𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 23

27 3 0
                                    

Nag e-enjoy si Serene sa love lies nila ni Adonis, simula pa lang ng palabas pero feeling ni Serene ay nasa climax na sya. Kakaiba ang pakiramdam nya sa tuwing hinahawakan sya ni Adonis sa kamay, sa tuwing inaalalayan sya, sa tuwing pinupunasan ang pawis nya sa nuo at mukha. Napaka caring ni Adonis, nanghinayang tuloy sya, sana Matagal na nya itong naranasan kung hinayaan nyang mag level up ang friendship nila 3 years ago.
    "Napagod ka ba?" tanong ni Adonis kay Serene after ng book signing.
    "Hindi naman, nag enjoy nga ako eh, ang dami pala talagang sumusubaybay ng libro ko" sagot ni Serene.
    "Tara, punta tayo sa lugar kung saan mare-relax ka" wika ni Adonis. Eto ang the best kay Adonis, mahilig mag aya- mahilig mag surprise. Muli ay inangkas ni Adonis sa motor si Serene. "Ihahatid kita mamaya sa Mercado bago gumabi pero babalik ako dito kasi may kailangan akong tapusin."
    "Pag ihatid mo ako sa Mercado talagang gagabihin tayo, tapos babalik ka pa dito? Delikado na masyado, buti sana kung may mga poste ng ilaw sa kalsada eh, wag mo na akong ihatid" wika ni Serene.
    "May tatapusin ako sa store baka gabihin ako san ka matutulog nyan?" wika ni Adonis.
    "Dun sa store, ang daming sofa sa store nyo eh" sagot ni Serene.
    "Sige, bili nalang muna tayo ng extra damit mo tsaka kumot" wika ni Adonis. Dinala ni Adonis si Serene sa isang tiyanggean. "Walang mall dito kaya tiis tiis ka muna sa tiyangge ah." Wika ni Adonis.
    "Sus! Ano ka ba, Baclaran at Divisoria lahat ng damit ko no." sagot ni Serene "yung iba nga ukay ukay pa eh"
    "Ang sarap mo palang maging Gf eh, hindi ka materialistic" biro ni Adonis. "Ano bang kailangan mo?" Dinala ni Adonis si Serene sa mga tindahan ng underwares. Nabigla si Serene nang kumuha ng pares na bra at panty.
    "My Gosh Adonis..," namumulang tapik ni Serene kay Adonis.
    "Bagay sayo tong pula na bra at panty" wika ni Adonis at itinapat ang bra sa kanyang dibdib at ang panty sa kanyang baba. Biglang nagtawanan ang mga babaeng tindera.
    "Bagay sayo Manong" sagot ng mga babae na natatawa.
    "Talaga? Isusuot ko to sa honeymoon namin ng Jal ko" biro ni Adonis.
    "Kadiri ka Jal" nagpipigil na tawa ni Serene.
    "Pili ka na Jal ng gusto mong underwear, etong pair na to pinili ko para sayo." Wika ni Adonis at pumasok pa sa loob ng store. "May tuwalya kayong tinda?"
    "Wen, Manong anong kulay ang gusto mo?" tanong ng tinder.
    "Ano bang favorite mong kulay Jal?" tanong ni Adonis.
    "Light blue" sagot ni Serene.
    "Light Blue daw sabi ni Commander" wika ni Adonis.
    After nila mamili ng pantulog ay dinala naman ni Adonis si Serene sa tindahan ng mga damit at shorts, pinapili nya ang nobya nya at nag sukat sukat sila. Tawa ng tawa si Serene dahil sinusukat ni Adonis ang mga pambabaeng blouse at fit na fit ito sa binata. Samantalang ang mga shorts naman ay bitin kay Adonis hanggang hita lang ni Adonis ang pang waist na butas ng short.
    Nagutom silang dalawa kaya dinala ni Adonis si Serene sa fastfood restaurant.
    "I take out mo nalang" utos ni Serene.
    "Bakit naman?" tanong ni Adonis.
    "Mas masarap kumain sa store nyo, okay lang ba sayo if dun tayo kumain? Ako nalang ang mag huhugas ng plato" wika ni Serene.

    "Okay, sige sige. Your wish is my command." Sagot ni Adonis. Nag order sila ng tig-2pcs na chicken at kanin, softdrinks at ice cream, humirit pa si Serene ng mashed potato dahil favorite nya iyon.
    Nang makarating na sila sa store ay nag prisinta si Serene na sya na ang mag prepare ng kakainin nila, pero bago iyon ay nag request muna sya na maliligo muna dahil nanlalagkit na sya. After nyang maligo ay isinuot nya ang underwear na pinili ni Adonis para sa kanya at pinatungan ng puting kamiseta na kita ang cleavage at bakat ang design at kulay ng undies. Habang nasa cr ay paikot ikot si Serene para I check kung okay ba ang suot nya. Tinitingnan nya sa salamin kung perfect na ba ang attire nya.
    Damit na hapit, hanggang half ng hita at kita ang cleavage? Para syang nang aakit, sabayan pa na nilugay niya ang wavy nyang buhok na hanggang dibdib. Nilapit nya ang mukha nya sa salamin at tumitig.
    "Ano ba Serene? Mukha kang nang aakit" wika nito sa sarili nya. Bigla syang nahiya sa suot nya, parang urong sulong tuloy sya kung lalabas pa sa cr o duon na lang matutulog. "Baka isipin ni Adonis inaakit ko sya?" tanong ni Serene sa sarili sabay face palm. "Tanga mo talaga Serene. Ano bang naisip ko bakit eto ang kinuha kong damit?" Naalala ni Serene na may binili pa palang blouse at short si Adonis para sa kanya, pero naiwan nya ito sa inupuan nila kanina, ipapakisuyo sana ni Serene kay Adonis na dalhin ang damit pero wala si Adonis kaya sya nalang ang pumunta para kunin. Habang kinakalkal nya ang plastic ay biglang nag salita si Adonis.
    "Matutulog ka na?" tanong ni Adonis. Nagulat si Serene at napaupo sa couch.
    "Hindi." Kabadong sagot ni Serene at tinakpan nya ng buhok nya ang cleavage at hinihila ang suot na kamiseta para maging hanggang tuhod. Napansin ni Adonis na hindi komportable si Serene sa suot nya at parang nahihiya ito kaya nag biro si Adonis.
    "Ang cute ng damit mo" wika ni Adonis. "Type ko syang suotin, gusto mo palit tayo?" alok ni Adonis. Biglang natawa si Serene. Nawala ang hiya at kaba nya, napalitan ng self confidence, trust at saya.
    "Minsan iniisip ko kung straight ka ba o hindi" naka ngiting wika ni Serene.
    "Gusto ko kasi maging panatag ka sa tuwing magkasama tayo" wika ni Adonis at hinubad ang t-shirt na suot nya. "Type ko yang pantulog mo gusto ko syang I try" biro ni Adonis at ibinigay ang T-shirt nya kay Serene. "Mabango yan kahit napawisan na, amoy cologne kaya ang pawis ko" biro ni Adonis at tumalikod. "Akin na yang damit mo, ako na mag susuot."
    "Seryoso ka?" tanong ni Serene.
    "Oo nga. Seryoso ako" sagot ni Adonis. Habang naka talikod si Adonis ay hinubad ni Serene ang kamiseta at isinuot ang T-Shirt ni Adonis. Humarap si Adonis nang ibinigay na ni Serene ang kamiseta sa kanya at isinuot nya ito. Natawa pa silang dalawa nang tumunog ang tahi ng kamiseta. CRACK-!
"Ang hirap huminga" wika ni Adonis.
    "Bagay sayo, ang sexy mo" puri ni Serene.
    "Oh Thanks Jal.." malanding tono ng boses ni Adonis na nag bibirong nag papa-girl.
    Habang kumakain ay itinaas ni Adonis ang kamiseta hanggang dibdib, natatakot kasi syang masira ang kamiseta pag lumaki ang tiyan nya sa kabusugan. "Baka masira pag maging botsog ako"
    "Ganyan ka ba talaga pag kasama mo si Venice?" tanong ni Serene.
    "Hindi. Sayo lang" sagot ni Adonis.
    "Weh?" tanong ni Serene.
    "Yung ginagawa ko kay Venice? Mas hihigitan ko pa pag dating sayo" sagot ni Adonis at sinubuan si Serene ng isang kutsarang kanin na may manok.
"Ang cute mo kumain Jal ko, para kang baby" biro ni Adonis.
    "Hmm, cute mo rin para kang Daddy" sagot ni Serene.
    "Pag nasa harap tayo ni Venice gusto ko ganto tayo, mag susubuan ng pagkain" Paliwanag ni Adonis.
    "Oo, tapos iisang plato at kutsara" dagdag ni Serene at sumubo ng mashed potato. "Payag ka ba?" tanong niya habang nakatingin kay Adonis.
    "Sure, pero okay ka lang ba kung mag sasalo tayo ng laway?" tanong ni Adonis at sabay silang napa ngiwi sa diri.
    "Eeeewww!" sabay nilang wika.
    "Bahala na si Batman" sagot ni Serene.

    Bago matulog ay inasikaso ni Adonis ang mga documents at reports ng kinita nila sa buong mag hapon. Pero hindi nya maiwasang mag stalk sa fb ni Venice, tiningnan nya ang timeline ng ex nya at nag scroll down para I check kung ano na ang ganap sa babaeng minamahal nya. Nabigla na lang sya nang biglang yumakap si Serene sa likod nya, pinatong ang braso sa balikat nya, inunat ang mga braso at nag simulang paki alaman ang fb ni Adonis. Ngayon, si Serene na ang nagamit sa fb ni Adonis habang si Adonis ay naka tingin lang sa ginagawa ng bagong Gf nya.
    "Sana pala dinagdagan ko ang rules ko sa contract. Ako ang Gf mo ngayon kaya wag na wag mo nang titingnan ang fb ng ex mo" wika ni Serene, pumunta sa timeline ni Venice at binlock ang fb ng ex Gf ni Adonis. "Galit ka ba sa ginawa ko?" naka ngiting tanong ni Serene at nakipag titigan kay Adonis.
    "Hindi naman, nabigla lang"sagot ni Adonis. Hinawakan nya ang ulo ni Serene at hinimas ang buhok. "matulog ka na Jal" wika ni Adonis.
    "Good Night Jal" wika ni Serene at hinalikan ang lips ni Adonis. Nang aalis na si Serene ay hinila ni Adonis ang dalaga at hinalikan din sa lips
    "Good Night din Jal ko" wika ni Adonis.

    Habang nag ta-type sa computer si Adonis ay tinitingnan tingnan nya si Serene, Ang laki ng pag babago ng bagong nobya, dalagang dalaga na sya pati yung ugali may pagka agresibo sa paraang inosente.
    Hindi nya lubos akalaing magiging Gf nya ang babaeng minsang minahal nya, pero huli na ang lahat iba na ang tinitibok ng puso nya, iyon ay si Venice, ang nasa isip nalang nya, ituon ang buong atensyon kay Serene para pag selosin si Venice nang sa gayon ay bumalik sa kanya ang dating nobya. Lumapit sya kay Serene at pinicturan ang natutulog na mukha ng dalaga, Innocent look kaya ang cute cute, ginawa nya itong wallpaper sa cp at laptop nya. Pinilit nyang tapusin ang reports kaya inabot sya ng 2am. Sa sobrang sikip ng kamiseta na suot nya ay hinubad nalang nya ito at hinayaang naka pantalon nalang sabay humiga sa sahig, sa tabi ng sofa na hinihigaan ni Serene para malimusan ng kumot na naka sayad sa sahig. Sa totoo lang lamig na lamig na kasi si Adonis, lahat ng damit na binili nila ay itinabon na ni Adonis sa katawan nya maibsan lang ang lamig pero di sapat iyon kaya nag sumiksik sya sa tabi ng sofa at sumuot sa kumot ni Serene na nakalaylay.
    Nagising si Serene ng mga bandang 3 am. Nagulat sya dahil nasa sahig si Adonis natulog, may carpet naman ang sahig pero malamig parin iyon sa katawan. Awang awa si Serene dahil naka baluktot sa lamig si Adonis kaya bumaba sya sa sahig, tumabi kay Adonis at nag hati sila sa kumot.

#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon