𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 16

26 3 0
                                    

Simula ng mapag usapan nila Serene at Adonis ang Love something ay hindi na mapakali si Serene, nasabi nya kina Summer at Alyza ang buong pangyayari, Nahalata naman nila Summer at Alyza na seryoso sa sinabi si Adonis pero ayaw paniwalaan ni Serene ang mga kaibigan, Hindi nya maintindihan sa sarili nya, mas nanghihinayang siya na masira ang pag kakaibigan nila ni Adonis kung sakaling mag break sila kaysa sa I try kung mag wo work ang relasyong bubuuhin nila. Masyado kasing advance mag isip si Serene, sa sobrang advance ay pati negative possibilities ay naiisip nya at isinasantabi ang mga positive na pwedeng mangyari.
    Three months before ang wedding ng Tita Solen nya ay may nangyari. Biglaan at kagulat gulat ang balitang nasagap nya mula sa Mommy nya.
    "What?! Hindi tuloy ang kasal nila Tita Solen?!" sabay na sigaw nila Serene at Alyza.
    "Oo" problemadong wika ni Sharina sa mga anak.
    "Bakit daw Mommy?" tanong ni Serene.   
    "Nahuli daw ni Tita mo na may babae, di lang sure kung nakabuntis ang Tito Alfie mo" sagot ni Sharina. Nakadama ng galit si Serene sa pamilya ng Tito Alfie nila Adonis, at hindi nya alam kung bakit nadamay din sa galit nya ang walang kamalay malay na si Adonis.
    Halos isang linggong hindi sinasagot ni Serene at lahat ng tawag at text ni Adonis, di rin nya nirereplayn ang messages ng binata sa fb at messenger hanggang isang araw ay nag sawa na si Serene na iwasan si Adonis.
    "Hello bakit ka ba tumatawag?" rude ang tono ni Serene sa kausap.
    "Na miss kasi kita kausap" masayang tono ng boses ni Adonis.
    "Na miss mo mukha mo!" galit na sagot ni Serene.
    "Awtz! Grabe ka naman Fire, Mukhang beastmode ka ngayon ah" wika ni Adonis, akala nya ay nakikipag biruan lang si Serene sa kanya. "Wait lang, hindi pa naman schedule ng dalaw mo ngayon bakit parang irritable ka?" biro ni Adonis.
    "Pwede ba Adonis, wala kang pakialam sa schedule ng period ko, bakit ba mas memorize mo pa kaysa sakin kung kailan ako magkakaroon? It should be my job to monitor my period" Naiinis na wika ni Serene.
    "Hindi ko naman minomonitor yung buwanang dalaw mo fire, every month kasi napapansin ko same date yung pag iiba ng ugali mo basta ang hirap I explain kaya alam ko kung kailan ka meron o wala" Paliwanag ni Adonis.
    "Wag mo na kasing pansinin, Boyfriend ko lang ang may karapatang pumansin ng ugali ko every month" inis na wika ni Serene.
    "Bakit? Boy Friend mo naman ako ah, Boy na Friend" sagot ni Adonis na tila nag eenjoy sa pang aasar kay Serene.
    "I mean, Boyfriend, lalaking karelasyon!" sigaw nito.
    "Oh! Kalma ka lang, wala ka pa namang boyfriend eh" sagot ni Adonis.
    "Sinong nag sabi sayo? May boyfriend na ako okay?!" wika ni Serene.
    "Sus? Maniwala?" ayaw paniwalaan ni Adonis ang sinabi ni Serene.
    "Edi wag kang maniwala" sagot ni Serene.
    "kailan pa?" tanong ni Adonis.
    "Simula nung hindi ko sinasagot yung mga tawag mo, alam mo Adonis, ayoko na kasing magkaroon tayo ng connection kaya iwasan nalang natin ang isa't-isa okay ba yun sayo?" tanong ni Serene.
    "Sa tingin mo okay yun?, gusto mong mag iwasan tayo ng wala namang dahilan? Pwede naman tayong maging magkaibigan kahit may Bf ka na diba?" tanong ni Adonis.
    "Pwede, pero ayoko na nga, ayaw na kitang maging kaibigan." Sagot ni Serene.
    "Bakit naman? Wala naman akong nagawang masama sayo diba?" tanong ni Adonis.
    "Ikaw wala, pero yung Tito Alfi mo meron. May aaminin ako sayo Adonis ha? Matagal na kitang gusto, Oo may gusto ako sayo nuon pa, nuong nandyan pa ako gustong gusto kita hindi bilang kaibigan pero bilang BF, pero umiwas ako, tinago ko yung feelings ko dahil natatakot ako na baka isang araw mag break tayo at mawala lahat ng tiwala ko sayo, and Bwala! Buti nalang tama ang instinct ko, see? Mag kaibigan nga lang tayo pero sirang sira na ang tiwala ko sayo." Paglilinaw ni Serene.
    "Ano bang ginawa ng Tito ko sayo at pati tiwala mo sa akin nadamay?" tanong ni Adonis.
    "Yung magaling mong Tito, niloko ang Tita Solen ko, ikakasal na nga lang lahat lahat mambababae pa?! Gawain ba yun ng matinong lalaki ha?!" galit na sagot ni Serene. "Ilang taong hinihiling ng Tita Solen ko sa bawat panalangin at panata nya na maikasal sa lalaking mahal nya buhat nang mamatay ang unang nobyo nya tapos anong gagawin ng Tito mo? Sasaktan lang sya?! Mabuti nalang talaga at hindi ko inaming may nararamdaman din ako sayo dahil kung mag kataon baka pati ako niLoloko mo na rin"
    "Wag mo akong itulad sa Tito ko, kung may nagawa man syang mali, labas ako dun, hindi kami pare-pareho ng ugali Serene, ibahin mo ako" Paliwanag ni Adonis.
    "Pare-parehas lang kayong mga lalaki Adonis." Sagot ni Adonis.
    "Edi I expect mo na gagawin din sayo yan ng BF mo tutal lalaki rin sya diba?" pag papatukoy ni Adonis sa Mystery Bf ni Serene. "Ayoko na makipag diskusyunan sayo tungkol sa ganitong issue, Congrats nga pala sa love life mo, Don't worry from now on, hinding hindi na ako mag paparamdam sayo." Wika ni Adonis at ibinaba ang tawag nya.
    Bagamat wala nang komunikasyon sa pagitan nila Serene at Adonis ay mag friends parin sila sa facebook kaya nakikita ni Adonis ang lahat ng post at updates ni Serene sa fb tungkol sa boyfriend nito. Tulad nga ng sinabi ni Adonis ay hindi na sya mag paparamdam kaya kahit nakikita nya ang mga post ni Serene ay sini-seen lang nya ang mga ito.

After 3 weeks, nagulat si Serene sa nakita nya sa profile picture nila ng Bf nyang si Genesis, may LIKE at COMMENT ni Adonis na 'Congrats'

    Kinagabihan ay tumawag si Adonis kay Serene.
    "Akala ko ba hindi ka na mag paparamdam?" tanong ni Serene.
    "Hindi nga, diba hindi na ako nag paramdam,?" tanobng ni Adonis.
    "Lasing ka ba?" tanong ni Serene. Tumawa lang si Adonis.
    "Hindi, nakainom lang" sagot ni Adonis.
    "Kailan ka pa natuto mag inom ng alak?" tanong ni Serene.
    "Simula nong- hahah, nilayuan mo ko" lasing na wika ni Adonis.
    "Alam mo, ayoko makipag usap sa lasing. Pwede ba wag mo na akong guluhin? Baka ikaw pa ang makasira samin ng Bf ko, pag malaman nyang tinawagan mo ako mag seselos yun" wika ni Serene.
    "Oopps! Sor-rreee hahah" lasing nitong sagot kay Serene.
    "Wag ka ng tatawag, bye!" binabaan ni Serene ng tawag si Adonis pero tumawag pa rin ang binata sa kanya., "Ano ba?! Tigilan mo na ako! Wag mo na kong tawagan!"
    "Wait lang" seryosong boses ni Adonis, narinig pa ni Serene ang pag singhot ni Adonis na parang umiiyak pero di nya sure dahil di nya naman nakikita ang itsura ni Adonis. "5 minutes lang, pakinggan mo ako sa loob ng 5 minutes."
    "O sige, mag salita ka, time starts now" wika ni Serene.
    "Nasaktan ako nang sinabi mong may BF ka na, pero alam mo ang mas masakit sa akin, yung tinanggalan mo ako ng karapatan na pagkatiwalaan ako ng dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa, parang tinutusok ng karayom yung puso ko sa tuwing naaalala ko yung mga nasabi mo sa akin." Paliwanag ni Adonis at sumisinghot singhot pa, "Fire, sana maging masaya ka sa BF mo. Wag mong papabayaan ang sarili mo, pag sinaktan ka ng Bf mo wag kang mag dalawang isip na sabihin sakin ha? di ko yun bubugbugin, kakausapin ko lang, sasabihin ko, Wag nyang tratuhin na parang basura yung babaeng tinatrato kong prinsesa, Mahal na mahal kita Fire, higit pa sa kaibigan" pansamantalang natahimik silang dalawa.
    "Wala ka ng ibang sasabihin?" tanong ni Serene.
    "Wala na" sagot ni Adonis.
    "Sige papatayin ko na, Bye" wika ni Serene.
    "Bye" sagot ni Adonis. Bago pa man tuluyang mapatay ni Serene ang tawag ni Adonis ay naunahan na sya ng binata.

    Kinabukasan ay nakita ni Serene sa Facebook na in a relationship na si Adonis kay Venice at puro post na si Venice ng Picture ni Adonis na sobrang sweet, after non, napansin ni Serene na hindi na nya ma search si Adonis, naka block na pala sya sa FB ng binata pati sa fb ni Venice, ganon din sa fb nila Eugene at Raph. Pati sila Summer at Alyza ay naka block na rin, as in walang wala na talagang connection at communication.

#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon