni Summer. "Baka ikaw Serene, solong solo nyo yung log sa ilalim ng puno ah"
    "Nag kukwentuhan lang kami ni Adonis" sagot ni Serene.
    "Ows? Kaya pala princess tawag nya sayo kanina" parang ayaw maniwala ni Summer.
    "Accident lang nyang nasabi yon" deny ni Serene.
    "Accident? Dalawang beses inulit?" pilit ni Summer.
    "Ah, baka naman kwentuhan about sa future nyo?" biro ni Alyza.
    "Kwentuhan about sa inyo. Kasi tong magaling na Summer na to nang away ng hipon kaya iyon, di tayo na pakilala ng maayos." Sagot ni Serene.
    "Naku yung hipon na yon! Ano kayang nagustuhan ng BF nya sa kanya Di na nga maganda yung mukha pati ugali plakda" Naiinis na wika ni Summer.
    "Bakit sino ba yung Bf nya?" tanong ni Alyza.
    "Yung lalaking kulay gray yung buhok." Sagot ni Summer.
    "Ha?" nabiglang tanong ni Serene. "Hindi Bf ni hipon si Gray"
    "Anong hindi? Nakita ko sila ni Hipon magka holding hands kanina habang nakaupo silang apat sa blanket." Sagot ni Summer.
    "Sabi ni Adonis yung Gf ni Gray ay si Juvia. Yung maputi na tahimik lang, yung hindi nag sasalita" wika ni Serene. Umupo sa kama si Alyza.
    "I smell something fishy about Yash" sabat ni Alyza "And also Gray" Bumaba si Alyza sa kama nila at tumabi kay Serene sa kama nito. Sumunod din si Summer kay Alyza at nag tabi tabi silang tatlo sa malaking kama.
    "Kanina after kong umihi habang pinapasan ako ni Eugene nakita ko sina Gray at Yash naka patong ang kamay ni Gray sa kamay ni Yash" Paliwanag ni Summer.
    "Yung totoo Summer baka naman gumagawa ka lng ng kwento dahil galit ka kay Yash" paninigurado ni Serene.
    "Hindi nga, nag sasabi ako ng totoo Serene. I swear! Madapa man si Eugene" sagot ni Summer.
    "Hindi ko napansin na magka hawak sila ng kamay, ang nakita ko lang si Venice katabi si Yash, tapos si Yash katabi si Juvia, then Katabi ni Juvia si Gray" wika ni Serene.
    "Ako kitang kita ko sa likod ni Juvia magka patong ang kamay nila." Sagot ni Summer.
    "Siguro may affair sila, imposible namang accident lang na nagka patong kamay nila diba?" tanong ni Alyza.
    "Oo tsaka if di sinasadya yun dapat nagka hiyaan agad sila." Gatong ni Summer. "At tinanggal ang pag kakapatong ng kamay sa isa't isa., naku naku yung hipon na yon! Isa rin pa lang malansang isda!" nanggigigil na wika ni Summer.

#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon