Maya maya ay may narinig silang mga boses na nag tatawanan at tila nag uusap usap, medyo mahina man ang boses ay rinig sila at siguradong nag tatawanan ang mga ito kaya lalong humigpit ang kapit nila Serene at Alyza kina Adonis at Raph. Hindi naman sinasamantala nila Adonis at Raph ang takot ng mga naka yakap sa braso nila, hinayaan lang nilang kumapit ang mga ito pero sila ay nanatiling no touch sa mga dalaga para walang malisya. Nang Makita nila Summer, Serene at Alyza na may lumulutang na ilaw na papalapit sa kanila ay nag tilian sila, Tumili si Summer ng ubod ng lakas sabay takbo kay Eugene at tumalon sa takot. Buti na lang at sinalo ni Eugene ang dalaga dahil kung hindi ay pareho silang hihiga sa lupa. Patuloy ang pag titili ng mga dalaga habang nakapikit dahil ayaw nilang masaksihan ang mga santelmong kinuwento sa kanila.
"Umuwi na tayo Eugene!!!" pag titili ni Summer habang nakapulupot ang braso sa leeg at naka pulupot ang mga binti sa baywang ni Eugene,
"Oi! Hala! Matutumba!" wika ni Eugene na inaawat ang pag taranta ng dalagang buhat nya. "Matutumba tayo! Oi kalma lang!"
"Oy! Oy! Oy! Oy! Ano yan?" tanong ng mga bagong dating na kaedaran nila. Idinilat nila Serene at Alyza ang mata nila.
"Tao ba kayo?" tanong ni Alyza. Pinatay ng mga bagong dating ang dala nilang flash light.
"Ako tao, sila kabayo!" sagot ng babae sabay turo sa dalawang bakla na kasama nya.
"Hindi kayo santelmo?" tanong ni Summer sa mga kakarating.
"Santelmo? Ano yun?" tanong ng babae. Inis na bumaba mula sa pagkakabuhat si Summer sabay sakal kay Eugene.
"Papatayin na talaga kita" inis na pananakal ni Summer kumawala si Eugene at pinag tatawanan si Summer.
"Di ka pala mag papa touch huh!" biro ni Eugene. Kinuha ni Summer ang isa nyang tsinelas at hinagis kay Eugene pero umilag ito kaya di natamaan. Kaya hinagis ulit ni Summer ang isa nyang tsinelas pero bigo parin itong matamaan si Eugene.
"Venice?" tanong ni Serene kay Venice.
"Hmm, akala ko ba babaeng kaibigan bakit magkayakap kayo?" tanong ni Venice. Pag ka rinig ni Serene ng sinabi ni Venice ay agad syang kumalas sa pagkakayakap sa braso ni Adonis.
"Hindi, kasi tinatakot nila kami eh" sagot ni Serene.
"Ehem! Kaya pala pa goodboy si Donis kasi maganda ang GF, anong pangalan mo girl? Taga saan ka?" tanong ng isang pa girl.
"Hindi ako GF ni Adonis" nakangiting sagot ni Serene. Napansin ni Raph na nanahimik sa pag babangayan sina Eugene at Summer.
"Hoy anong ginagawa nyo jan?" tanong ni Raph sa dalawa na parang may hinahanap sa damuhan.
"Hinahanap namin yung tsinelas ni Madam Busang" pang aasar ni Eugene. Hinampas ni Summer sa braso ng stick na nadampot si Eugene. "Aray!, isa pa hahalikan na kita"
"Eeew! Hanapin mo na kasi yung tsinelas ko, kasalanan mo to eh." Paninisi ni Summer.
"Ayan nanaman po sila nag aaway nanaman" puna ni Adonis.
"Ako?" tanong ni Eugene at tumawa ng tawang criminal. "Ako pa ang may kasalanan? Sino kaya sa atin ang bumato? Ha? Madam?"
"Stop calling me Madam! I'm Summer okay?" naiinis na wika ni Summer habang hinahawi ang mga damo na kasintaas ng tuhod nila. "S-U-M-M-E-R! Summer!" (Es-Yu-Em-Em-Ee-Ar) pag spell ni Summer ng pangalan kay Eugene.
"Ang panget ng pangalan mo" biro ni Eugene.
"Oh talaga? Unique kaya to" sagot ni Summer habang hinahanap nila ang magkapares na tsinelas. "Hanapin mo na kasi"
"Ano bang ginagawa ko? Diba nag hahanap ako?" reklamo ni Eugene. "Buti talaga di kita GF, ano ba yang bibig mo? Armalite? ratrat ka ng ratrat eh"
Nag tawanan sina Adonis at ang apat tatlong bagong dating.
"Eugene ano ba yan? First love?" Biro ni Venice.
"First love never dies!!" Biro ng isang pa girl.
"Di no! Kaaway ko kaya to kanina pa nya ako inaabuso eh" sagot ni Eugene.
"Alam nyo, Eeeeww yan di ako mag kakagusto jan! eeeww talaga" tila nandidiring tono ni Summer. "Tsaka galit ako jan, Makita ko lang mukha nyan na babad trip na ako!"
"The more you hate, the more you love" asar ng isa pang pa girl.
"Hindi nyo makikita yung tsinelas jan. Mataas masyado yung damo tsaka madilim pa, walang effect yang ilaw ng cp nyo kahit gamitin pa natin ang flash light namin." Paliwanag ni Venice. "Bukas nyo nalang hanapin yan."
Nag lakad palayo si Eugene kay Summer
"Wag mo nang hanapin mag yapak ka na lang" wika ni Eugene.
"Ayoko nga mag yapak! Kung ayaw mo ko tulungan edi wag!" galit na sigaw ni Summer sabay hagis kay Eugene ng binunot nyang damo. Tinamaan ng lupang napasabit sa ugat ng damo si Eugene kaya nadumihan ang puti nyang damit pero imbes na patulan si Summer at magalit ay tinakot na lang nya ito.
"Kilala mo si Lolong?" tanong ni Eugene.
"Sinong Lolong?" tanong ni Summer.
"Yung pinaka malaking buwaya na nahuli dito sa Pilipinas?" sagot ni Eugene.
"Oo bakit?" tanong ni Summer.
"Anjan kaya sya nag aabang sayo" biro ni Eugene. Biglang napatakbo si Summer pabalik sa kinaroroonan nila Eugene pero napatid sya sa isang bato kaya sya nadapa.
"Outch" pag ka upo ni Summer ay nakita ni Eugene na dumudugo ang mag kabilang tuhod ni Summer. Lumapit sina Serene at Alyza sa kaibigan.
"Summer!" sigaw ng dalawa at tumakbo papalapit kay Summer, lumapit din si Eugene sa dalaga.
"Ikaw kasi!" sisi ni Summer kay Eugene.
"Sorry ok? Sorry na, di ko naman alam na madadapa ka" paliwanag ni Eugene at hinubad ang t-shirt na suot, natira na lang ang sando na suot pero muli ay hinubad ulit ni Eugene ang sando. Nakita ng tatlong dalaga ang ABS ni Eugene, halatang batak sa mabibigat na trabaho.
"Wow, sarap" bulong ni Alyza kay Serene. Napangiti si Serene at bumulong din kay Alyza.
"Braso pa nga lang busog na ako eh, abs pa kaya? Isang linggo talaga akong busog nito" bulong ni Serene kay Alyza.
"True, papayat ka nyan" sagot ni Alyza.
"Hindi ako mataba, chubby lang!" bulong ni Serene kay Alyza.
"Para sa akin mataba ka kasi mas payat ako sayo" bulong ni Alyza.
"Isang sabi pa na mataba ako lilipad ka na talaga sa West Philippine Sea" banta ni Serene sa pinsan. "Yum yum, yummy" pahabol pa nito.
Sinira ni Eugene ang sando nya at pinulupot nya sa magkabilang tuhod ni Summer.
"Sorry ha? di ko talaga gusto na madapa ka" pag hingi ng sorry ni Eugene. Medyo na touch si Summer kay Eugene kasi hindi mataas ang pride nya, nag sorry parin sya sa kanya kaya papatawarin na sana nya ang binata kaso bumanat pa ulit kasi ito ng malupit na pang aasar kaya mas lalong nabwisit si Summer. "Ang balak ko kasi patayin ka sa takot kaso napurnada yung plano ko eh, ayun nadapa ka lang" Pang aasar ni Eugene. Sa inis ni Summer ay sinampal nya si Eugene.
"Hala!" napa sigaw ang isang pa girl.
"Patay" bulong naman ng isang pa girl.
"Pinsan first time ka masampal ng babae ah" biro ni Adonis kay Eugene. Ngumiti si Eugene pero halatang naasar sya sa ginawa ni Summer.
"Oo nga eh, pagod na talaga ako mag timpi, bahala ka jan" inis na wika ni Eugene at nauna nang naglakad papunta sa looban ng sementeryo.
"Tara na" aya ni Adonis at lumapit kina Serene. "Raph, kaw na bahala kina Serene at Alyza" utos ni Adonis kay Raph at inupo si Summer para kausapin. "Alalayan na kita" wika ni Adonis at inalalayan tumayo si Summer.
Nakita ni Summer ang t-shirt ni Eugene kaya dinampot nya ito bago tuluyang makatayo. Nauna na sina Raph, Serene, Alyza at ang tatlo pa nilang kasama samantalang sila ni Adonis ay nananatili sa likod dahil masakit ang tuhod ni Summer sa tuwing hahakbang sya kaya mabagal ang pag lalakad nila.
Nakita ni Summer si Eugene na pabalik sa kanila, nang malampasan ni Eugene sina Raph at akmang lalampasan din sina Adonis na parang walang nakikitang tao ay nag salita si Adonis.
"San ka pupunta?" tanong ni Adonis na tonong parang mas ahead ng edad kay Eugene, para syang kuya na nag tatanong sa nakababatang kapatid kung saan pupunta.
"Kukunin ko yung damit ko, naiwan ko" sagot ni Eugene na tono namang hindi maganda ang mood, nang marinig iyon ni Summer ay agad niyang itinaas ang kaliwang kamay nya para ipakitang hawak nya ang naiwang t-shirt ni Eugene. Nang Makita iyon ni Eugene ay nag tama ang mata nila na parang may spark, hot and cold, positive and negative, parang ganon ang tinginan nila sa isa't isa. Taliwas na taliwas. Kinuha ni Eugene ang damit nya at sinuot nya ito habang nag patuloy sa pag lalakad sina Adonis, Summer at hinihintay sila nila Raph sa unahan. Nang matapos suotin ni Eugene ang damit ay sinadya nyang pumauna kina Adonis at Summer para maharangan ang daan, napahinto sa pag lalakad ang dalawa ng biglang umupo si Eugene sa harap nila.
"Adonis, ako na lang bahala sa kanya, ipapasan ko na lang, kung papayag sya" wika ni Eugene na patukoy kay Summer. Hindi sumagot si Summer.
"Okay lang ba sayo na ipasan ka nya?" tanong ni Adonis kay Summer.
"Ayoko, mag lalakad na lang ako." Sagot ni Summer.
"Pag maglakad ka sa bagal mong yan hindi natin maaabutan ang dahilan ng pag punta natin dito." Paliwanag ni Eugene.
"Baka kasi hipuan mo ako, wala akong tiwala sayo" sagot ni Summer.
Huminga ng malalim si Eugene. "Kung iniisip mo na cha chansingan kita hindi ko gagawin yon, pumasan ka sa akin para maka abot tayo sa pupuntahan natin, kapag maramdaman mo na hinihipuan kita edi isumbong mo ako kina Mamang, tapos sampahan mo ko ng kaso, ganon lang kadali yon." Paliwanag ulit ni Eugene. Nang tila ayaw parin pumayag ni Summer ay tumayo ito at hinarap ang dalaga. "Diba gusto mong ma enjoy ang bakasyon nyo? Kung hindi nyo makikita yung pupuntahan natin hindi makukumpleto ang bakasyon nyo, ngayon na lang mangyayari ulit ito bukas hindi na tayo makakabalik dito kaya wag ka nang pabebe"
Ayaw man ni Summer ay pumayag na lang sya dahil tiningnan nya ang dalawa nyang kaibigan na parang excited talagang Makita ang pupuntahan nila.
Habang pasan pasan ni Eugene si Summer ay unti unti nilang natanaw ang mumunting ilaw sa isang malinis na lugar. Parang wala sila sa sementeryo kundi parang nasa mini garden sila. Ang unang napansin nila Serene ay ang ga sakong na damuhan na pinaliligiran ng paikot na halamanan, bakit nila nakita iyon? Dahil sa liwanag ng buwan.
BINABASA MO ANG
#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st Story
Teen Fiction"Holy Cow!" sigaw ni Eugene habang nakatitig kina Serene at Adonis na magkayakap habang tulog sa sahig. Nang matauhan si Adonis ay agad itong napa upo, gayon din si Serene at naka taklob ng kumot, si Adonis naman ay kita ang hubad na itaas. "Dre...